She Says

0 Reaction(s)
"I feel time like a heartbeat, the seconds pumping in my breast like a reckoning. The luminous mysteries that once seemed so distant and unreal, threatening clarity in the presence of a truth entertained not in youth, but only in it's passage. I feel these words as if their meaning were weight being lifted from me, knowing that you will read them and share my burden, as I have come to trust no other. That you should know my heart, look into it, finding there the memory and experience that belong to you, that are you, is a comfort to me now as I feel the tethers loose and the prospects darken for the continuance of a journey that began not so long ago, and which began again with a faith shakened and strengthened by your convictions, if not for which I might never have been so strong now. As I cross to face you and look at you incomplete, hoping that you will forgive me for not making the rest of the journey with you. "

"In med school I learned that cancer arrives in the body unannounced, a dark stranger who takes up residence, turning it's new home against itself. This is the evil of cancer, that is starts as an invader, but soon becomes one with the invaded, forcing you to destroy it, but only at the risk of destroying yourself. It is science's demon possession. My treatment, science has attempted exorcism. Mulder I hope that in these terms you might know it and know me, and accept this stranger that so many recognize but cannot ever completely cast out. And if the darkness should have swallowed me as you read this, you must never think there was the possibility of some secret intervention, something you might have done. And though we've traveled far together, this last distance must necessarily be traveled alone. "

"I have not written to you in the last 24 hours because the treatment has weakened my spirit as well as my body. Mulder, it's difficult to describe to you the fear of facing and enemy which I can neither conquer nor escape. Penny Northern has taken a downturn. I now look at her with a respect that can only come from one who is about to walk the same dark path. Seeing her I can't help but see myself in a month or a year. I pray that I have her courage to face this journey. Mulder, I feel you close though I know you are now pursuing your own path. For that I am grateful, more than I could ever express. I need to know you're out there if I am ever to see through this. "
-Dana Katherine Scully, Memento Mori, The X-Files Season 4 Episode 15

Milestones

4 Reaction(s)
11, 284, 135th (Alexa page rank)
93, 478 hits (as of July 18, 22.15 PST, Statcounter)
72, 223 visits (since June 12, 2006, Clustermap)
64, 750 unique visitors (Statcounter)
54, 915 visitors (annual average, Statcounter)
18, 200 links (Altavista)
15, 579 hits (annual average, Statcounter)
9, 164 backlinks (Yahoo)
4, 690 links (All the Web)
3,038 words (Website word count)
2,111 profile views (Blogger Profile)
1369th blogs post (Blogspot)
55 followers (Google Friend Connect)
50 sites linking (Alexa.com)
3rd rank (Google PageRank)
3rd blog (and current, Blogspot)
2nd blog (Tabulas, started at September 2005)
1st blog (Livejournal, November 2004)

Happy 4th Anniversary "Jinjiruks. blogspot.com" (since June, 2006), and 6 years as a blogger!

More blogging years to come!

07.18 Wallpost

0 Reaction(s)
Last Friday shift + 8 hours OT= double shift + red eyes + dizziness. I dunno kung masusundan pa ito.

Mark, hindi mo sinasabi nasa Singapore kana pala, hindi ka man lang nagpadespedida sa amin ni Zander, nangako ka na paguwi mo, dala mo na ang pasalubong at tsibog sa amin. Aantayin ko yan.

After mawala ng days, pinagalala mo kami Angelo ng iyong mga kaibigan lalo na ng mother mo. San ka ba nagpunta, kala ko RPG na naman ang nasa isip mo at nagsimula ka sa iyong tiny adventures. Hope to see you soon. Thanks nga pala sa mga tumulong sa pag desiminate ng information about his whereabouts.

I miss playing World of Warcraft, hayz. Kelan kya ako makakapag laro ulit nito. Kahit sa private lang, happy na ako. Pero syempre mas masaya kapag online na. Kaso la pang resources para sa PC, Connection at sa Game. Daming hadlang. Sana next year or hopefully later this year magawa ko na iyon. Cy and others, antayin nyo ako! Hehe!

