EBook Reads

2 Reaction(s)
Currently Reading 
Dracula - teh Un-Dead, Dacre Stoker
In this sequel to Bram Stoker's Dracula, his great-grandnephew offers one of the rowdiest revisionist treatments of the most influential vampire novel ever written. In 1912, as Stoker labors to adapt Dracula for the stage, its characters are dying gruesomely all over London. It turns out they are as real as Stoker himself, who learned their secret story on the sly and took creative liberties when turning it into his popular penny dreadful. Dracula's true story involves the passing of his blood line through Mina Harker to her son; a malignant Dr. Van Helsing, who Scotland Yard suspects had a hand in the murders attributed to Jack the Ripper; and the exploits of a 16th-century vampire countess, Dracula's former lover, who cuts a bloody swath through London seeking the survivors of Dracula's last stand in Transylvania. Energetically paced and packed with outrageously entertaining action, this supernatural thriller is a well-needed shot of fresh blood for the Dracula mythos. -Publishers Weekly

Next Read
Teh Historian - Elizabeth Kostova
Considering the recent rush of door-stopping historical novels, first-timer Kostova is getting a big launch—fortunately, a lot here lives up to the hype. In 1972, a 16-year-old American living in Amsterdam finds a mysterious book in her diplomat father's library. The book is ancient, blank except for a sinister woodcut of a dragon and the word "Drakulya," but it's the letters tucked inside, dated 1930 and addressed to "My dear and unfortunate successor," that really pique her curiosity. Her widowed father, Paul, reluctantly provides pieces of a chilling story; it seems this ominous little book has a way of forcing itself on its owners, with terrifying results. Paul's former adviser at Oxford, Professor Rossi, became obsessed with researching Dracula and was convinced that he remained alive. When Rossi disappeared, Paul continued his quest with the help of another scholar, Helen, who had her own reasons for seeking the truth. As Paul relates these stories to his daughter, she secretly begins her own research. Kostova builds suspense by revealing the threads of her story as the narrator discovers them: what she's told, what she reads in old letters and, of course, what she discovers directly when the legendary threat of Dracula looms. Along with all the fascinating historical information, there's also a mounting casualty count, and the big showdown amps up the drama by pulling at the heartstrings at the same time it revels in the gruesome. Exotic locales, tantalizing history, a family legacy and a love of the bloodthirsty: it's hard to imagine that readers won't be bitten, too. -Publishers Weekly

Just Can't Get Enough - The Black Eyed Peas

2 Reaction(s)



ano ba talaga susha, pushap, watever.. haha!

Focus

0 Reaction(s)

When life throws things at you, harden, learn, get even and move forward. Mourn for a while but raise your blade and surpass your current self. The key to success is never losing focus and pushing your limits even if all odds are against you. Learn to let go of things that will not add value to yourself, know your goals.
-Life Lessons, Alter's GodModeOn

Next Target: CosplayMania 2011 @ SMX

1 Reaction(s)

Sleepless

0 Reaction(s)
More than 24 hours na gising kahapon, sayang naman kasi at itutulog ko nalang paguwi after meeting a friend na nag malling at window shopping at kain lang ginawa buong araw. Haha! I miss this one lalo na yung kaen ng popcorn habang naglalakad. Sayang nga lang at tapos nang ipalabas yung ni-refer na movie sa akin nung friend ko na Insidious na parang Paranormal Activity siya sa suspense physically. Salamat nalang at naki-ayon ang panahon at saka nalang siya lumakas bandang kinagabihan at saktong paguwi ko pa. Hindi na nga ako nakanood ng TV paguwi at diretso higa sa sofa at parang knockout. Tapos kaninang umaga pa eh hindi man lang ako nakapag jogging which is ilang weeks na rin huhu. Sana ok ang panahon bukas at nang makabawi naman ako.

Sa wakas at Weekend na

0 Reaction(s)
Patuloy pa rin ang pananalasa ng bagyo, though hindi direkta pero nahihila naman niya ang Habagat kaya walang humpay ang pagbuhos ng ulan. Nung isang araw napadaan sa Marikina at nasa 16m na ang taas ng tubig, ngayon ko lang nakita nang malapitan ito at buti nalang ay hindi umapaw at naka-perwisyo. Biyernes na naman, yehey! Kakapagod at kakaantok lalo na pag sobrang kulang ka sa sleep. Makakapagpahinga na rin ako. Maraming pwedeng gawin this weekend, kaya nga lang itong paguulan na ito ang nakakainis. Hehe!

Viva La Vida - [Cold]play

0 Reaction(s)

Ulan, ulan bakit ka ganyan

0 Reaction(s)
Grabe ang panahon ngayon, mas lalong tumindi ang dami at lakas ng ulan. Marahil sa global warming na rin. Kung wala pa akong dalang jacket at malaking payong. Shit at wasted na naman akong papasok sa office. Nag tsinelas nalang ako papasok dahil ayoko mabasa ang rubber at magiging messy siya at aamoy pa siya sa locker at wala naman akong time na magpa-tuyo dahil marami na rin nakapila sa loob ng CR. Kawawa nga ang isang girl na kasabay ko, in my face pang nadulas siya sa kalsada, buti nalang at hindi siya nabalian at carry pa rin niya sarili niya.

Realistic lang

0 Reaction(s)
Marami nagsasabi na sobrang negative daw ako at nag-self pity lalo na kung try ko makipag kita or meet with others. Im just being realistic na wala akong mapagmamalaki physically and kung what's inside lang sana ang makikita nila, walang problema sa part na iyon. Medyo napagdaanan na ako ng panahon and i would say na depreciated na market value ko when it comes to that. Natatawa nalang ako sa iba na confident masyado pero hindi naman ok ang looks. Wala lang, ayoko namang ma reject dahil mas matindi ang kabig pag sobra kang confident then na turn down ka. Haha!

Chasing Pavements - Adele

0 Reaction(s)

10th Philippine Toy Convention

4 Reaction(s)












Dad's Day!

0 Reaction(s)

Day [Zero]

0 Reaction(s)
Maagang nagpunta kina Rene dahil iyon ang meeting area namin, mga 6am nang umaga. Sa kasamaang palad eh binalita sa amin ni Thomas na hindi niya nakuha ang vest nila at hindi na ma-contact daw ang gumagawa ng vest. Nag-antay kami dun hanggang sa umabot ng 8am, sobrang gahol na iyon at nakakahiya na kina Emer at Adar na nag-aantay pa naman sa amin. Pagkatapos ayusin ang ID card na gagamit, makapag-agahan at pag-contact sa gumagawa ng vest pumunta na kami ng Marikina.

