South Mindanao visit: Day 0 - General Santos City Airport

Nag file ng VL for Friday shift para hindi magahol sa oras. Medyo umaambon pa nung umalis ako sa amin ng alas-8 ng umaga. It would be my first time to ride an airplane which is 1pm bound to General Santos city. Nag research regarding the shuttle na dumadaan sa NAIA. 20 pesos ang fare niya.

Around 10am nang dumating ako sa Terminal. Lumapit agad ako sa Cebu Pacific crew kung pwede nabang mag checkin na pero mga 11am pa daw. Kumain muna sa fastfood while waiting. Ang laki laki pala ng Terminal 3 and in fairness free wifi siya.


Then nag weigh-in na ng baggage, nagbayad ng terminal free, na check na yung mga gamit then punta na sa Departure area. Daming foreigner mostly mga Kano ang andun. Then nagpunta na ako sa waiting area ng Cebu Pacific, at first kaunti lang tao pero as soon as malapit na ang boarding time eh unti unting napuno siya. Inaliw ang sarili sa panonood ng Discovery Channel regarding ancient Alien ang topic.

Then by 1pm, sumakay na sa plane. Then the usual protocol sa plane. Medyo masakit lang sa tenga ung change ng pressure lalo na nung pababa na parang sasabog ang tenga mo. Pero hindi ko man lang naramdaman na 1 1/2 hour ang byahe. Nag enjoy rin kakabasa na rin ng Smile magazine nila.

Arrived at 3pm sa General Santos airport, siyempre kasama sa flight namin si Bamboo and his crew at meron atang gig sa Gensan na nag participate rin siya sa mini contest ng Cebu Pacific sa name that Artist. Nagaabang na doon si Marvin which is my neighbor nung nasa Montalban pa siya bago umuwi dito sa Mindanao.


Nagpunta muna kami sa SM GenSan para bumili ng mga pagkain na gagamitin namin sa trekking, then dumaan din sa RDex para tumingin ng Tuna products in which dadaanan ko bago umuwi. Then sumakay na ng Bus sa Bulaong Bus Terminal headed to Marbel (Koronadal City), ganun pala ang way ng transpo nila at paputol-putol din. Sumakay ng tricycle sa Polomolok papunta sa kanila.

Then andun na ang unfortunate event na nangyari sa akin. Masyadong madilim sa daraanan, akala ko pa naman eh lupa ang nasa gilid ng kanal, iyon pala hollow space at medyo malalim siya. Natapilok ang right foot, gasgas ang left and right arm. Sobrang sakit ng pakiramdam ko nang dumating ako sa kanila. Dali daling naglagay ng cold compress at pinunasan ang sugat ko sa kamay at nagpahinga na ako sa araw na iyon.

Hindi ko alam kung matutuloy pa ba ang 5 days na itenerary ko sa pangyayari na iyon. Bahala na kako, sana gumaling na agad para tuloy tuloy ang byahe namin.

0 Reaction(s) :: South Mindanao visit: Day 0 - General Santos City Airport