Sagada, the 3rd time [Day 0]

Nakakalungkot lang kasi sampu talaga dapat ang sasama para sa adventure na ito pero habang papalapit ang araw eh nabawasan nang nabawasan dahil sa mga hindi inaasahang mga kailangang gawin o commitment kaya apat lang kami ang natuloy, si Ronilo (Onik), si Nerissa at ang kanyang kapatid. Mga alas-6 palang ng umaga, nagpunta na ako kina Onik para sabay na kami magpunta sa Victory Line Cubao at doon na rin kami magkikita nila Nerissa. Maaga silang nakarating doon, kinuha namin ang 9pm na byahe para maaga rin makapunta kesa naman ma-late.

0 Reaction(s) :: Sagada, the 3rd time [Day 0]