Malas talaga at malaking B.S. dahil hindi iyon ang nasa specifications na hinahanap namin. Sobrang hinayang ang naramdaman namin nun, pati na rin ako kahit may vest na ako eh gusto ko parin na kumpleto kaming lahat. Humingi nalang ng paumanhin ang may-ari at rerefund sa Wednesday. Kung bakit naman kasi na pinagawa sa iba na hindi sinasabi kung paano ang pagkakatahi kaya nagkanda-leche leche na. Sinubukan pa naming pumunta sa Palengke para mahanap yung vest na kagaya sa amin ni Angelo kaso yung tao na may alam ng mga damit na iyon eh ilang araw na daw na hindi pumapasok.

Bahala na kung anong paliwanag ang gagawin namin kina Emer na mas excited na makuha ang armor. Tumuloy na rin kami at sumakay sa MRT-Cubao,. Then kinita si Adar sa Shangrila at binalita nga na ganun ang nangyari. Minabuti na naming ituloy na rin ito at walang atrasan. Tanghali at andun pa kami sa Apartment ni Adar at inaantay si Emer habang kami eh nagbihis na rin. Mga 3pm na kami nakarating sa ToyCon at mahaba na ang pila.

Sobrang daming tao at pila sa Toycon at masasabi kong dinumog talaga siya. Sinuot na rin namin ang STARS costume namin at nakipag mingle sa ibang cosplayers, andun rin si Mike na nauna nang dumating at si Prince na photographer sana namin haha. Kahit hindi kumpleto ng armor, at baptismal of fire dahil first time namin sasabak sa ganito. Biro ko nga, kung kelan kami tumanda saka naman kami sumali sa mga ganito. Marami kaming nakitang cosplayers dun, lalo na ang ka brad naming si Leon ng Resident Evil 2, pati na rin ang 2 umbrella special ops inspired from the new game Resident Evil: Operation Raccon City kaya nakiapag-chat at picture kami with them.

Archaic version kasi kami at STARS Alpha team from the first installment of Resident Evil. Kakatuwa lang dahil nagsama-sama kami at kulang nalang eh mga kalaban namin na zombies at lalo na si Tyrant at Nemesis, kumpleto na sana ang buong team ng Resident Evil. Nakakatuwa rin na merong nagpapapicture sa amin either solo or group. Natawa din ako nung napagkamalan akong si Ralph ng King of Fighters samantalang si Joseph Frost ang character ko talaga. Daming Kawaii girls din dun at syempre alam mo yan, pa picture with them.

Bago naisipang umuwi na dahil pagod na rin, nagpa-picture muna kami sa Green Plant, sa Directory at sa Chair, sayang nga lang at bawal pa-picture sa carpark for security issues. Umaambon pa nang umalis kami sa Mega at nagtuloy sa Apartment ni Adar para magbihis. Hindi na kami kumain at merong lakad pa sila Abundio for Wolfgang concert. Kaya mga 9pm umalis na kami at sumakay na papuntang MRT. Nakarating sa bahay around 11pm. Sobrang pagod, hindi ko na nagawang ligpit ang laman ng sports bag at pinagpabukas nalang.

STARS Alpha team, salamat sa bonding at pangako sa susunod na cosplay eh pilitin nating full battle gear na tayo. At tiyak marami na namang lalapit sa atin. This is just the beginning. Salamat sa lahat at till next time. Pictures will be uploaded tomorrow. See you soon again.

[Bukas] na

0 Reaction(s)
Nakaka-excite dahil bukas na ang Toycon. Pero worried kasi yung vest na pinagawa namin eh hanggang ngayon wala pa rin. Nagkita kami nina Angelo at Thomas para kunin ang vest sa Marikina. Sa bandang plaza me naabutan pa kaming matandang nakahiga doon at mukhang naghihingalo, kakalungkot pagbalik namin eh binawian na siya ng buhay. Anyways, kulimlim nang umalis kami. Nakarating kami bandang dapit-hapon na rin. Pinag-antay kami ng katakot-takot na oras dahil wala pa daw doon ang materials. Hanggang sa ginabi na kami at nag-pasya nalang kami na umuwi na at nagpa-iwan si Thomas. Kinagabihan pag-uwi dumaan muna kami ni Angelo kina Rene para kunin ang costume na gagamitin para narin malagay sa sports bag na dadalhin ko.

tuwing [Friday] na lang..

0 Reaction(s)
Siguro napapansin ng iba kong mga ka-officemate kung bakit tuwing Friday nalang eh wala ako. Busy lang po ako sa pagpunta sa Quiapo at Divi para mamili ng mga gears para sa outfit namin para sa gaganaping ToyCon this June 18. Grabe ang init, pawis at pagod and lalo na financially ang na-consume namin para sa event na ito. Pero worth naman dahil kasama ko mga tropa ko, kung san hindi nawawala ang tawanan at kulitan pag kasama ko sila. Sila ang tinuturing kong totoong kaibigan dahil hindi nila hinuhusgahan ang mga sinasabi ko at totoo sila sa akin. Alam rin nila kung hanggang saan lang limitasyon nila sa private life ko. Kaya sulit ang mga Biyernes na ginugugol ko ka-bonding sila.

Self [Pity]

0 Reaction(s)
Minsan talaga hindi mo maiiwasan na mag self-pity sa mga nangyayari sa buhay mo. Pag hindi ka na makapag-cope sa araw-araw na pressure at dagok ng buhay. Na wala kang magawa kundi tanggapin lahat ng mga ito with open arms pa. Ewan. Nag-uulan na naman kasi. Hindi ko maiwasan isipin kung ano kaya ang buhay ko pag hindi ganitong path ang tinahak ko at sa mga maling decisions na nagawa ko sa buhay. Wala naman akong magagawa kasi andyan na yan at hindi mo na matatakasan ang mga problema na dumarating sa iyong buhay. Kailangang maging matatag kahit nag-iisa. Wala namang makakatulong sa iyo in the end kundi sarili mo lang.

Still

4 Reaction(s)
I laid on my bed and stared outside the window. Under the stillness of the night, I found myself wiping my tears under a starless sky.

Bless the Broken Road - Rascam Flatts

0 Reaction(s)

Baliktanaw

0 Reaction(s)
Last Friday, pumunta ulit sa Divi for the last time. Binili na ang mga pending na gears para once in for all matapos na itong bisita na ginagawa namin. Maaga namang nakauwi kahit mga 10am na kami nakaalis dahil na rin sa palaging late ako. Masasabi kong handang handa na kami at kaunting polish nalang ng mga kailangang gamit para sa nalalapit na Toycon sa June 18.

Saturday. Jogging muna sa umaga. Naabutan si Rene, pagkatapos sumunod naman si Thomas. Napagusapan na pumunta sa Trinoma para magparegister sa gaganaping Milo National Marathon. Nag-antay up to 12 noon dahil sarado pa ang stall ng RunRio which is the official organizer sa Metro Manila Leg. Kumain muna sa Taco Bell habang nag-aantay na sumapit ang tanghali para maiba naman ang aming kinakain. Hehe.

