Bukas rest day na naman pati na rin sa Thursday eh wala rin kaming pasok, buti naman at bayad; may aayusin ata sa wiring sa mga pc, para na kasing mala octopus ang pagkakabuhol eh.. kanina si Cyril parang The Buzz kung magpasabog ng mga rebelasyon.. haha.. nakauto ng isang CSR at ngayon eh girlfriend na daw niya.. panigurado butas na naman ang bulsa nito.. ok lang.. mayaman naman ni Cy kaya yakang-yaka niya yan. May sinabi pa siya tungkol sa bagong grading system sa power levelling.. nakakagulat kasi bakit hindi sinabi sa amin ng aming TL (team leader) napaka unfair nito pag saka nila sasabihin.. may giyera talagang mangyayari.. malapit na rin daw buksan ang Final Fantasy 11 (Online) sa mga PL's.. panigurado isa ako sa mga mag sign up.. pero tinitingnan ko pa rin ang offer ni Iced sa akin as forum spammer.. wala lang sarap kasi ng buhay niya.. nakakapag net pa sya sa ibang sites unlike sa amin na limited lang ang pwedeng ma surf sa net at saka 35 post a day lang ang quota.. kaya madali lang para sa akin.. since medyo may experience na rin ako at lagi ko pang ginagawa sa mga message boards ang mag spam. nyahaha!
Parang kinain ko lang ang mga sinasabi ko dati na hindi ako tataya sa lotto dahil napaka baba ng chance ng pagkapanalo mo ( 1 in a 13 million.. whoa!) wala lang.. na challenge lang ako.. naka isang linggo na akong sa pagtaya sa lotto.. 2 bets lang naman.. at sa kamalasan eh wala pang panalo maski maka 3 numbers eh wala pa rin.. puro 2 o kaya eh kulang naman ng number.. nagdududa rin kasi ako sa mga nananalo.. what if kung planted lang ang ibang so called winners para magkaroon lang sila ng kickback (bukod sa 20% na share nila sa jackpot! mga buwaya talaga!) buti sana kung sa charity talaga napupunta eh.. hindi naman ako magdududa nang ganito kung walang nagsabi sa akin mula sa loob.. kasi nag OJT ang isa kong classmate dun dati.. alam mo na mga nangyayari sa mga agency ng gobyerno.. hindi na mawawala ang mga kickbacks at mga under the table na iyan.. red tape na sumisira sa gobyerno sa loob na nang ilang dekada.. ah ewan! paano pa kaya maayos ang mga ahensya na iyan!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
believe...magbabago din ang mga ahensyang yan...malapit na.
sy
Anonymous
March 7, 2007 at 6:39 PM