Libreng Daing kayo dyan..

Aba mabilis ang net connection dito sa shop. Kahapon lang eh napakabagal at hindi sulit sa oras ko. Kanina may free ride sa MRT up to 7am; anniversary daw ata ng DOTC. Sana tuwing umaga ganyan na lang palagi. Yung tipong first 50 passengers sa lahat ng station may free ride. Makikipaguanahan talaga ako; iba na rin ang libre, ang daming gastos kahit man lang sa pamasahe sa MRT eh makatipid ako. Hindi na nga ako nag memeryenda para makatipid puro iced tea na lang ako. Huhu! Manlilimos na lang kaya ako dyan sa tapat ng building namin.. Wala na talagang pag-asa sa workplace lahat na lang pinupuna buti kung malaki magpasahod amp! Sila kaya maglaro ng 3-4 account nang sabay sabay maka quota kaya sila. Tinawagan na ako sa kabila, hindi ko alam kung pupunta ba ako o hindi. Wala kasi akong kasama at hindi ko kabisado ang place. Tingnan ko na lang sa mga susunod na araw. Kanina galing ako sa office ng ex-employer ko. Nabawasan na pala sila.. wala na sina Tina at Roger maski sina Guia at Jason.. hindi ko na alam anu na mangyayari sa company na yan.. unti unting nalalagasan ng mga pioneer.. ganyan talaga pag walang employee-employer relationship.. yung tipong hindi nakakadaan sa taas ang daing ng nasa baba.. and unfortunately nangyayari pa rin ito sa current employer ko.. wala na bang matinong company dyan na pro-employee talaga? wala lang.. talagang minamalas lang siguro ako.. mag aabroad na lang ako siguro..

3 Reaction(s) :: Libreng Daing kayo dyan..

  1. magtayo na kaya ako
    ng kumpanya
    para sa iyo.
    ako nahihirapan
    sa mga
    daing mo eh
    :)

  2. ayos..nakalibre siya sa pamasahe sa MRT. malaking bagay na rin iyon.
    sana nga makapagabroad ka.

    siya nga pala, naisip mo na bang maging self-employed? contractor na lang at hindi empleyado? wala lang..naisip ko lang...

    :D

  3. wahehe. sensya na nde ako nakapag reply sa reaction na ito.