Mahaba ang pila at malas naman at naubusan ng singlet para sa size namin. Nagpa-print pa kami ng form dahil pati iyon ay limited lang ang stock nila. After mag register online, pinapabalik rin kami as early as Wednesday
para kunin ang singlet (size XL). Umuwi rin after kasama si Prince na humabol sa registration.

Kumopya ng game kay Rene noong Friday at ngayon palang nilalaro ang Pocket Final Fantasy sa phone. At medyo nakakaadik siya kahit mahirap at hindi friendly ang gameplay niya.Sa ngayon dalawa na itong kinaadikan ko kasabay ng Pockie Ninja na online web based game naman.

Kagabi narasan ko na namang ma-reject. Hays, hirap ng ganitong pakiramdam. Siguro kung me itsura lang ako at maganda ang katawan. Baka walang sabi-sabi eh naging kami na that time. Nakaka-depressed ang ganitong sitwasyon. Up to the point na iniiyakan mo nalang bigla at imbes na sumakay ka pauwi, pinili mo nalang na maglakad nang wala sa sarili at malalim ang iniisip. Mawawala rin ito pagkalipas ng mga ilang araw. Ganyan talaga ang buhay, hindi lahat ng gusto mo eh nakukuha mo.

Ngayong Linggo, hindi na ako nakapag-jogging at bumawi nalang ang katawan mula sa ilang araw na pagkahapo sa lahat ng dimensyon ng buhay. As usual, whole day mag Internet na naman ako. Uuwi lang pag kakain at lalaro naman ng Final Fantasy pag-uwi. Sobrang monotonous. Wala nang pagbabago, paunti-unti ang mga byahe ngayon dahil sa hirap ng buhay at nasasagad palagi nalang sa mga hindi inaasahang gastos at hagod ng buhay.

Kelan ko kaya mararamdaman ang tunay na kaligayahan at peace of mind sa buhay. Kapag patay na ako?

He Says

4 Reaction(s)
"Pero mahalaga parin ugali, kasi yung taba napapayat mo pa eh, eh yung masamang ugali kahit anung gawin masama pa din diba..hehehe..unless mabait ka wala problema dun."

Just a Kiss - Lady Antebellum

0 Reaction(s)

Teh Pip

5 Reaction(s)
Happy 5th Anniversary - Teh Other side of [Jin]

Plano

4 Reaction(s)
Makumpleto ang kakailanganin para sa darating na Toycon 2011
Magpa-register sa Milo National Marathon sa Trinoma
Bumili ng mura pero quality na backpack para sa planong unang opisyal na hiking sa Pico de Loro
Magpa-book para unang out of the county at sana matuloy

FutuShoot

0 Reaction(s)
Kalain mo, napilitan akong magsuot ng slacks at mag tuck in ng poloshirt para lang sa pictorial na wala naman ako gaanong frontal shots at sa likod madalas. Hayz, sayang lang ang getup, mabuti pa at nag normal na suot lang tutal hindi rin naman pansinin.

for Photography Freaks out there..

0 Reaction(s)
52 Inspirational Projects.

1. Portraits – A key skill
2. Low-down – A rat’s-eye view
3. Light painting – Creative entertainment
4. Keeping inspired – A receptive mind
5. Redscale – Warming up your photography
6. Jump shots – A true show of emotion
7. In the water – A unique angle
8. Landscapes – Just you and the scene
9. Everyday subjects – Wonder in the mundane
10. HDR: High dynamic range – Hyperrealistic, painterly images
11. Zone-focus – The Loma LC-A and friends
12. Working with models – Out with the rule book
13. Aerial: kite shots – A bird’s eye view
14. Avoiding tourist clichés – Unfamiliar surroundings; unusual views
15. Polaroids – Your portable friends
16. Pinhole – Extreme depth of field
17. Off-camera flash – Get creative
18. Animals – A pet’s-eye view
19. Long exposures: night – Capturing motion
20. Silhouettes – Striking black
21. Reflections – Puzzling perspective
22. Time-lapse – Speeding life up
23. Getting the right light – It’s all in the timing
24. Events – Storytelling through pictures
25. Tilt-shift – A different perspective
26. Cross-processing – Super-saturated color
27. Minimal – Stripping back the clutter
28. Architecture – A considered approach
29. Cut-outs in-camera – There’s something in my Holga
30. Macro – My Lilliput
31. Children – Carefree play and a natural smile
32. Double exposures – A different view
33. Perspex reflections – Two pictures in one
34. TtV: Through the viewfinder – Doubling up
35. Backgrounds – Emphasis, scale and meaning
36. Shallow depth of field – Isolating your subject
37. Action sampling – Sequenced images
38. Star trails – Spinning space
39. Concerts – Performances and display
40. Camera phones – Observation and spontaneity
41. Aerial: plane shots – Just say no to the in-flight movie
42. Sprocket-hole – Take it to the edge
43. People montages – A composite view
44. Black-and-white – A monochrome vision
45. Wide-angle – A bigger picture
46. Coloured flash – Brighten your world
47. Full-moon lighting – An eerie quality
48. Panoramas – A combined whole
49. Camera tossing – Embracing camera shake
50. Patterned bokeh – Quality blurring
51. Long exposures: day – Showing the world down
52. Get an audience – Share the joy

[two] weeks to go!

0 Reaction(s)

pS Boyz [WaGWagan] trip - Part 3

0 Reaction(s)
Sorry cause of delay na naman ako at kumpleto na ang tropa nung dumating ako bandang 8.30 ng umaga. Hindi kasi ako nakisakay at nag-commute nalang ako gaya ng ginagawa ko. And again sa Quiapo and Divi na naman ang target namin.

Dumaan sa Marikina para samahan silang magpasukat ng vest and iba pang gamit. Muni-muni muna ako sa labas dahil mainit sa loob. Kumain saglit sa Riverbanks, kwentuhan at tawanan na naman ang bonding ng tropa. Gumala-gala muna sa mall, pa picture katabi si John Lloyd, yak haha!

Dumating si Rene saka naman nagpaalam na si Emer para pumasok at si Adar naman eh pauwi sa Montalban. Kaming apat nalang ang dumaan pupunta sa Quiapo. Sumakay ng LRT. Imbes na sa Recto eh sa Legarda kami bumaba. Tsk Tsk. Naglakad pa tuloy kami at sumakay.

