Pod OMG Team Building at Bahay Bakasyunan

0 Reaction(s)
waiting for Sir Mike

finally after 2 hours ng byahe nakarating rin sa site, need to where the baller para malaman na guest

team Mike aka Hybrid!

bonding with other team

quick pose bago umalis, thank you so much Operations Manager Gigare (OMG) para sa Team Building na ito

bucolic view of Tanay, Rizal

Teh Reason why I Hike and Travel

0 Reaction(s)

Sitio Malabnig, Mt. Banoi 1st attempt

0 Reaction(s)
6am na kami nakaalis at sumakay sa Jam Liner sa Buendia. Medyo mataas na ang sikat ng araw, ilang oras na nagamit namin hanggang sa makarating kami sa bayan ng Lobo, grabe ang layo pala ng byahe dito at kelangan maaga ang dating mo. Inantay namin si Rex at nakarating siya bandang tanghali. Nag decide na kami kung diretso paba o punta nalang sa resort dito sa Lobo dahil medyo alanganin. Sinubukan nalang namin kung kakayanin ba namin at nagpatuloy nasa pag-akyat.

dahil sa mainit na nang umakyat kami, madalas eh panay ang take 5 namin para magpahinga, grabe dito daming mga itim na langgam kaya walang tigil ako sa pagkamot sa paa ko sa pagkagat nila, mabuti na eto kesa sa limatik

hiyang-hiya naman kami kay Lola, naunahan pa kami at hindi pagod talaga, nag decide na kami na pumunta nalang sa Sitio Malabnig at doon nalang magpalipas ng ilang oras bago bumaba, nakatagpo ng ilang hikers na pababa na at malakas daw ang ulan kagabi, kaunting picture at pahinga, babawi nalang kami at aagahan ang pagalis, sayang at hindi namin naabot ang summit, dami pa namang next time pero enjoy parin kami sa hike na ito

Maraming Salamat ulit Elite Team sa ating hiking adventure, hopefully next month makabalik tayo sa Banoi!

Mt. Mabilog and Lake Pandin dayhike

2 Reaction(s)
Sunday morning, munting nang ma-late na naman at medyo mamasa masa ang palagid nang umalis ako sa amin. Sina Rex and Jane ang tumugon sa aking invite for another dayhike adventure at Mt. Mabilog with Lake Pandin sidetrip at the city of Seven Lakes that is San Pablo City, medyo nalito pa kami kasi maraming Jollibee sa area na iyon kung saan kikitain namin si Rex at aming guide na sina Kuya Bino and Ate Merci. Met up with Rex sa Jollibee Maharlika while sa Plaza area naman ang aming guide.

natuwa naman kami nang makita namin sina Jollibee at nagpa pictue na rin, tinatapatan talaga nila ang kakabukas lang na KFC sa tapat niya, promotion nga naman

matapos bilhin mga kelangan for the hike, sumakay na kami sa trcicyle to Lake Pandin, meron nang mga batang guide offering services, met also fellow mountaineers na pababa na. Medyo nakakapagod nang kaunti kasi panay ang assault at katanghalian pa, kaya naman pag merong shade eh usually take 5 kami and chika minute sa mag-asawang guide

almost two hours lang eh nasa summit na kami, pics nang kaunti, appreciating the nature, as usual breathtaking parin ang view from the summit and we were able to view the other lakes and mountains of Cristobal and Banahaw

after reaching the summit, bumaba na rin kami sa Lake Pandin para mag chillax and kumain ng tanghalian, in perness nagustuhan ko ang hipon sa gata nila, ang saya ng kainan namin puro biruan at tawanan, then naligo na kami and tyempo naman na umulan nung bandang hapon pero nasa baba na kami at naliligo na sa ilog, good stress reliever

Thanks to Rex and Jane, I was able to conquer my 15th mountain, looking forward to see you again to our next adventure!

Pundakit week-long adventure

0 Reaction(s)
Supposedly for my mandatory (5 days) leave eh naka sched ako bound for General Santos pero dahil sa hindi nakapag file ng leave ang contact ko dun eh hindi siya natuloy at siguro next year na ako makakapunta dun kaya naman alternate ko eh dito sa Pundakit, San Antonio, Zambales for a couple of days para mag pahinga at muni-muni. Salamat nalang sa generosity ng godfather ng friend ko eh free accommodation kami dun.

Mga hapon na rin kami umalis mula sa Victory Caloocan bound to Iba, Zambales, mga 5pm. Then after 4 hours na biyahe, nakarating rin sa San Antonio then kumain muna kami sa gotohan then tricycle to Barangay Pundakit. Sarado na ang tindahan at pinuntahan agad namin si Ninong (hehe!) at nag offer siya dun ng vacant open cottage since Monday at walang guest sila.

teh resort between a river and the beach

Pundakit river

pa piktyur lang sa batuhan sa bandang dulo ng beach

majestic view of Capones, Camara islands

umakyat din kami sa isang hindi kilalang bundok overviewing Barangay Pundakit

emo moment

conquered!

sunset!

Maraming Salamat po ulit Ninong sa pagpapatuloy sa inyong resort at nag enjoy po ako sa tatlong araw na pananatili ko sa inyong lugar, sana po makabalik ulit ako sa susunod sa taon.

Something to think about..

1 Reaction(s)
"Mahirap pala pag nagpre-pretend lang na masaya ka, then you'll end up yourself empty. Unti unti ka rin palang napapagod. Masaya sana kung mahal na mahal mo siya gaya ng ginagawa niya kaso hindi eh. So its better to leave than to cheat right?"