Been thinking about moving out sa amin, kaso wala pa akong makakasama para may kahati ako sa pagbabayad ng upa at daily na gastos, hayz. Nag backout kasi ang isa kong officemate at hindi pinayagan ng ate niya. Yung isa naman, kinumbinse ko pa, up to 3 person ang pwede daw. Sana makahanap na ako ng housemates.

Nagiisip na rin about applying for another internal position sa company, its been months since i last applied and epic failed. Hehe! Kakapagod na rin kasi ang function at minsan nagsasawa na rin dahil ganun palagi ang ginagawa. Thankfully tine-train ako sa mga duties at task ng isang supervisor. Nahahasa ang skills ko at dumarami ang bala ko pag sasabak na ako sa war room. Hehe!

Kakaadik itong Heroes, malapit ko nang matapos ang Season 1 mamaya siguro pagkatapos kong mag-net. Akala ko hindi ko siya magugustuhan, but I was wrong. Akala ko kasi typical superhero thing na gaya ng smallville, iyon pala marami palang twist. Ayoko mabitin kaya hahanap na ako ng kasunod na season niya para makahabol ako sa story.

Ilang araw na lang, aakyat na ulit ako sa Baguio with my tropatext fwens. Kakatakot nga lang kasi, tag-ulan nga at yung landslide threat eh andun. Hayz, not financially sound kaya I dunno kung mag-push through ba ako pero kakayanin ko siguro. Daming gastos sa bahay kasi, meron pang mga utang na sa inako ko pa kaya naman hindi ako makapag-ipon talaga. Hirap ng ganito. Nag-iisip na ako na mag-abroad nalang siguro ako.

Iyon muna for the meantime. Another weekend na naman ang natapos, sana naging makabuluhan ang naging weekend mo rin!

The Last Time - Eric Benet

0 Reaction(s)
 

The Last Time
Eric Benet

The first time I fell in love was long ago.
I didn't know how to give my love at all.
The next time I settled for what felt so close.
But without romance, you're never gonna fall.

After everything I've learned;
Now it's finally my turn.
This is the last time I'll fall... in love.
The first time we walked under that starry sky,
there was a moment when everything was clear.

I didn't need to ask or even wonder why, because each question is answered when your near.
and I'm wise enough to know when a miracle unfolds, this is the last time i'll fall in love.
Now don't hold back, just let me know.
Could i be moving much too fast or way too slow.
'Cause all of my life, I've waited for this day.

To find that once in a lifetime, this is it, I'll never be the same.
You'll never know what it's taken me to say these words.
And now that I've said them, they could never be enough.
As far as I can see, there's only you and only me.

This is the last time I'll fall in love.
Last time i'll fall in love.
The last time i'll fall... in love.

Usapang Ebs

0 Reaction(s)
Ebs na Multo - ang tipo ng ebs na pakiramdam mo lumabas na sa puwet mo pero pagtingin mo sa inidoro wala naman.

Ebs na malinis - ang tipo ng ebs na lumabas, nakita mo sa inidoro, pero wala sa tissue.

Basang Ebs - ang tipo ng ebs kung saan napunasan mo na ng 50 beses ang puwet mo pero pakiramdam mo meron pa rin. kaya ang ginagawa mo ay maglagay ng tissue sa pagitan ng puwet mo para di matagusan ang pantalon mo.

Ebs the second time around - tapos ka nang umebs, nasuot mo na ang panty o brief mo tapos mararamdaman mong there's more to come...

Ebs na pamputok ng litid - ebs na kulang na lang ay mapatid a ng litidmo sa kakairi.

Ebs na ala Sharon Cuneta - sa dami ng ebs mo, mangangayayat kang talaga.

Ebs ala Antonio Sabato - ebs na sobrang laki at haba na nakatatakot na i-flush dahil baka maputol.

Ebs na maingay - ang ebs na napakaingay ng pagbulusok sa inidoro na lahat ng nakakarinig ay natatawa.

Ebs na ala Mais - lam mo na to eh. don't tell me di ka pa umebs ngganito.

Mahanging Ebs - ang tipo kung saan gusto mo umebs pero puro utot lang ang lumalabas.