Agad-agad na dumaan sa may military gears area sa Quiapo at bumili ng kakailanganin. Dumaan saglit sa Carriedo area para tingnan kung meron kaming mabibili. And again nanghinayang na naman for the second time si Rene dahil sa kamamadali niya. Kumain ulit ng Takoyaki sa stall bago sumakay ng jeep to Divi. Grabe ang traffic. Nagsayang lang kami ng pamasahe nang mapilitan kaming bumaba at parang tinawid lang kami ng driver sa kabilang kalsada. Pakshet talaga.

Sobrang kapal ng tao sa Divi. Weekends kasi, sobrang init pa. Kainis talaga. Hindi na kami natuloy sa plano na pagbili ng bangbang dahil hapon na masyado at nagtagal kami sa bagong 168 mall. Pinagpasyahan namin na umuwi at dumaan naman sa Ever Commonwealth at magbaka-sakali kung merong makikita dun.

Wala rin naman kaming nakita dun. At sayang lang ang effort. Bale last chance na next time at within this week furnished na dapat lahat ng primary gears na kailangan namin. Halos 8pm na nang makauwi sa amin. Sobrang antok dahil more than 24 hours na akong gising. Hindi ko nga namalayan na naaktulog na ako matapos ang isang masarap na paligo. Nakalimutan ko na ring mag reply sa mga ka-text ko kagabi. Sorry.

Kakapagod pero enjoy dahil kasama ang tropa at maraming lugar na napuntahan ulit sa pagsikot-sikot namin sa Maynila. Kakalungkot nga lang mga hingal na kabayo at sana eh hindi ko na sila makita sa Kamaynilaan dahil dapat nasa bukid sila at hindi dito na sobrang pagmamaltrato at paghihirap nararanasan.

Hanggang sa muli.

ay Naadik sa [Pocket Ninja..]

0 Reaction(s)
http://ninja.game321.com

Mabuti Pa [Sila] - Noel Cabangon

0 Reaction(s)



thanks aldo for the link, para sa mga emoterong palaka..

[June na] Reality mode..

0 Reaction(s)
June na. Bagong buwan. Bagong hamon na naman sa aking buhay. Tapos na ang 4 na araw na pahinga na nasa bahay pero nasa galaan at inaasikaso ang upcoming event na sasalihan ng tropa. Balik reality na naman sa office. Ang walang katapusang buhay empleyado. Nagiisip na rin ng ibang landas na tatahakin. Sa ngayon nag-iipon muna ng impormasyon at usap-usap sa mga kakilala tungkol sa mga ilang bagay-bagay.

Walang bakasyon dahil tag-ulan na. Hindi pa sigurado ang Bohol pero ang Sagada eh kasado na talaga at planado na. Hindi ko alam anung mga mangyayari ngayon buwan. Isa lang ang sure ako, ang istorbo na madadala nang manaka-nakang pagulan sa aming bahay.

Lapit na rin ang 5th anniversary ng blog ko. Yay!

[Tipid]

0 Reaction(s)
Hindi ako pumasok ngayon sa pagasang malaki ang matitipid ko. At makapag pahinga na rin (sana). Katapusan na kasi ng buwan at ayoko nang mabago ang stats ko sa function namin. As much as possible ayoko pumirmi sa bahay dahil wala naman akong magandang maririnig dun at puro negative nalang ang laman ng bahay na iyon.

Hayz buhay. Sana nanalo nalang sila sa Lotto para tumigil na ang bunganga nila tungkol sa problema sa pera. Ako sa parte ko, ginagawa ko naman ang lahat ng paraan para ma-manage ang mga utang nila na ako ang nagbabayad. Inaalo ko lang sarili ko sa pag divert ng problema sa pagpunta sa bahay ng ka-tropa at usap lang lalo na sa nalalapit na ToyCon, o kaya dito sa NetCafe kung saan nagbabasa ng articles regarding working on another country. Ewan. Hanggang kailan na ganito ang buhay ko, paulit ulit lang.

Kinapos na naman

2 Reaction(s)
Buhay nga naman, kahit anung pagtitipid ang gawin mo. In the end palaging kulang palagi. Nakakainis din minsan ang pakiramdam na palaging ikaw nalang ang gumagawa ng paraan sa pamilya nyo tapos sasabihan ka pa ng madamot kahit halos buong sahod mo eh naibigay mo na sa kanila.

Anu pa ba ang gusto nilang gawin ko. Magnakaw nalang kaya ako sa banko para lang mapunuan ang pagkukulang sa pera. Pag walang pera palaging nagbubunganga. Alipin at takaw na sa pera ang mga tao sa bahay. Kakapagod na minsan ang ganitong sitwasyon. Yung tipong, ginagawa mo na nga ang lahat pero wala pa rin sa kanila.

Araw araw kinakapalan ko mukha ko sa panghihiram ng pera dahil kahit pamasahe ko na nga lang buburautin pa nila sa akin. Syempre natural lang na magbabayad ako sa oras ng sahod ko. Tapos maririnig ko dagdagan mo naman. Iyon ang ayoko talaga sa lahat, ang sinasagad ako. Dahil in the end, sino ba ang mapepeste at obligadong mangutang para sa pamasahe. Ako di ba. Hindi sila. Sarap layasan minsan pero syempre hindi mo magawa kasi maraming bungaga ang umaasa sa iyo. Kahit hirap ka na nga balansehin ang stress sa trabaho at paano aalagaan ang sarili mo. Dagdag pa sa problema ang pagiisip sa kanila. Ewan. Nakakaurat na.

[Hope]

0 Reaction(s)
Give time to grieve, but tomorrow, pukpukin mo ang sarili mo na ituwid ang buhay mo. There is hope, but you have to work your way harder and smarter to find it.
-DragonFly via PinoySG

Sabado galaan

0 Reaction(s)
After magpahinga ng ilang minuto. Napagpasyahan na magpunta sa Trinoma kasama si Iyam para makapag-register sa gaganaping 35th Milo National Marathon. Nagkita kami sa Commonwealth Market, umalis bandang tanghali. Medyo naguulan pa rin kaya nagdala na rin ako ng jacket.

Dumiretso na agad sa PlanetSports Trinoma. Kinausap ang staff. Excited pa naman kami pero nawala bigla nang nalaman na wala pang singlet na pinapamigay, maski ang registration. Nagbi-bid pa daw kung sino ang mag-oorganize. Hayz, kakalungkot, nakakahiya kay Iyam kasi sinamahan pa niya ako sa pagpunta. Tumingin-tingin daw kami sa website ni Coach Rio for updates. Maski sa ibang shop like Merryl eh wala paring singlet, nag-dadalawang isip naman ako sa Reebok kung tutuloy rin since iniisip ko ang budget.

Gumala lang sa mall at nagpalipas ng oras. Tumingin-tingin ng sale since GreenLight sale that time. Nakabili ng murang casual shoes. Kumain rin bago umalis sa mall bandang hapon. Maraming napagusapan tungkol sa mga susunod na byahe at gala. Definitely sure ang Sagada pero napaguusapan rin ang Bohol this August. Hayz, kung mapera lang ako hindi problema mga ganitong bagay.

