Finally..
Kumusta.. sa wakas eh nakapag update rin ako ng blog.. ang tagal ayusin ng pldt na yan ang mga firber optics pang 2nd or 3rd week na ata ngayon eh medyo mabagal pa rin.. buti medyo ayos ngayong araw dito sa may amin.. Walang pasok ngayon kasi maintenance ng World of Warcraft.. bukas kasi magbubukas na ang "Dark Portal" sa may Badlands.. kaya major patch ito. Naging shifting na nga kami mula pa last week.. 6-2pm ang shift ko.. asar nga eh.. kelangan gumising ng maaga kasi 1 1/2 hrs ang travel time ko.. pagdating naman sa MRT eh mag-aantay pa ako around 5.25am (5.30am kasi ang southbound sa Cubao). Salamat nga pala sa mga nag komento sa aking previous post. Tama rin kasama ko sa work na si Cy. Kung ayaw mo na sa system umalis ka. I heard mas malaki ang offer around Makati narinig ko lang sa iba. Try ko na ring subukan kahit medyo nalalayuan ako. Iniisip ko kasi.. is it really worth it? na magtagal ka pa sa company na halos pareho na lang kayo ng sweldo ng minimum wage worker, hindi ko naman minamata mga kumikita ng ganun. Ang akin lang.. buti kung isang account lang nilalaro namin eh.. kaso 2-4 accounts na sabay sabay at kelangan nasa quota ka pa.. Hindi na ata makatwiran iyon.. ang laki ng demand tapos ang sweldo eh ganyan lang.. mag hire na lang sila ng robot kung ganun para ok nang ok lang at walang pasweldo kundi langis lang (pero mahal na langis ngayon..) parang pinatikim ka lang nung 1st month mo na malaki ang sweldo.. ewan ko.. pag iisipan ko ito ng mabuti.. mahirap kasi na aalis ka nang walang malilipatan.. kaya naman naghahanap ako since last week pa ng jobs online at sa papers.
by
Jinjiruks
January 16, 2007
1:04 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
At least, may nakilala kang bagong friends diyan...at least, you've learned again...at least nasubukan nanaman ang pasensiya mo.
I think you deserve to have another job. do it soon para hindi maubos energy mo sa kakaisip ng mga di magagandang bagay about your company. life is a risk -- pray.
Godbless.
SY.
Anonymous
January 17, 2007 at 4:17 PMbasta go for it lang!kung anong decision mo!
break a leg sa mhahanap mong new job!
++JOY++
January 20, 2007 at 3:30 PMi agree with you.. dapat directly proportional ang salary sa labor.. :)
Riker
January 21, 2007 at 12:51 PMsabi nga ng sexbomb singers:
kung ano ang nasa puso mo
sundin mo...
aw!
:)
kaya mo yan.
go jin! go!
Anonymous
January 21, 2007 at 1:43 PM