Ebs na Ectopic - ebs na ang hirap ilabas, feeling mo pahalang siya kung lumabas.

Basa ang pisngi mo ebs - ang tipo ng ebs na sa sobrang bilis lumabas eh tumalsik ang tubig sa pisngi ng puwet mo.

Aristokratang ebs - taong feeling niya ay walang amoy ang ebs niya.

Ebs na ayaw mawala - ang ebs na nakakailang flush ka na pero meron at meron pa rin maliit na bilog na ebs na lumulutang.

Wrong timing ebs - tipo ng ebs na di na panira ng timing. halimbawa, nasa party ka, o may outing, o kaya ay presentation o exam tapos bigla ka na lang matatae. actually, uutot ka pero sumasama na siya, kaya kung maglakad ka para kang tanga.

Won't Let Go Ebs - ang ebs na matindi ang kapit at ayaw malaglag kahit umiri ka na nang umiri at igalaw-galaw mo pa ang puwet mo.

Taguang Pong ebs - ebs na lalabas, papasok, lalabas, papasok uli, lalabas...

Ebs de Kambing - ebs na maliliit na bilog na walang tigil sa kakalabas. Titigil ka na lang sa kakaebs kasi bored ka na at ang tagal mo nang nakaupo sa inidoro.

Basyang Aftermath

2 Reaction(s)
Satellite Picture at 10 p.m., 14 July 2010

PAGASA Track as of 8 p.m., 14 July 2010



Severe Weather Bulletin Number TWELVE

Tropical Cyclone Alert: Tropical Storm "BASYANG" (CONSON)
Issued at 11:00 p.m., Wednesday, 14 July 2010


Tropical Storm "BASYANG" continues to move away from the country.
Location of Center: (as of 10:00 p.m.) 290 kms West of Dagupan City
Gustiness of up to 100 kph / Movement: Northwest at 19 kph
Forecast Positions/Outlook: Thursday evening:
610 kms West Northwest of Laoag City
All Public Storm Warning Signals now lowered.
courtesy: PAG-ASA

5.15am nang umuwi ako mula sa work. Buong magdamag, sobrang lakas ng hangin at tuluyan nang nabalot nang kadiliman ang Metro Manila bandang ika-11 ng gabi noong Martes. Ang wooden platform na naiwan sa tabi ng pader ng building ay walang tigil sa paghampas sa hagupit ng bagyo. Nag-shift sa generator ang source ng electricity ng building habang kami ay tuloy pa rin sa trabaho.

Buti nalang at hangin lang ang malakas at manaka-nakang pag-ambon lang ang aking naabutan. Unang tumambad sa aking mga mata ang makalat na paligid na parang dinaanan ng isang buhawi. Nagkalat ang dahon, tangkay o sanga ng puno, maski ang mga mabibigat na bagay gaya ng paso ay nabasag din.

Suspendido ang klase ng mga mag-aaral sa lahat ng antas at pinayuhang lumagi sa bahay ang mga wala namang importanteng gagawin sa araw na iyon. Madali naman akong nakasakay ng bus at umupo agad sa bandang bintana nito. Namalas ko ang pinsalang natamo ng parte ng EDSA - natanggal hanggang sa ugat ang ibang halaman na tinanim ng MMDA, ang tarpaulin ng mga naglalakihang billboard at ang gutter lenght na lalim ng tubig-baha sa kalsada.

Mapalad ang mga nakatira bandang Commonwealth/Sandiganbayan dahil hindi sila nawalan ng kuryente. Pagkauwi naman sa amin, inaasahan ko nang walang kuryente sa amin at sana meron na habang sinusulat ko ito. Mabuti nalang at humupa na ang lupit ng El Nino at bahagya nalang ang nararamdamang init ng panahon, sa tulong na rin siguro ng sama ng panahon.