Maraming gagawing activities this June, lalo na ang Toycon this June 18. Nagiisip-isip na rin sa ibang path na tatahakin. Tumatanda na ako at kelangan ko nang magipon para sa sarili ko. Hopefully next year, matupad ko na itong plano ko at pagbabago ng direksyon ng buhay. Hanggang sa muli.

Pesteng Chedeng

0 Reaction(s)
Muntik na namang pasukin ang bahay namin dahil sa buntot na dala ni Chedeng. Buti naman at lumihis na siya ng landas at hindi na tumama pa sa bansa. Sa work naman, sobrang engot ko na hindi ako nagdala ng jacket o kaya payong. Alam ko naman na uulan na pero heto dahil sa katigasan ng ulo eh umalis parin na walang dala. Kaya napilitan nung isang araw na sumilong sa loob ng Commonwealth Market.

Hindi naman ako makapaglakad dahil mataas rin ang agos ng tubig. Mga ilang minuto rin akong nagpatila ng ulan. Nag-text na rin ako sa bisor ko na baka ma-late ako. Hanggang sa humina na siya nang kaunti at nakaalis na rin ako. Grabe, hindi pa naman ako nagdala ng extra na polo that time. Nag-jacket nalang ako na nakatago sa locker at saka suot para hindi mapansin. Masarap umulan pero wag naman na tipong sasabay sa pagpasok mo. Nakakapeste rin siya kahit malamig ang panahon.

Marami pang bagyo na papasok sa bansa at talaga naman. Opisyal nang pumasok na ang panahon ng tag-ulan. Hindi na naman makakatulog nang maayos ang mga tao dahil sa pagbabantay sa tuwing walang humpay ang bagsak ng ulan.

[Empty]

0 Reaction(s)
"I hope something happens. It doesn't matter if it is good or bad; I don't care. I hope something happens so this feeling of emptiness would vanish into the past, fleeting into another confusing phase of life."
-Emptiness, Rudolf's One Midnight Wolf

Who Am I - Casting Crowns

0 Reaction(s)

[Sasama] ako..

0 Reaction(s)
"If you only asked, sasama ako sa'yo, but not because I always go with anyone who'd ask to take me out or kaladkarin ako for that matter. Kung sasama man ako sa'yo tonight, it's because it's you."
-Mundane Glen, Alter's [God]Mode On

Mara[torn]

0 Reaction(s)
daming gustong salihan na race, undecided pa rin pero eto yung nasa isip ko,

Reebok Zigtech Fun Run
June 5, 2011
Bonifacio Global City
5K/10K/15K
Organizer: Pep Squad Events

Registration Fee:
5k – PHP 550
10k – PHP 650
15k – PHP 750

Merrell Adventure Run
June 18, 2011 @ 5:00am
Timberland Heights, San Mateo, Rizal
5K / 10K / 21K
Assembly is at 5:00am for all categories. Race starts at 5:40 am (21K), 5:50 am (10K), and 6:00am (5K).

Registration Fees: (Inclusive of Race Kit and Race Singlet)
P500 – 5K
P650 – 10K
P800 – 21K

35th MILO National Marathon
July 31, Manila Eliminations

Entry fees for Metro Manila Races:

42.195-K Elimination Race - P 500.00
21-K Run - P 500.00
10-K Run - P 500.00
3K Kiddie Run & 5-K Fun Run - P  100.00

Toby's SM San Lazaro
The Athlete's Foot, Robinson's Galleria
Planet Sports Trinoma
The Athlete's Foot Alabang Town Center
Toby's, MOA
Planet Sports Glorietta
ROX, Bonifacio High Street

SM Recto atbp, teh [PS Boys] wagwagan trip - [Part two]

0 Reaction(s)
Saturday morning. Nagmamadali na umalis sa office. Slide shift nga pero around .5.30am naman nakalabas ng office. Inantay ang friend na umuuwi rin sa Montalban na may car at makiki-hitch. Good thing around 7am nakarating na sa amin.

Nagmamadaling kumain at nagbihis para puntahan sina Angelo at Rene sa FX Terminal para mabilis kaming makapunta sa Divi[soria]. Hindi makakasabay si Thomas at babawi nalang next time. Sina Emer at Abundio naman sa may Recto na namin kikitain. Sorry guys at 8am na ako nakarating dahil marami pa akong inasikaso.

Nakarating sa LRT station by 9am. Kaunting prank kina Emer at sinabing nasa Recto na kami at bakit wala pa sila nang ganitong oras. Sorry ulit at kailangan nyo pang mag-taxi imbes na mag LRT. Hehe. Puro tawanan ang usapan nang magkita kami dahil nga sa hindi naman nag-eexist ang SM Recto at na-mistaken for Isetann ko ang place. Puro sisi at tawanan ng kwento nila mula sa Taxi driver na nasakyan nila.

Nagpatuloy ang laugh trip at kumustahan. Lalo na kay Emer, kung si Abundio eh halos isang taon naming hindi nakita, ano pa kaya kay Emer na ang huling kita ko pa eh mga 3-4 na taon na. Malaki ang kanyang pinagbago at medyo lumobo na rin siya dahil na rin sa sedentary lifestyle sa office, na walang ginawa kundi ang kumain at umupo sa loob ng 8 oras at minsan na-extend pa tuwing may overtime.

Bumaba na ng jeep dahil traffic na, dumaan sa Tutuban Mall then lakad ulit sa Divisoria Mall para mangalap na kinakailangan para sa proyekto namin na hindi ko muna sasabihin at sa takdang panahon pa. Inabot kami ng tanghali, pero si Emer lang ang nakabili matapos ng sakit ng paa kakaikot sa Mall.

Minabuting magpunta sa Quiapo para dun maghanap. Nakabili kami nina Emer at Abundio ng kailangan namin pero syempre marami pang dapat bilhin para makumpleto ang bawat isa. Past muna sina Angelo at Rene at nag-canvass muna sila. Bale next week eh or sa katapusan ng buwan bago sumapit ang June. Harinawa kahit papano kaunti nalang ang kailangan sa susunod na buwan.

Hinatid sina Emer at Abundio sa sakayan dahil meron pa silang pasok at overtime mamayang hapon samantalang kami eh sumakay na rin pauwi sa amin. Salamat sa bonding ulit lalo na kay Emer na ngayon lang namin nakita ulit. Hanggang sa muling pagkikita and hopefully kumpleto na tayo na bibili ng mga gamit and all set na tayo this June.

Nag-enjoy po ako kasama kayo. Kakawala ng weekdays stress ang bonding at tawanan ng tropa. Bukas back to reality na naman sa trabaho. Have a nice weekend guys!

