He Says

0 Reaction(s)
"What I know is that I am tired of being left out and that the heavy baggage that continues to burden me will linger for sometime. Unless one teaches me the patience of truly realizing love."
-Dear Cubaoboy, Knox Galen's Blog

En nombre de la compasión del uno mismo

8 Reaction(s)
Tangina, naawa ako sa sarili ko. Kung bakit kasi mahal ko ang taong may mahal nang iba. Kahit Ok na sila ng partner niya, pilit ko pa rin silang ginugulo. Ngayon lang, nagagalit na siya sa akin, wag ko na daw sila pakialaman. Kung bakit kasi pipili ka lang, dun pa sa may sabit. Masyado na akong desperado sa pagkakataong ito. I need to cry. I need someone to comfort me. I'm sick of this f***ing life. Lagi na lang ako ang iniiwan.

Oo, pag-uwi kanina - iniyakan ko siya pero sambit ko sa sarili ko, na ito na ang huli. Habang kinakanta sa sarili ang "One Last Cry". Makaka-recover rin ako at patuloy pa rin mag-aantay sa taong para sa akin. Hanggat maaari, ayoko nang danasin sana itong heartache na ito. Baka next time, hindi ko na kayanin at ewan ko na lang kung anung pwede kong gawin sa sarili ko.

Teh Boxer

0 Reaction(s)
 
 handa nang tumumba ng tao
  
  right upprcut, parang totoo!
 seryosohan na ito

Badly needed

2 Reaction(s)
Hindi ko alam kung luho ba ito o hindi pero hopefully sa next payday dapat makabili na ako ng mga ito..

1) USB Bluetooth - para sa mga MP3's, ayoko na ng wires
2) SE P1i accessories - battery charger at headset
3) Laptop - sa kasamaang palad baka sa 13th month ko pa mabibili dahil sa dami ng gastos

Rizal doin FaceBook

2 Reaction(s)

Shards of Wisdom

0 Reaction(s)
Learn to trust the perfect time..

So that you may discover that all the pain found in waiting has a magnificent and awesome purpose

Random Tots

2 Reaction(s)
Imagine even at 8pm, me mga nakaka-hookups pa pala kahit kaunti ang tao sa MRT. Nakaisip tuloy ako ng idea bigla, effective pala pag tatagilid ka. Haha!

Ang tsakit-tsakit ng katawan ko mula pa kagabi, dahil na rin siguro sa workout last Monday afternoon sa gym. Pinasubukan pa naman sa akin ang lahat ng possible equiptments na gagamitin.

Usually sa haus, ako ang pinaka-kritiko sa mga niluluto nila. Pag ayoko ng ulam, sinasabi ko kung bakit. Pero kanina masarap yung niluto ng kapatid ko, kahit simpleng potatoes and egg lang iyon.

Season 1 Episode 14 na ako sa X-Files marathon ko, i dunno kelan ko matatapos ang series na ito pero nag-eenjoy ako bawat episode. Nanariwa na naman ang dekada 90 sa aking isipan.

He Says

5 Reaction(s)
I don't get this reality. i really, really, really don't. i've been a good person. a really nice guy. I've been there when people needed me, even when they weren't there for me when i needed them. I figure that by now, I would have enough good karma to actually deserve a break from this shitty life, and meet someone nice who will totally adore the awesomeness of me.


but no.

...and i'm just really, really, really tired.
-Sat, Apr. 11th, 2009, 07:00 am entry, Immam's Blog

Pangako

2 Reaction(s)
Kinahapunan ng Lunes. Anung bago. Umuulan pa rin. Kung kelan mo gusto umulan saka naman aaraw. At dahil patuloy pa rin sa pag-ulan, natuloy ang Plan B (na pumunta sa gym). Dahil na rin sa pambubuyo sa amin ni Kenneth na mag work-out para mabawasan ang mga taba namin sa katawan. Napag-planuhan na magkikita sa may Mercury Drug sa bayan. Nauna kong nakita si Angelo, tapos pinuntahan nalang namin si Kenneth sa may Premier Bank, siyempre andun kasi ang nililigawan nito na elementary crush pa niya. Sana nga mag-click silang dalawa.