Hindi rin ako nakatulog nang matagal dahil naalimpungatan ako bandang tanghali at mula noon ay hindi na ako nakatulog. Nagpalipas nalang ng oras sa pakikipag-usap sa mga kasama sa bahay at inaalagaan ang pusang may-sakit. Mahirap talaga pag nasanay na may kuryente parang nakakainip nang walang ginagawa. Nag-text sa mga kakilala kung may kuryente na sa kanila, sa Cubao daw bandang 3 ng hapon ay bumalik na raw at ang MRT Operation ay hanggang Shaw palang. Buti nalang at naging fully operational siya pagsakay ko nitong hapon. Malaking perwisyo talaga ang dulot ng mga bagyo na dumarating sa ating bansa. Wala naman tayong magagawa kundi maging matatag at laging handa sa anumang sakuna na dumating.

Team Dayn Awt

0 Reaction(s)
pang limang serving..

mga gutom na..

8.30pm Nagsimula nang tsumibog ang team. Halos 3-6 na chicks ang naubos namin sa loob ng ilang oras na ginugol namin. Sabayan ng kwentuhan, tawanan at iba pang bonding na ginawa ng team. Me pagkakataong na-highblood (epekto ng chicks), pinagsabihan ang waiter dahil sa tagal ng order (biro lang naman ang iba). Sana hindi nila seryosohin kami. Hehe!

10.00pm Busog ang lahat sa kinain at bottomless na drinks. Matapos ang pa-picture, napagpasyahan nang umalis at magsasara na ang mall. Sumaglit rin ako sa supply station para bumili ng card.

10.15pm Lakad-lakad para pawisan at mabawasan ang calories na naipon habang kumakain. Dumaan sa Glorietta at nag dessert sa Conti's. Picture ulit. Kaunting announcement si Marc. Then tawanan at usapan ulit.

11.15pm Bumalik na rin sa office at resume ng work.Sobrang busog talaga. Buti at hindi nakatulog kahit malamig. Habang monitor pa rin ang lagay ng panahon lalo na't may sama ng panahon.

Worst MRT Ride

0 Reaction(s)
3pm Nagising sa ingay ng jackhammer sa labas ng aming bahay. Natawa nga ako dahil parang personal alarm ko pa iyon dahil tiyempo namang ganitong oras ako dapat gumising.

4pm Naghanda na ako at nagbihis dahil kailangan at 6pm nasa SM Makati na ako para sa Chicken All-u-Can promo ng Max's.

5pm Makulimlim ang kalangitan, bunga ng papalapit na bagyo na kasalukuyang tinatahak ang direksyong pa-Norte. May Storm Warning na ang Metro Manila. Nagsimula nang lumakas ang ulan nang bandang nasa Commonwealth Avenue.

5.45pm Nakarating sa MRT-Quezon Avenue. Naka-ilang skipping train, mukhang nagbabadya nang nakaimbang perwisyo sa mga pasahero.

6.00pm Usad-pagong ang andar ng MRT. Bawat station huminto. Naka-red signal daw dahil may defective train bandang Guadalupe samahan pa ng malakas na hangin.

6.15pm Stranded sa MRT-Cubao. Ilang minutong tumigil. Naiinip na ang mga tao. Mainit na ang ulo ng karamihan. Ang iba naman naiinis dahil late na sa meeting o sa oras ng pagpasok. Ako naman sakit na ng paa ko at pupulikatin ata ako sa mahabang minuto na nakatayo lang ako. Aware pa ako sa likod ko dahil baka mandurukot siya dahil ang likot likot niya.

6.30pm Stranded ulit sa MRT-Buendia, isang station na lang sabi ko sa sarili ko. Nakakainis dahil nahinto na naman. Kaya pagpasok sa MRT puro pag-text nalang ang aking inatupag para maaliw ang sarili.

6.45pm Nakarating sa MRT-Ayala. Grabe ang dami ng taong nag-aantay sa platform area, bawat station naka stop entry na. Maski mga nagaabang sa ticket area jampak rin. Napa-iling nalang ako sa nangyayari ngayon. Anung oras pa kaya makakauwi ang mga pasaherong ito, traffic naman pag nag-bus sila.

6.55pm Nakarating sa meeting place ng Team, dinaan sa kain lahat ng sama ng loob sa experience sa pagsakay ngayon sa MRT. Naka-ilang piraso rin ng chicken at bottomless Pepsi. Alam ko hindi pa ito ang huli sa mga hindi magandang pangyayaring mararanasan sa MRT lalo na't panahon na ng bagyo.