All by [Myself] - Eric Carmen

0 Reaction(s)


I don't want this feeling..

[If only I could..]

0 Reaction(s)




very heartwarming Singaporean ad, matatagalan pa bago maging open minded ang mga tao sa ganitong issue..

ang [Natutunan] ko

2 Reaction(s)
"Sa kabila ng lahat, may natutunan ko, hindi ko sasayangin ang oras ko sa mga bagay na hindi nakakapag-pasaya sa akin. Hindi ko obligasyon ang taong mas piniling maging malungkot dahil sa nakikita nilang mas masaya ang iba. Walang sigurado sa buhay, maaaring bukas makikita niyo pa ako, pwede din namang huling blog post ko na to. Walang pwedeng magsabi kung kelan matatapos ang buhay... kung kelan titigil ang paghinga. Pero isa lang ang alam ko, na hawak mo ang desisyon para i-enjoy ang buhay.

Masaya ako. Kuntento ako. Sinusubukan kong makagawa ng mas maraming tama kesa sa mali. Sinisikap kong maging isang mabuting kapatid, anak at kaibigan. Pero sa kabila ng lahat, may mga tao pa ding pinipiling mas pansinin ang mali, kakulangan at ang pagkakataong maka sakit ng damdamin ng iba."
-Dahil Minsan Nangangamoy Galit Din Ako, Bunwich

Teh [Darling of the Senate] does it again

0 Reaction(s)
“Huwag mo nang pasukan ito. E kung kaming mga senador, hindi kami pumapasok sa pagboxing pero kung gusto mo e pwede rin [Don’t get yourself involved in this anymore. We senators don’t engage into boxing but if you want, then we may]"

“God said in the Bible, 'Go forth and multiply.' That meant that God wanted man, not necessarily to literally multiply, but to go out to work with the rest of the human beings of this planet and to apply the stewardship theory. Meaning to say, taking care of each other, who are all in the planet living together."

“They are quoting Jesus … but none of them were living when he was around plus they're quoting God but the Bible says no one has ever seen God. In fact, if we claimed to have seen God, as I said, you are in urgent need of psychiatric care" 
-Senator Miriam Defensor Santiago, quoting Rep. Manny Pacquiao to back off regarding the heated RH Bill issue.

full article here

ang [Sarap] Magbiyahe!

0 Reaction(s)
Ang sarap magbyahe! Explore ang mga lugar na hindi mo pa nararating. Accomplishment mo yon kapag napuntahan ang lugar ng gusto mo. Sarap ng feeling!
-Reminisce, Marco Polo's Kol me Empi

kita-kits ulit this November sa Sagada, Empoy and Mami Yanah, miss you guys!

me chance pa kayang makita natin ang kailaliman (est. 12 feet) ng Bokong Falls

lazy/siesta time malapit sa Sagada Church

hehe, hindi ko malilimutan ang scene na ito, too bad ma eexeperience ko ulit itong part na ito at marami pa akong mararanasang hirap sa full circuit ng Sumaguing Cave

[pS boys] wagwagan [tRIp]

0 Reaction(s)
Maagang nagkita-kita sa town plaza ang PS boys na sina [Angelo, Rene, Abundio, Thomas at ang inyong lingkod]. Canvassing time and Marikina at Cubao ang destination namin. Nakaalis na bandang 7.30 ng umaga.

Unang pinuntahan ang Marikina at dumaan sa palengke, bumili na rin si Rene ng toys sa kanyang kids, nahilo naman si Abundio sa free na kape. Nagbigay ng downpayment sila Thomas sa isang shop at babalikan nalang niya ang materials.

Sumaglit sa Marikina Riverbanks para tumingin tingin rin. Pinagtripan ang ice scramble at snowy cone. Then sumakay na ulit papuntang Cubao. Kumain saglit sa isang fastfood then umalis din kainitan ng tanghali papuntang Camp Crame. Nagtingin-tingin ulit. Nag-canvass ng street price.

Kaunting harutan na parang mga bata. Epekto ng kape at ice scramble siguro. Nagikot ikot ulit sa mga tindahan hanggang sa makarating ulit pabalik sa Cubao. Grabe ang init at naglalaway na ang aso at baka na-heatstroke na rin.

Throughout the day, naka 2 down si Abundio, 1 down kami ni Angelo at walang nabili sina Rene at Thomas. Hehe!

Next week ulit ang wave 2 ng pag canvass namin ng mga gamit sa Divisoria naman at kasama na ngayon si Emerson na inaabangan ng lahat, kung totoo ba ang sabi-sabi na bloated na ba siya at kaya nyang panindigan ang character niya. Wahaha!

Maraming salamat ulit PS boys sa bonding time, it's been a year na rin since sumama si Abundio sa tropa at buong araw walang ginawa kundi sumakit ang tiyan kakatawa at panay ang kwentuhan. Really enjoyed your company. Till next week ulit. Hehe! Hopefully yung mga priority eh mabili na natin.

[Paano?] ba maging ma[saya]

0 Reaction(s)
"Gaano ba kasarap sa pakiramdam ang maging masaya? naaalala mo pa ba kung paano ang umasa? o marahil, nasabi sa sarili na sana'y nakilala mo na siya noong una pa lamang? sabihin mo sa akin kung bakit kahit mahirap mabuhay, nagagawa mong tumawa. para kanino ang iyong mga ngiti?"
-Asa, Alter's [God]Mode On

[Check]

0 Reaction(s)
Kakatapos lang bumisita sa resident dentist ng area namin. Hindi nya maalala ang name ko pero nang tingnan na niya ang baby teeth ko saka palang niya ako nakilala. Done with my bi-annual oral prophylaxis and nagpa-update na din ng lightcure. Daming ring kwento si Dra. Genet habang ginagawa niya ito. Kung san saan kami napunta mula sa kwento niya sa asawa niya hanggang sa supermarket. Nanghingi na rin ako ng advice about sa oral antiseptics and ung swollen gums ko. Dahil daw sa trauma iyon at hindi bacterial. As much as possible kiddie toothbrush daw gamitin ko at ung electronic nalang kasi kawawa na daw ang gums ko sa ginagawa kong way ng pag toothbrush.

Mamayang hapon kikita ulit with the PS Boys para sa canvassing na gagawin namin bukas. Hanggang sa muli.

Random Picture - Outland's Majestic View [WoW]

0 Reaction(s)

 nakakamiss ang wow..

Wishlist - World of Warcraft Horde Crest Zip-up Hoodie

0 Reaction(s)

The Saltwater Room - Owl City

0 Reaction(s)


really really like this song..

