Woke up at 2am, nagising an hour ahead of alarm. Medyo umaambon parin sa labas. Prep-up then umalis sa amin at around 4am. Nakarating sa meeting place sa McDo Pasay Rotonda at 5.30am. Of course true to my word na maaga dapat ako dahil ako ang organizer ng climb. Last na dumating si Jason at nagka-aberya daw sa sinasakyan niya. Nag-skip kami ng bus dahil puno na siya at wala akong balak na tumayo sa loob ng tatlong oras lalo na't merong akong plantar fasciitis. Buti nalang at mabilis namang napuno ang bus at by 6.45am umalis na rin ito bound to Nasugbu. Along the way, kwentuhan lang, geo-tagging, pati yung movie na Reel Steel natapos rin namin panoorin bago kami bumaba pagdating sa Evercrest.
Jump off at Evercrest
stone marker welcoming the mountaineers
low clouds at Batulao, malungkot at umaasa na magkaroon ng clearing pag-akyat namin
fellow dayhikers Tolits and Mark with newbies Jason and Christian
message at Base 1, very moving at inspirational, totoo siya dahil ako mismo napagbago ng pag-akyat ko sa bundok, i've learned to appreciate and respect nature more and suddenly fell in love with its majestic scenery and tranquil environment
and teh trek continues..
teh lone tree
foggy summit
photo-ops at teh summit with fellow mountaineers
registration at the New Trail, Old to New trail kasi ang ginawa namin as suggested by other co-bloggers
parang naalala ko bigla ang Merrell adventure run pero mas grabe ang kalbaryo na naranasan namin dyan sa area na yan wherein "putik" is an understatement, sobrang hirap at sakit sa paa ang inabot namin, merong pagkakataon na nadulas at lumubog ang paa at tsinelas, at sobrang haba ng lugar na ganito ang eksena, isinumpa ko nga bigla ang daan na yun sa hirap na naransan ko, kaya next time summer ko na aakyatin ang lugar na ito ulit
after ng hike, naligo at nagpalit ng damit, diretso kami sa Mushroom Burger, salamat Jason sa panlilibre, sa uulitin, haha!
Salamat ulit sa kid guide namin na si Reynaldo na kahit pasaway kami at naging porter at photographer namin eh walang reklamo, and again to my dayhike barkada Tolits, Mark, Christian and Jason at sana naging masaya naman ang climb experience nyo kahit medyo maulan at maputik along the way. Sabi ko nga diba, kahit umulan pa yan "Go lang ng Go!" Until our next climb and hopefully makapag twin dayhikes or even overnight hike tayo pagdating ng Summer!
sana makasama namin kau ni Sir Ian ulet sa mga susunod na akyat :-)
abcde
September 4, 2012 at 5:46 PMSureball yan, looking forward to it
Jinjiruks
September 4, 2012 at 8:26 PMjeff...invite mo naman ako...isang email lang sa office...^_^
lakwatserong tatay
September 21, 2012 at 3:38 PMhaha, oo naman sir, sige ba, kaw nga ang madalas gumala dyan sa atin. haha!
Jinjiruks
September 24, 2012 at 10:59 AM