Antukin

0 Reaction(s)
Buong linggo walang ginawa kundi matulog lang. Nung Saturday evening, nakatulog at hindi nakapagtext kay Pooch pati na rin sa iba. Paggising ko naman hatinggabi na at tulog na ang lahat. Nagpaantok lang hanggang 3am. Nakatulog na naman at hindi nakapag-text sa iba. Nagising na naman nang Matanglawin na. Nakatulog ulit at nagising na naman ng bandang hapon. Hindi man lang nakapag-mall dahil walang budget. Nakakatamad ang ganito na walang ginagawa. Gusto mo umalis pero kailangan magtipid.

Can't Cry Hard Enough - Bellefire

2 Reaction(s)


dedicated to you my friend, literally..

Klatch

0 Reaction(s)
Ilang araw na ang lumilipas, apektado pa rin ako at malungkot sa nangyari kay Dan. Unang beses ko palang kasi ito mawalan ng isang kaibigan. Ganito pala ang pakiramdam, naiintindihan ko na ang pinagdaraanan ng ibang tao at maging sa mga napapanood ko sa mga pelikula. Dagdagan mo pa ng guilt ko na kung bakit ngayon ko lang nalaman ang nangyari sa kanya. Na hindi man lang ako nakadalaw sa hospital hanggang sa wake at cremation niya. So much to tell yet so little time. Kung alam ko lang na ganyan ang mangyayari sana we could spend more time with him at kahit papano napasaya siya sa pag-stay niya rito kasama kami.

Naiisip ko siya sa tuwing napapatingin ako sa kalangitan tuwing umaga pag nakasakay ako sa bus pauwi na mula sa trabaho. Kinukumusta siya kung Ok lang ba siya dyan at kung gaano siya kasaya siya ngayon sa taas. Na sana bantayan niya kami palagi at wag kalilimutan kasi ganun din kami sa kanya. Kahit sa maiksing panahon na pagkakakilanlan natin marami akong natutunan sa iyo at humahanga sa iyong sakripisyo at pagmamahal sa pamilya mo, na handa mong ipagpalit ang sarili mong kaligayahan para lang guminhawa at mapasaya ang pamilya't kaibigan mo. Saludo ako sa iyo Dan. Mawala ka man dito sa lupa pero ang iniwan mong alaala ay mananatili sa puso't isipan namin.

He says

2 Reaction(s)
"Mahigit 3 buwan na din pala tayong magkaibigan. Masaya ka ba na nagkakilala tayo? Ako kasi sobrang masaya. Paano nagkaroon ako ng pagkakataong maging totoo sa sarili ko at saka ang dami kong natutunan sa'yo. Nagkaroon din ako ng mga kakulitan dahil sa'yo. Pero lam mo, minsan nahihiya pa rin ako. Ganun talaga siguro, hindi ko masasabi lahat at alam ko na naiintindihan mo yun. Basta once a week, dadalawin kita. Ang bilis ng panahon ano? July na, kalahating taon. Tuloy napapaisip ako: Naging maayos ba ang unang anim na buwan ko? Pagbalik ko, pag-uusapan natin yan."
-Parekoy, Dan's MoronMe

"Di ba ang sabi mo, hindi naman mahalaga kung anong makikitang repleksyon. Dahil ang mga salamin ay dekorasyon lamang. Ang imahen na ipinapakita nito ay bahagi lamang ng iyong sarili...hindi ang iyong kabuuan..hindi ang iyong pagkatao. Pero bakit ngayon, muli kang nagpapaalipin at nabubulag sa iyong nakikita? Hanggat patuloy kang matatakot at maduduwag sa iyong imahen, hanggat patuloy kang magpapaalipin sa iyong sariling salamin... Hindi kakikitaan ng ngiti ang iyong mapupulang labi.. Kaya habang may panahon pa, basagin mo na ang sarili mong salamin. Dahil baka masugatan ka pa kapag ito ay winasak ng iba habang ikaw ay nanalamin. "
-Salamin, Dan's MoronMe

Ang daya mo!