[Chum]

0 Reaction(s)


DSC00144 by jinjiruks
bunso sa mga pusakals, pamangkin ni Chester at Raptor

Parang Ondoy

4 Reaction(s)
Kagabi nakaranas na naman kami ng tuloy tuloy na paguulan. Akala ko matatapos rin siya pero nang magsimulang umabot na sa interior ng gulong ang baha na syang indicator namin na papasukin na ang bahay namin.

Nataranta na naman mga tao sa bahay dahil signos na naman ng tag-ulan at puyatan na naman sa paglilimas ng tubig baha. Pag ganitong sitwasyon, aantayin muna namin matigil ang pagulan para nde magsayang ng energy sa paglilimas ng tubig, kaso halos 2 oras na eh walang patid pa rin ang paguulan.

Unti-unting pumasok na nga siya at umabot pa hanggang binti ang tubig baha. Mga pusakal sa bahay eh nakatingin lang habang pinapasok kami ng tubig at biglang umakyat sa mataas na lugar. Inabot hanggang madaling araw ang kapatid ko bago tuluyang natuyo ang sahig namin at sa wakas eh humupa na rin ang delubyo na dala ng bagyong si Bebeng.\

Senyales naba ito na tapos na ang tag-araw dahil sa pagpasok ng bagyo sa bansa. Malamig nga pero kawawa naman kami pag tuloy tuloy ang paguulan. Shet talaga.

Lumilipad

0 Reaction(s)
Weekend na naman, paboritong araw ng mga nagtratrabaho sa office lalo na dun sa mga toxic na sa trabaho at kulang ang ilang araw na bakasyon.

Maraming plano ngayong Sabado kaso kelangan magpahinga muna at bumawi ng lakas para sa paggising sa hapon. Balak sanang dumaan kina Angelo para pagusapan ang mga bagay-bagay para sa Linggo.

Kaso mas minabuti ko nang mag Net para makapag update sa mga nangyayari sa cyberspace dahil interval nalang ako nakakabisita dahil na rin sa demand ng trabaho at kelangan ng mahabang oras ng pahinga.

Biglang umulan nang maggagabi, kaya salamat naman at malamig ang pagtulog natin ngayon.

Sana nga next week na para sahod time na at nang makabili na ako ng bagong sapatos dahil naghihingalo na siya at kelangan nang palitan. Hindi naman luho iyon kundi kelangan na talaga.

Sayang at hindi ako makakasama sa Pahiyas next week dahil na rin sa dami ng gastos eh kelangan magtipid tipid muna. Hirap talaga pag inaasahan ka sa inyo. Hindi ka makabili ng gusto mo, kelangan sila muna bago ikaw.

Maski sa lablayp bokya hehe, panay ang reminisce sa nakaraan. Sana nga mabago na ang cycle na ito at palagi nalang akong senti at emo.

***

Nagising nang maaga at naghanda para sa jogging.Hindi ko inaasahan na makakasama ko pala doon sina Rene at Thomas, after ng ilang laps huminto na kami at nag-usap nalang sa gagawin na activities ng tropa. Nakausap rin si Rowell kanina sa jogging area, grabe ang laki mo na rin ah. Kelangan mo na rin magpapapayat.

Sumaglit kina Angelo para pagusapan kung matutuloy ba ang pag canvass niya ng PS dahil balak niya isabay sa Internal cafe ang PS gaming. Pinuntahan rin si Abundio after dumaan kina Angelo, pero wala siya at nasa bakasyon daw. Sana lang eh makasabay siya sa amin sa June. Usap sandali at hinatid ako nina Rene at Thomas. Sana lang eh matuloy ang plano namin at hindi puro drawing lang.

Sarap ng panahon, malamig at walang tao sa bahay dahil lahat sila eh nasa bahay nina Uncle habang panood ang panalo ni Pacman kay Mosley. Congrats Manny sa bagong Tagumpay na binigay mo sa ating bansa.

LSS - Only Reminds me of [You] - MYMP

2 Reaction(s)


nung binuksan ko ang Friendster account ko
naalala na naman kita..
I hate this feeling,
to the point na kelangan save ko pa mga pictures mo bago mag sign off ang Friendster
I dunno what went wrong..
masyado lang ba tayong mapusok
nung mga panahon na iyon..
pero alam ko sa sarili ko na ikaw na ang matagal kong hinahanap
kaya lang tadhana na ang naghiwalay sa atin,
despite of the numerous attempts to contact you,
mas minabuti mong hindi nalang magparamdam..
alam ko masaya ka na sa buhay mo ngayon,
can't help it, just can't stop loving you..

Are you ready for [Toycon 2011]?

0 Reaction(s)

[30 Second] speech

2 Reaction(s)

He Says

0 Reaction(s)
"It makes life much more easier to handle. Ending things is painful, however with that pain, one starts a renewal. Once the wounds have healed, a person is reborn. Stronger or weaker: it depends on the choices one will make. In that pain lies sweet sorrow, a reminder that one is alive, yearning for solace in the ironies of life."
-End of the Road, Rudolf's One Midnight Wolf

Nestle 100 years - [Pag-ibig]

0 Reaction(s)

Repost/Reloaded Week

0 Reaction(s)
Sorry kung hindi nakakapag update ng blog for the past few days, umabot lang siguro ang saturation point sa blogging at pahinga ng mga ilang araw. Hindi rin naman ako nakapag net ng halos 2 weeks. At least hindi ako FB dependent unlike others.

Excited at hoping na matuloy ang aming plano this coming Toycon sa June. Kelangan paghandaan at may concrete progress bago matapos ang buwan.

This weekend kakagaling din ng Tali Beach sa Nasugbu, Batangas. Enjoy at fulfilled kasi this is the first time na naramdaman kong nag work ang totoong team building. Yung mga peeps na hindi ko ka-close before eh naka bonding ko at nakapagpalagayan ng loob. Masaya ako at kahit papano palagay na ang loob ko sa team. Thanks po ulit sa masayang team building at hanggang sa uulitin.

Hmm, after Anawangin Cove and Tali Beach. This May, balak ring pumunta sa Pahiyas Festival with my MAC peeps. 2nd time ko pupunta sa ganitong festival after Panagbenga last February. Umaasa rin ako na within this coming months, matuloy rin ang Pinatubo trek na plano ng Prinsipeng Gala na kasasabi lang sa akin na aside sa Anawangin na overrated na at crowded na eh meron pang 2 new cove na sinabi si Kuya Robert sa kanya. Alam kong hindi niya ito palalagpasin.

Iyon muna for the meantime. Theme for life . "Work Life Balance" - lumabas labas at mag enjoy pambalanse sa toxic and stress sa office. Hehe!

