Napapansin nyo naman halos na hindi kagaya ng mga nakaraang mga taon eh masipag akong mag post at mas open sa sarili ko sa paglalahad ng kapiraso ng aking pakikipagsapalaran sa buhay. Ngayon eh minsan puro mga scheduled post nalang ang nakalagay dito, pasensya napo sa lahat at sobrang busy lang talaga ang inyong lingkod, maski nga ang pag blog hopping at pagbibigay ng komento sa kapwa bloggista.
Dahil na rin siguro sa demand ng trabaho at medyo naakit ang inyong lingkod sa outdoor activities kaya naman madalang na siyang magkwento ng kanyang buhay at kadalasan eh galaan, takbuhan at pag-akyat sa bundok ang aking update.
Sana nga matupad rin ang aking mga pangarap na makapag lakbay sa labas ng bansa lalo na sa Romania kung san ipinanganak ang isa sa mga maintrigang personalidad nung panahon ng Dark Ages sa Europa na si Vlad Tepes Dracula. Pangarap ko rin makapunta sa Central America kung san gusto kong bisitahin ang sinaunang sibilisasyon ng Aztecs, Maya at Incas.
Nakakatuwa basahin ang mga post ng aking mga tinitingala sa larangan ng pag-akyat sa kabundukan. Mabuti pa sila at marami ang oras nila sa paglalakbay, hindi kagaya ko na isang ordinaryong manggagawa lamang na kung hindi weekend, holiday eh vacation leave ang kailangan malagasan bago makapunta sa pangarap na destinasyon. Sana makasama ko rin sila minsan sa paglalakbay nila at tiyak na masisiyahan ako na makadaupang palad sila at makinig sa kanilang mga kwento ng paglalakbay.
Maging sa pagtakbo rin mapa flat road ba siya o trail run, gusto ko rin umakyat sa susunod na kategorya. Sa ngayon kasi panay 5/10k ang aking sinasalihan at plano na sumundot sa 16k pero naudlot dahil sa panay re-sked ng takbo nila. Hindi ko naman kinakarir ang pagtakbo at sabi ko sa aking sarili eh pang cardio ko lang siya at para maging fit kaya yan ang sagot ko sa mga nagtatanong kung bakit malaki pa rin ang tiyan kosa kabila ng panay ang sali sa mga ganitong event. Baka hanggang 21k lang ang goal ko sa sports na ito at tingnan nalang natin kung kakayanin ko ba ang 16/21k kung sakaling sasali ako. 10k palang nga eh parang buwis buhay na ako anu pa kaya pag mas mahaba pa doon.
Marami akong plano na gawin at puntahan pero syempre maraming restriction at limitasyon kaya hindi mo pwede gawin lahat ang mga ito. Sana nga mahaba pa ang panahon, may sapat na salapi at mga kaibigan na makakadamay ko sa aking misyon sa buhay na mapuntahan at maransan pa ang gandang likas na yaman ng ating bansa. Mas prefer ko ito kesa sa party party na ginagawa ng iba. Nature lover at your service.
Sa ngayon nasa recovery period parin ako sa aking sprain ankle and hopefully sa paglipas ng mga araw, linggo at buwan eh ready na siya at nang makasabak na sa mga kabundukan o kung san man ako dalhin ng aking mga paa.
Alam ko magulo ang post na ito, sinusulat ko lang kung anung tumatakbo sa aking isip sa oras na ito. Ganito ako magsulat, spontaneous at walang structure (sa mga kritiko kung paano ba dapat magsulat ng tamang blog entry.)
Hanggang sa muli at nawa'y makasama ko kayo sa aking mga paglalakbay..
0 Reaction(s) :: Kuro at Ako
Post a Comment