2 Reaction(s)
"Pero ang daya mo. Hindi ka man lang nagsabi. Wala ka man lang pinagkatiwalaan."

Ang hilig mo manggulat. Gusto kitang intindihin. Ang dahilan ng pananahimik mo pero nahihirapan ako. Siguro, hindi ka naman sasagot kung tatanungin kita. Ipipilit mo na hindi ka maiintindihan dahil magkaiba tayo ng daan na nilalakbay. Pero sana binigyan mo kami ng pagkakataon na pakinggan ka. Narito kaming lahat. Hinahanap ka ng mga pamangkin mo. Buo na naman ang angkan.

"Wala na siya"


-----------------------------------
Namatay si insan sa edad na 26 sa sakit na Leukemia. Biglaan ang pangyayari dahil walang nakakaalam ng kanyang karamdaman. Saan man siya ngayon, nawa'y maging mapayapa ang kanyang paglalakbay. Nakakalungkot isipin na nagkakaroon lang ng malaking pagtitipon sa panahon na may aalis. Paalam, Insan!"
-Maligayang Paglalakbay, Dan's MoronMe


Dan,

Parang inulit mo lang ang ginawa mo sa pinsan mo. Pero this time ako naman ang sasambit ng mga salitang ibinigkas mo noong panahon sinusulat mo ito. Ang daya mo.

In Memoriam.. Dan Erick Acuna

10 Reaction(s)

Dan,

Ang daya-daya mo, hindi mo sinasabi sa akin na may-sakit ka na pala at matagal mo nang tinatago sa amin ni Elias. Nung huli tayong nagkita, malakas ka pa nun at masigla, walang bahid nang kung anung sakit.

Huli ko na nang malaman na iniwanan mo kami noong nakaraang buwan. Hindi ka man lang nagparamdam sa akin o nakausap. Pag hindi pa ako nakapag-browse ngayon sa Facebook hindi ko pa malalaman kung anu ang nangyari sa iyo. Ang daya mo, hindi ka nagsasabi.

Naalala ko pa ang unang pagkikita natin with Elias sa AkoMismo DogTag day, ang init-init nung pero sinuong natin para lang makakuha ng DogTag na yan. Then sumunod nga itong sa Riverbanks with Elias pa rin. Plano pa nga nating pumunta sa Sagada at nakahanda na ang plano natin. Kaso sa hindi inaasahanng pangyayari ay ako lang ang natuloy at hindi kayo nakasama.

Mula noon naging madalang na ang komunikasyon natin. At huling txt mo pa nga at hindi kayo makakasama dahil nga na-short kayo ni Piglet at ganun din ang dahilan ni Elias. Nag-text ka sa akin na may-sakit ka at nagpapagaling, iyon pala ay malala na at nasa hospital ka.

Wala akong kamuang-muang na ganun na pala ka-grabe ang sakit mo. Hindi man  lang kita nabisita. Tanga-tanga ko, hindi man lang ako nakasama kahit sa mga huling araw mo. Maski sa wake at burial mo, hindi rin ako nakasama. Nalulungkot ako ngayon sa nalaman ko. Hayz, ayoko nang ganitong pakiramdam. Unang beses ko palang mawawalan ng isang kaibigan. Masakit pala lalo na't hindi man lang tayo nagkausap.

Kung saan ka man naroroon alam kong masaya ka ngayon sa kinalalagyan mo sa langit kasama ng mga angel. You will always be remembered na tahimik pero masayahing tao. You will always be in my heart. Salamat sa pagakakaibigan though hindi ganun katagal. Marami pa sana akong gustong sabihin at pagusapan natin. Pero makakapag-antay naman iyon, wait for us there. Salamat sa lahat. Salamat sa pagkakaibigan.

Mashi Kowt

0 Reaction(s)
Ryan: Mela alam mo bang ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko
Mela: Thank you
Ryan: Wala na siguro akong mamahaling iba gaya ng pagmamahal ko sa iyo, And all my life I will regret the day that I lost you
Mela: Ryan
Ryan: Shhh, I will not force you naman eh.. maghihintay ako para sa iyo..Baka dumating yung isang araw, pag-gising mo, baka sakaling muli pang tumibok yan para sakin..
-Dahil mahal na mahal kita (1998)

teh Tweining [again..]