Manila EA Team Renier summer fun at [Tali Beach]

0 Reaction(s)












Ang "Sakit" ng Pagiging Lalaki (accdg. to Leeroy) [repost]

5 Reaction(s)
nakakatawa lang ang nag post nito na si leeroy, halatang nagpapapansin lang sa gov.ph forum.. me binaggit pa siyang Time Magazine.. hmm i wonder anung issue siya lumabas.. totoo kaya mga pinagsasabi nya dito..

Men cheat on their partners becoz, accdg. to Time Magazine:

- alam naming matiisin ang karamihan ng babae at di kami iiwanan kahit ano pang gawin namin.

-dahil sa belief ng society na dapat marami kaming chicks para patunayang macho kami, at dahil narin sa sulsul ng barkada/ ibang lalaki.

-dahil ayaw ng lalaking maunahan at malamangan sila ng partner nila o maisahan sila sa panloloko dahil wala silang tiwala sa kanilang partner.

-dahil sa galit o kawalan ng respeto sa mga babae

-dahil mas immoral at maka-sarili kami sa mga babae

-dahil sigurista kami, para may reserba pag iniwan kami ng partner namin.

-dahil malib*g at napakahilig kami sa sex.

-dahil maraming insecurities at dapat patunayan ang mga lalaki sa society.

-dahil tulad ng babae, nagsasawa rin kami sa partner namin.

Kaya kayo mga babae, lolokohin din lang kayo, piliin nyo na yung mayaman at gwapong katulad ko, at least mapapakinabangan mo rin. Kesa naman dun kayo sa mga pangit, mabantot at poor ano, wala silang karapatan manloko. Kaya kung ako'y kayo, iwanan nyo na yang mga pangit at pobre nyong partner, may pag asa pang gumanda ang buhay nyo.

source: Gov.ph


KitikiTEXT (..continuation)
Common Filipino Mistakes

1) "Ale, pagbilan nga ng colgate, un close-up." (Baka "close-gate")
2) "Sarado mo ang pinto! Lalabas ang aircon." (May paa ang aircon?)
3) "Yaya, salubungin mo ang school bus ni Junior." (Eh di namatay si yaya?)
4) "Anak, tumabi ka sa sasakyan ha." (Pinatay din ang anak)
5) "Tinuka ako ng ahas!" (May tuka pala ang ahas)
6) NANAY: "Gabi na ah!! Uwi ba yang ng matinong babae? Saan ka na naman nanggaling?" ANAK: "E kasi po.." NANAY: "Aba at sumasagot ka pa!" (Di ba nagtatanong sya?!)

A choice to make.. (repost)

0 Reaction(s)
"We sometimes fail to say what we really feel to a person even we had a chance to do it. It's a loss. One should not let it pass. Say it before time loses its patience and grab it back from you. "
-Choice, Ryan's blog entry

I wish i were a bit early to learn that Ryan, naging duwag ako sa aking nararamdaman nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba or not.. we cant' have the best of both worlds, kelangang may i sacrifice over another.. take the risk and come what may or keep your friendship at ikimkim nlang sa sarili ang nararamdaman.. nabasa ko ang dating blog entry ni Yheng about this.. bakit mo itatago ang nararamdaman mo, sabihin mo sa kanya.. at least naging totoo ka sa sarili mo.. mawala man ang friendship nyo.. nasabi mo naman at gumaan ang pakiramdam mo.. no more what if's kung kayo talaga eh di kayo.. pag hindi eh di hindi.. as simple as that..

Random Thoughts.. (repost)

3 Reaction(s)
"I know. It's all wrong. By rights we shouldn't even be here. But we are. It's like in the great stories, Mr. Frodo. The ones that really mattered. Full of darkness and danger, they were. And sometimes you didn't want to know the end. Because how could the end be happy? How could the world go back to the way it was when so much bad had happened? But in the end, it's only a passing thing, this shadow. Even darkness must pass. A new day will come. And when the sun shines it will shine out the clearer. Those were the stories that stayed with you. That meant something, even if you were too small to understand why. But I think, Mr. Frodo, I do understand. I know now. Folk in those stories had lots of chances of turning back, only they didn't. They kept going. Because they were holding on to something. That there's some good in this world, Mr. Frodo... and it's worth fighting for."
-Samwise Gamgee, Lord of the Rings: The Two Towers

lesson learned from Ireen.. (repost)

1 Reaction(s)
as i was reading Ireen's blog, I stumbled upon these lines..

"i have learned how to express my true self. I have learned that it is allright to feel any emotion that we feel and not try to hide it. Anger, sadness, remorse, guilt, loneliness, etc...do not make us weaker. In expressing them, it makes us stronger. "

Ireen (aka Chun Yang at office) is right, kelangan mong i express o ilabas kung anu man ang nararamdaman mo.. mahirap kasi pag kinikimkim mo lang kung sa loob mga hinanakit mo or anything na unpleasant.. kasi pag naipon yan.. baka hindi mo na ma kontrol pag sumabog yan..

I wish i could be as strong as this girl, in the society where "machismo" attitude.. society dictates that boys don't cry.. sino namang gago nagsabi nyan? san nyo pinagkukuha ang idea na yan? isang malaking kalokohan yan.. karamihan ng mga male suicide cases sa Pinas eh dahil dyan.. hindi nila mailabas ang mga frustrations nila sa buhay.. kaya naipon nang naipon ang poof.. nde na nila alam ang kanilang gagawin.. last resort.. para matakasan.. magpapakamatay.. nakita nyo na anu nangyayari..

It's ok to cry.. hindi sign ng kabaklaan or kahinaan ang pag iyak.. pinapapakita mo lang na totoo ka at hindi nagkukunwari o tinatago ang nararamdaman mo.. Pero tingnan mo case ko.. magaling lang ako magsasalita ko.. pero nde ko naman ginagawa.. wala lang.. para sa akin kasi.. there is always a specific time and person or purpose for everything.. siguro mahirap lang mag express ng nararamdaman sa mga tao sa opisina.. anu nga naman ang pakialam nila.. manhid at plastik naman karamihan sa kanila.. kaya it's better na wag mo nang dalhin pa sa opisina ang problema mo.. dahil they dont mind.. they just mind their business.. hindi ko naman sa nilalahat.. meron pa rin naman "good folks" dito sa office.. endangered nga lang.. i dunno.. hindi ko alam kung bakit hirap akong ilabas mga saloobin ko or nararamdaman ko sa ibang tao.. minsan kelangan pang pilitin or maipit pa ako sa isang sitwasyon para masabi.. matagal tagal pa siguro bago ko makilala ang sarili ko.. salamat na lang at andyan mga kaibigan ko.. in times of ups and downs andyan pa rin sila.. handang dumamay sayo pag kelangan mo.. without them hindi ko makukumpleto ang aking pagkatao.. mahalaga sila sa akin.. isa sila sa mga reason why I exist.. ang drama ko, hindi bagay.