Sumakay sa motor ni Ken, akala ko pa naman malayo - eh pwede namang lakarin. Nasa 3rd floor ang gym, Ok naman siya, kaya lang naalangan ako na sa computer shop pa ang daan niya. Na-miss ko tuloy ang Cabal Online. Nadatnan lang namin dun eh yung isang babae na nasa thread mill. Wala ang may-ari at sa hapon pa daw dumarating. Tanghali nagpupunta si Ken kasi walang tao at solo niya ang area kaya malaya niya piliin ang anumang equiptment na nais niya para sa workout niya. Habang wala ang trainer and since gamay na naman ni Ken ang routine, siya na muna ang nag introduce sa amin ng mga usual stuffs.

Warm-up sandali, then nag cardio nang sandali, 10minutes palang - grabe na ang pawis namin ni Angelo. Halatang walang ginagawa sa bahay. Hehe! Hindi ko kabisado ang mga pangalan ng mga equiptments na pinasubukan sa amin ni Ken pero nakakapagod siya at ramdam ko ang muscle group na madedevelop just in case nagtuloy-tuloy ako dito. Then sparring session naman sa boxing trip nina Angelo at Ken, cooldown na ako picture mode nalang gamit cellphone ni Angelo.

Buti naabutan namin ang may-ari ng gym. Pinakilala kami ni Ken at ayun baka next week na ang start namin ni Angelo. Iyan ang pangako namin kay Kenneth bago siya umalis ng bansa. Ang maging kagaya ng katawan niya pagbalik niya rito 2 taon mula ngayon. Mahirap kung iisipin pero wala namang madaling paraan na hindi makakasama sa katawan. Ika nga "No Pain, No Gain". Good luck na lang sa amin ni Angelo.

The X-Files marathon

0 Reaction(s)

Nasira kasi nang ilang araw ang DVD namin kaya kahapon lang ako nakapanood ng The X-Files ulit. Although marami na siyang re-runs sa ibang channel mapa-local o cable. Hindi ko naman kasi naabutan. At syempre laking X-Files ako (early 90's), every Monday at 9pm sa Channel 9 nakatutok agad ako. Dito nagsimula ang aking curiousity sa mga paranormal phenomena lalo na sa UFO's up to the point na bumibili na ako ng ibang reference books about it. Medyo luma na ang TV series na ito, classic na siya pero malaki ang cult following. Pinagarap ko ring maging FBI agent kagaya nila Mulder nung kabataan ko.

Sa ganitong rate na ilang oras lang ako nakakapanood at meron pang 8 season ang series na ito. Ewan ko lang kung ilan linggo o maging buwan ko matatapos ito.

Bonding

0 Reaction(s)
Sabado ng hapon. Kahit makulimlim, text pa rin ako kay Kenneth na dumaan kina Angelo para pag-usapan yung tungkol sa Wawa hiking. Dala niya pa rin ang motor niya. Kahit ayokong umangkas, sumakay na rin ako. Hindi talaga ako sanay sumakay sa mga ganyan dahil mas mataas ang risk maaksidente compared sa ibang vehicle.

Nakarating kina Angelo bago pa bumuhos ang malakas na ulan. Mag-isa lang siya sa haus. Excercise mode daw siya, natawa na lang kami. Ayun, reminisce lang about our elementary days. Kung saan dun pa nakatira sila Kenneth sa harapan ng paupahan sa may G. Bautista street, kung san tambay si Angelo sa kanila minsan (at ako naman na tambay sa haus ni Angelo para maglaro ng SNES).

Mga crush nung panahon na iyon hanggang sa high school. Kung ano na ang nangyari sa ibang mga classmate namin. Pinag-usapan rin namin ang hotseat of the day na si Kenneth, kinuwento niya lang niya ang mga gigs niya, ang mga babae niya at since gymfit itong kababata namin hinimok niya kaming mag-workout sa gym at binigyan pa kami ng challenge na dapat pagkabalik niya sa Pinas eh pareho na kami ng katawan. Mukhang napasubo ata ako dito pero wala namang masama kung susubukan ko na rin. Kinuwento rin niya ang work ng Dad niya at siya mismo, Captain Waiter kasi ang dad niya at sinasama siya nito minsan pag may buffet-type party. Kung paano siya sumisimple sa pagtatago ng pagkain at inumin. Natatawa nalang kami at natatakam sa kwento niya.