0 Reaction(s)
Grabe tinatamad na naman ako pumasok at masakit ang katawan ko, ngayon palang nararamdaman ang epekto ng marathon last Sunday. Pero syempre trabaho ito at kelangan maghanap-buhay. Waited for the race results nung umaga pero wala pa rin.

Continuation ng product training, after systems checkup. Ok naman at smooth mula introduction hanggang sa processing of accounts ng mga new hires. Medyo nakakaantok nga lang dahil ang tahimik. Tomorrow morning side by side naman sila sa mga tenured para makita nila ang actual process.\

For the meantime, nag generate muna ng reports at team stats, then nag browse na for race results updates. na upload na ang results for 10k, 21k and 42k, hmm. Kelan naman kaya for 5k kung saan kami kasali. Nagbasa lang ng ibang running program para next time handa na kami.

Grabe, sobra ang antok ko habang biyahe pauwi, I dunno why. Sapat naman ang sleep ko. Siguro kelangan pang bumawi ng katawan. Pagkauwi sa bahay nakatulog agad at tanghali na nagising.

Teh 34th Milo National Marathon [kaya mo yan..]

0 Reaction(s)
As early as 3am, naghanda na kami para sa big event. Hindi ako nakatulog sa excitement siguro. Kumain saglit bago naglakad papuntang Quirino Grandstand suot ang aming marathon outfit. Medyo nakakailang kasi pinagtitinginan kami ng mga tao pero Ok lang. At 4am nakarating na rin kami sa Km.Zero. Marami rami na rin ang andun since 4am pa nagsimula ang 42k run followed by 21k by 5am then it's our turn at first beam of light at 6am.

Patuloy na dumadami ang mga participants habang naguumaga. Merong matatanda, bata, mag syota, barkada, pamilya.. All under one cause, to give a pair of shoes for the children and at the same time promotes camaraderie and bonding with your friends and loved ones. Tama lang ang tema this year.. "Kaya mo yan!", na nagpapa-motivate sa amin na tumakbo.

Then at the gunsignal from Mayor Lim, nagsimula na kaming tumakbo, sa simula palakad-lakad lang then finally nung nagkaroon ng space saka kami nagsimula mag-jogging and eventually tumakbo na talaga just like the other guys. Kakatuwa na nakakasabay mo ang maraming tao sa ganitong event, it's actually our first time kaya please bear with us kung hindi kami masyado nakaka-catchup sa leader of the pack. Wala kasing practice kaya sa simula palang ayun hingal na hingal.

Merong mga water stations and even Gatorade kaya sinamantalaga namin iyon. Patigil-tigil minsan para antayin ang mga kasama. Sana nga lang makahabol kami sa 1hr quota designated for the 5k fun run. Ok naman ang pagbabantay ng mga marshalls, iyon nga lang marami pa rin ang nandadaya sa karera at sumasampa sa kabilang lane. Sana next time hindi ganito. Pag U-turn namin, kumuha ulit ng drinking water kinuha ang race ribbon.

Nakasabay pa namin ang AirForce runner kaya may running chant sila para hindi mapagod ang ibang runner, sumabay kami sa kanila. Ilang minuto pa ang lumipas, malapit na kami sa Finish line sa Quirino Grandstand, grabe ang hingal na namin. Hindi kasi sanay tumakbo nang ganito kalayo. Kahit ako na every weekend nag jogging sa school oval namin eh malapit nang sumuko and trying hard to catch our breath. Then ilang meters na lang at finish line na, so inubos ko na lahat at tinodo ko na sa huling run to the finish line. We managed to stay beyond the designated cut-off at nakarating nang sabay-sabay around 52 minutes with seconds interval for the four of us.

