Saturday morning, maagang nagpunta sa Tungko para meet si Japoy at yung German hiker na si Andreas. Sana lang kako na maganda ang panahon despite na warning ng Accuweather na me chance of rain sa umaga. Dinaanan namin ang normal route to Sitio Licao-Licao then lumiko na sa kaliwa ng talipapa para makapunta sa trail pa Maranat. Tumigil saglit para kumain ng masarap na biko at nakipag kwentuhan kay Ate. Nagpahinga rin sa viewing deck at tanaw na namin ang kubo ni Mang Nestor at ang falls.
Matapos ang 2 oras na lakaran at ang delikadong mabatong assault pababa, eh nakarating rin kami sa rappelling area, kung san pwede ka mamili kung tatawid kaba sa baba at hanggang dibidb ang tubig o rappell ka na buwis buhay sa ilalim na 12 feet lalim na tubig, syempre kahit takot eh mas gusto ko mag rappell nalang at adventure ito
Teh Majestic Maranat Falls
Pahinga sa mansyon ni Tatay Nestor
Lublob ulit sa falls
Maraming Salamat ulit kay Tatay Nestor at sa kanyang maybahay sa pagpapaunlak sa amin sa kanyang mansyon sa bundok, pagbibigay ng kutson at earth pad sa tent namin, masayang kwentuhan at pagpapahiram ng kanyang mga gamit sa kusina. Parang mga anak na ang turing nya sa mga mountaineer na umaakyat sa Maranat. Salamat rin kay Japoy at sa iba pang mountaineers sa bonding/camaraderie. Hanggang sa muli and hopefully makabalik ulit dito at akyatin naman ang likurang bundok ng Maranat na tinatawag nilang Oriod.
0 Reaction(s) :: Mount Maranat adventure
Post a Comment