Almost Late

Jin: waaa.. 7.30 naa! bakit hindi mo ako ginising?!
Ma: akala ko wala kang pasok!
Jin: lagi akong may pasok tuwing gabi!

kainis.. gabi na naman ako nagising, katatapos lang TV Patrol at napanood ko pa Deal or No Deal. dali-dali akong naligo at umalis. wala pa kapatid ko. siguro maiiwan na naman si Mama mag-isa, hindi kasi nagpapaalam ang tukmol kung uuwi ba sya o hindi.

Jin: alis na ako.
Ma: kumain ka muna.
Jin: late na ako!

pagdating sa PhilCoa around 9.10pm na.. i won't take a chance.. kung sasakay pa ako MRT baka magsara na iyon (9.30pm kasi last trip) at sasakay pa akong jeep papuntang Highway so nag bus na lang ako.. buti na lang at kaunti lang sakay.. nakaupo ako sa peborit kong spot sa kanan sa malapit sa pintuan. ayun mga 9.25 nakarating na ako sa Ortigas pero pagtingin ko sa clock sa MRT-Ortigas 9.15 palang.. 10 mins na advance pala oras ko.. pero hindi naman pare-pareho oras ng mga station.. malay ko bang late naman sa Quezon Ave.

4 Reaction(s) :: Almost Late

  1. hwehehe. sarap talaga matulog kpag gabi. lagi ka bang nightshift? parang di ka nagpapang-umaga ha.

  2. haha.. oo eh.. syempre night diff.. saka yoko makita mga pang umaga.. sawa na ako sa mukha nila.. un nga lang.. walang social life.. haha

  3. social life? dalhin mo social life sa office. foods, drinks, entertainment. wahaha! nga lang jin, mas masarap yata matulog sa gabi. sarap ngaun ng hangin. malamig. nakakaantok. nakakahimbing. hahaha!

  4. haha.. ayoko.. mas mabuti nang tahimik sa office..