We grab our certificates, binigay ang race barcode na nasa bib sa organizers na nag-aantay sa finish line and nagpahinga na along with other runners. Grabeng pagod pero masaya. Hindi na muna namin dinala ang phone/digicam dahil as expected, nagkaroon nga ng aberya sa baggage counter bout nawawalang mga gamit at yung iba ay inapak-apakan lang, though me pinatago kami pero it's just the race kit sa envelope. After a couple of minutes pa-picture mode na kami sa loob ng runner's area sa Grandstand. Umuwi bago mag 10am, sakit ng hita at paa. Pero Ok lang, kaya pa naman.

After mag refresh sa haus nina XT, we decided na mag-lunch muna at Karate Kid sa Robinsons Manila, nakita pa namin sina Jayson dun kasama si Rubi. We parted ways pagkatapos kumain. Si XT eh magpapahinga nasa kanila tutal nilalakad lang niya ito. Sabay pa kaming nag-LRT na tatlo, humiwalay na si Jay pagbaba ng LRT-EDSA. Kami ni MP sabay sa MRT, bumama siya sa Boni then ako naman sa Quezon Avenue. Tanghali na nang umuwi ako sa amin. Ka-text ko ung isang friend ko and sinabi nga niya na nakita nga sila sa TV ang marathon maski sa bahay, naabutan ko pa ang balita.

Ayaw pa nilang maniwala sa bahay na sumali ako sa marathon kaya naman inuwi ko ang race bib at singlet ko kaya napa-oo nalang sila. After mga ilang minuto, nakatulog na rin ako at gabi na nagising ulit. Thanks Milo for the experience. Makakaasa kang andun ako sa 35th edition niyo and this time handa na kami and we might even try the 10k challenge.

the 5k route map

posing with our race certificates

napagod sa pagtakbo

sana nga lang may laman ito

with the running shoes mascots

sa Kilometer Zero at the start area

seryoso ah, asan na ang soccer ball

jay, xt, jin and mp, job well done!

Bisita kina XT

0 Reaction(s)
After work (Saturday morning), dali-daling umuwi sa amin. Pahinga lang nang kaunti then bago mag tanghali, umalis na ng haus para kitain si Jay, MP at Kuya Leon sa G4. Naunang dumating si Jay then MP. Nag-text si kuya Leon na sa harapan ng Glorietta na kami kitain. Dumaan muna ako sa foodcourt kung saan kikitain ko sina Jay at MP. Then meet si Kuya Leon bandang Ascott.

Sakay ng chedeng ni kuya, tinahak ang Robinsons Ermita. Makulimlim pero buti nalang at hindi natuloy. Inantay si XT sa mall. Tingin sandali ng phones and desktop PCs. Kumain sa Shakeys, though lagi akong dumadaan sa ganitong fastfood, first time kong kumain dito. Daming applicant sa labas. After kumain, paalam na si Kuya Leon dahil meron pa siyang aasikasuhin. Bait talaga ni Kuya Leon.

Bago umalis sa Rob Ermita, tumigin muna ng Lenovo desktop PCs para may idea ako kung ano ang pag-iipunan ko. Naglakad nalang papuntang Baywalk. Hindi na ako nagulat sa dami ng basura pero nagulat ako at nagkaroon ng buhangin sa area na puro bato lang dati. Biglang napag-isip habang tinititigan ang alon ng dagat. Dumaan sa US Embassy na ang laki-laki na ng sakop niya.

Hanggang sa makarating sa pagdarausan ng Milo Marathon kinabukasan. Kaunting pa-picture at dalaw sa runner's area. Excited na kami para bukas. Kumain saglit sa Mang Inasal para hindi na kina XT kumain. Dumating kina XT bandang 9pm. Ok din ang room niya, daming koleksyon. After ilatag ang mga gamit, nag-net kaunti sa kanyang laptop. Then naligo bago humiga, pahinga at matuloy. Tomorrow will be a big day for us. First time namin sumali sa ganitong marathon kaya excited. Hanggangs sa muli!

Tweining

0 Reaction(s)
Whole shift training with the new hires sa function namin. Hindi nga lang na-cover ang mga system na kailangan sa function kaya todo hataw na naman sa pag introduce sa mga system sa Lunes.

[F]ringe season [two]

0 Reaction(s)

-opening theme


-teaser trailer