Hindi namin namalayan ang paglipas ng oras sa sarap ng usapan namin. Hanggang sa bago umuwi napag-usapan na kapag maganda ang panahon, diretso kami sa Wawa pag hindi naman eh diretso na kami sa gym na kung san regular siya dun na nagwo-workout. Then umuwi na rin kami pagkatila ng ulan.

Nagsisisi talaga ako kung bakit ngayon lang namin ginagawa ang ganitong bonding na kahit sa simpleng pag-uusap lang eh solve na rin. Kung kelan aalis na si Kenneth para mangibang-bansa saka pa nag-push through mga ganitong event.

Bro ilang araw na lang at aalis ka na. Sa sandaling panahon ng pagsasama nating tatlo nina Angelo, nag-enjoy ako sa mga oras na iyon. Muli kong nakita ang kasiyahaan nung aking kabataan na hindi ko na nahahanap ngayon. Salamat a pagbahagi ng parte ng iyong buhay sa amin. Ingatan mo ang iyong sarili. Tuparin mo ang pangako mo pagbalik at ganun din kami sa iyo.

baby Xylene's Christening

5 Reaction(s)
baby Xylene w/ his Dad's college classmates (me, tere, neri, charlene & arnold)

Saturday morning. Akala ko pa naman makakauwi ako nang maaga para sa binyag ng anak ni Raniel. Pero dahil na rin sa mga hindi inaasahang pangyayari, nakauwi na ako mga pasado alas-8 ng umaga. Kaya naman dali-dali akong kumain sandali, naligo (kahit kakauwi pa lang - masamasa katawan), bihis at umalis din agad. Kahit puyat sige biyahe pa rin ako. Around 9am na ako nakarating sa Commonwealth. SMS sina Arnold and company. Grabe ang traffic sa Regalado, ginagawa kasi ang kalsada (alanganin talaga kung kailan tag-ulan). Text sina Neri antay umalis na daw sila sa SM Fairview meet nalang daw sa Aristocrat malapit sa STI.

Then ayun nasa car na ni Bro kasama sina Neri, Tere at Charlene. Kaunting chit-chat. Past 10am na, hindi namin alam kung makakahabol pa kami sa binyag. Nag-desisyon na lang kami na diretso na lang sa reception sa Dencios' sa Capitol Hills. Ngayon lang ako nakapunta sa lugar na iyon. Mind Level-up! (sa Brave Fencer Musashi (PSX) kasi kapag nakakapag-lakbay ka sa unknown area, up sa Mind stats mo.) Nag-mesg kay Raniel na andun na kami sa reception. High-end talaga itong lugar na ito. Na-OP kami. Haha! Around 11am dumating na sila at mga bisita sa binyag. Chit-chat again kay Raniel at sa ibang mga classmates na nakita ko dun.

Habang kumakain, kwento lang sa mga buhay-buhay. Kung ano na ang updates sa kanila. Sa mag hiwalayan, panliligaw at iba pang buhay pag-ibig. Hindi namin naramdaman ang paglipas ng oras. Hanggang sa oras na ng pag-uwi. Hindi na kami nakapag-usap nang matagal ni Raniel dahil busy rin siya. May utang pa sa akin yang scandal na ilang taon na niyang pangako. Na-miss ko tuloy ang college days na kakulitan ko ito sa mga kamanyakan. Ngayong tatay ka na Raniel, malamang behave ka na ngayon at piliting matutunan ang buhay ng isang Padre de pamilya. Wishing you all the best sa career at family life.

Umalis at 2pm, napag-usapan lang na dumaan muna kina Mark para kumustahin. Wala siya dun pero antayin lang dahil pauwi na rin. Si Dexter ang naabutan namin, dumating ang parents niya, pinag-merienda pa kami. Dumating si Mark, unting chat, kinuha number niya. Good luck sa business nilang magkakapatid. Kaya nyo yan! Nagpaalam at umalis na rin. Mga 3pm dumating sa SM Fairview, humiwalay sandali. Grabe antok na ako at medyo nahihilo na. Bumili lang ng jacket, kaunting reward para sa sarili. Kinita ulit sina Neri para magpaalam. Dumating sa bahay mga 6pm na. Naligo after pahinga. Around 8pm knockdown na. Isang nakakapagod na araw pero sulit at masaya dahil nakita ko ulit mga college classmates.