Huling pasabog sa Tag-init sa Majayjay Falls

0 Reaction(s)
Pagkatapos ng pasok, dali-daling pumunta na kami ni Vien sa LRT Buendia pa-taxi at baka nag-aantay na rin kasi sila. Ang bilis ng byahe at mga ilang minuto palang ay nasa LRT na kami. Kumain muna kami sa Jabi then wait sina Mark and Xtian na nagluluto pa ng ulam, samantalang si Royette eh sa Alabang na manggagaling at sa Sta. Cruz na kami kikitain. Nakaalis bandang 7am na at ma traffic pala sa SLEX na Los Banos na way pag ganung mga panahon. Naunahan na naman kami ni Roy sa terminal. Imbes na mag tricycle eh minabuti na naming sumakay pabalik sa Palengke kung san andun ang terminal pa Majayjay. Mga ilang minuto rin ang byahe, tapos eh sumakay ulit kami ng isa pang jeep pa Taytay naman sa Falls mismo. Nagpa register sa barangay, 30 pesos pag overnight, buti nalang at malaki ang capacity ng tent na nirentahan namin at tama lang sa aming 5 worth 350 pesos.

setup ng tent

minamalas ang kagandahan ng talon

daming mga naliligo

grabeng lamig ng tubig, totoo pala sinasabi nila

ngasab, kain at lamon pa!

Akyat Aral Back to School and Outreach Project at Sitio Latag

4 Reaction(s)
promotional poster of Akyat Aral

Prep up ng gamit Friday night for the upcoming outreach program at Occidental Mindoro. Meetup place sa LRT Buendia along Jam Terminal. Medyo pagkatanga lang at sinugod pa ang EDSA friday night kung saan notorious ang traffic at sobrang usad pagong. Tigas ng ulo kasi at imbes na nag MRT nalang. Nakarating rin sa meeting place along 7-11 mga 15 minutes. Approach ko agad si Sir Albert A. then said na si Rex eh sa Batangas Pier na raw pupunta. Then met other volunteers and staff of Akyat Aral including Tatay Albert and Vangie kung saan na meet namin during the pre-climb meeting.

Almost midnight nang marating ang Batangas Pier, at si Rex wala pa rin, 2pm ang alis ng M/V Reina Banderada of Montenegro Shipping Line and 1pm boarding time. Nakarating rin si Rex bandang 1.50am na pawisan at pagod na pagod. Pahinga sa boat at pahangin kaunting chit-chat waiting for the boat to arrive at Abra de Ilog port.

Good Morning Occidental Mindoro!

the Port

pahinga-pahinga muna pag may time

ligo ligo time!

painting of classrooms

fitting of school uniforms

yay, me bagong tsinelas!

games for the kids and elders too!

feeding program

ready na kami sa pasukan!

Congrats guys sa matagumpay na pagdaraos ng back to school at outreach project

kakalungkot man umalis, masaya parin at nag-iwan kami ng ngiti at pasasalamat na dala mula sa Iraya-Mangyan tribe

Salamat po sa pagimbita sa amin ni Rex at hopefully mahabang panahon pa ang ating pagsasamahan Team Akyat Aral

Mt. Kalisungan dayhike

0 Reaction(s)
Sunday morning, prep up na for the Kalisungan hike, as usual ako na naman ang late sa group at dumaan pa kasi ako sa Mercury para sa rations and tagal ng byahe at nagpupuno pa ng pasahero sa lugar namin. Samahan pa ng traffic sa Cubao na hitik ang dami ng tao sa Raymond bus na hindi ko alam bakit dagsa ang pupunta sa Bikol, nakarating bandang 5.30am sa HM Bus terminal at inaantay na ako nila Mark and Jane, si Roy hahabol nalang at kikitain kami sa Duck junction.

pahamak na bibe na yan, ang dami palang junction sa lugar na ito at binaba pa kami ng bus sa ibang junction, dapat pala ang sasabihin mo eh Masapang junction at hindi sila familiar sa duck junction kainis, sumakay pa kami ng jeep ulit imbes na isang sakayan na lang.. (credits: Empi)

went to Barangay Hall at Lamot 2, me kaunting isyu at taasan ng boses between kay Kapitan at si Ate Mercy na siyang guide namin regarding sa guide fee, inantay munang humupa ang tensyon at nag-ayos ng mga gamit bago tuluyang umalis, si Ate Mercy, nagsimula nang mag kwento ng iba't ibang bagay mula sa isyu nya sa Kapitan hanggang sa iba pang mga pwdeng pagusapan namin kaya naman hindi ko alintana ang oras at pahinga nalang kami sa mga landmarks sa area ng Kalisungan gaya ng bakantang bahay pahingahan at sa punong mangga

after almost 2 hours of trek, pahinga at ilang dulas moments, the Elite team finally conquered Mt. Kalisungan, as usual gaya ng mga nearby mountain sa area, grassy ang summit kaya mainit at walang shade kaya sandali lang kami, wala ring clearing sa ibang peaks pero ok lang, ang importante, we prove once again na kaya namin at napagwagian ang isa na naman challenge na akyatin ang bundok at being one with Nature

view of the Seven Lakes of San Pablo, maganda siguro view dito pag early morning pa

ascend/descend (credits: Endomondo)

Salamat ulit Mark, Roy and Jane aka Elite Team for another bonding time outdoors, akyat akyat ulit pag may time!

Akyat Aral - Back to School Project

0 Reaction(s)
Pre-climb meeting at Madison Square, kasama si Rex na officemate. Orientation and other important info.
Met new friends and possible hiking buddies. Excited at ilang araw nalang.