Napag-usapan namin na hindi lang sa ganitong mga pagkakataon dapat kami magkita. Nakakasawa na ang puro house na lang palagi ang reunion. Bukod sa out of town trip na idea. We need to go extreme minsan. Lalo na sa mga babaeng kasama namin. Sila pa ang may ganang mag hiking, mountain climbing, spelunking at wakeboarding pag may pera at pagkakataon. Aprub ako sa idea na iyon. Para maiba naman paminsan-minsan. Bago man lang mawala sa mundo maranasan mga ganitong kakaibang experience.

Clip: Ikaw na nga Parody - LokoMoko High

0 Reaction(s)

Secret behind the Name

0 Reaction(s)
from a Facebook apps..

J :
Jealously.
I : You are always smiling and making others smile.
N : You like to work, but you always want a break.
J : Jealously.
I : You are always smiling and making others smile.
R : You are a social butterfly.
U : You feel like you have to equal up to people's standards.
K : You like to try new things.
S : You are very broad-minded.

I : You are always smiling and making others smile.
K : You like to try new things.
A : You can be very quiet when you have something on your mind.
R : You are a social butterfly.
I : You are always smiling and making others smile.

Jealously. You are always smiling and making others smile. You like to work, but you always want a break. You are a social butterfly. You feel like you have to equal up to people's standards. You like to try new things. You are very broad-minded. You can be very quiet when you have something on your mind.

He Says

2 Reaction(s)
"And I know that someday, when the time is right, we shall be together again. Five years ago, I told myself that you are the person that I want to grow old with. This stays true until today. I love you. When we are both ready, I will spend the rest of eternity proving that to you."
-Always be my Baby, Dale's blog

Testi

3 Reaction(s)
Napadaan lang ulit sa isang social networking site na hindi ko na binubuksan ng ilang taon, nakita ang isang comment mula kay Lani, kababata ko at classmate nung elementarya. Madalang na lang kaming magkita, pero somewhat magka-synch ang aming ineterest lalo na sa mga quiz bee at iba pang trivia. Miss you! Sana matuloy na ang elementary reunion na ilang taon nang hindi matuloy-tuloy.


Antok

0 Reaction(s)
Grabe epekto ng sunod-sunod na OT na ginagawa ko ngayon. Anung oras na ako nakakatulog pag tanghali. Mga 2 na ng hapon. Tapos gigisng pa ako ng 5pm. Ilang oras lang ang tulog ko. Kaya pagdating sa gabi, sobrang inaantok ako na kulang na lang banig at unan pwede na ako matulog. Salamat naman at makakapag-pahinga na ako this weekend.

Oh Ti

2 Reaction(s)
2nd na ng Post-shift OT ko. Kariran na ito. Kahapon umabot ako ng 10am dito sa office. Haggard na ako masyado. Baka hindi ko na kayanin pag extend pa ako ng tanghali. Baka mamaya mag collapse na lang ako sa labas. Na-miss ko ang pag-uwi ng ganitong oras sa Makati.

Yung rutang Enterprise - Greenbelt - Landmark - MRT. Syempre hindi ko rin pinalagpas ang kwek-kwek. Ilang buwan rin ako hindi nakakain nun. Dati-rati kasabay ko si Rain (officemate) kumain bago umuwi. 16 balls binibili namin at tig-walo kami. Ewan ko ba kung bakit Green day kahapon. Mula MRT to Terminal sa amin, mga nakakatabi ko naka-green.

Nakaka-miss mga dati kong kasama sa dayshift. Nung inabot ko ang sched nila, kinausap ko sila at kaunting kumustahan. Magkikita pa naman kami eh sa paglipat namin by September at ang Cebu trip namin this October. Excited na ako.

O siya, work muna. Puyatan na naman ito. Hindi naman ako pumapayat. Asar!

He Says

4 Reaction(s)
nakaka-relate ako sa iyo Aris..

“Kung maaari nga lang kitang mahaling muli. Pero hindi na iyon ganoon kadali…”
-Nakaw na Sandali, Aris' Blog

Loyalist

4 Reaction(s)
Pinutol ko lang ang list kasi mahaba na masyado. Sino kaya ito? More than 9 hours nakatambay sa blog ko.