Repleksyon

Nung isang araw eh medyo nagkasagutan kami ni Mama pero hindi naman ganun katindi.. wala lang pera na naman ang usapan.. puro na lang kasi pera ang nasa isip nya.. Wala kasing work sina Papa at yung kapatid ko ngayon kaya ako lang ang inaasahan, eh hindi naman ganun kalaki ang sweldo ko kaya naman medyo nagkukulang sa mga gastusin kaya naman mainit ang ulo niya, ayoko lang kasi eh ako ang pine-pressure niya.. bakit tambay ba ako at walang ginagawa; bakit hindi niya masabi sa kapatid ko iyon at sa akin lagi.. Mabuti pa nga eh naging normal na lang ako (abnoy ba?! wala lang..) iyong work lang at nagbibigay tapos walang pagbubunganga akong naririnig.

Kahapon naman habang pauwi na ako sakay ng bus eh parang may mangangaral (hindi ko alam anung sekta o relihiyon siya pero iyon lang naman ang intensyon niya at walang hinihinging pera o namimigay ng mga pulyeto at kung anu-anu pa) wala lang.. nagpatotoo lang siya tungkol sa sakit niya na gumaling sa kabila ng pagsasabi ng mga doktor na wala na siyang lunas (luma nang modus operandi iyan.. pero nakinig pa rin ako).. Sinabi lang niya.. kung hindi man tayo lumapit o magbalik loob sa taas eh tayo pa rin ang talo, tayo ang mawawalan; may sinabi rin siya tungkol sa pagiging greedy ng mga tao at pag iwas sa mga pagsubok.. sinabi niya nakatanggap ka ng karangyaan o kaya mabubuting bagay bakit hindi mo tanggapin ang mga pagsubok o di kaaya ayang mga dumarating sa buhay mo.. nag kwento siya sa buhay ni Job (sa Matandang Tipan ata ito.. sensya na nde na ako nakakabasa ng Bible at kung nagbabasa man eh sa Revelation lang ako nagbabasa!) na kung saan eh dati marangya ang buhay pero nanatili pa ring tapat sa Taas sa kabila ng mga masasamang karanasan na naramdaman niya.. patuloy pa rin niyang pinupuri ang nasa Taas.. marami pa siyang sinabi.. pasensya na at nagkahalo halo.. sayang lang at hindi nakikinig ang iba.. akala siguro nila manghihingi na naman ng donasyon.. dapat talaga mabatid ng mga tao na pansamantala lang ang buhay sa mundo at huwag masyadong materyalistiko sapagkat hindi mo naman ito madadala sa hukay mo.. maging masaya at makuntento kung anung meron ka! binibigay naman niya kung anung mga kelangan natin, panay hindi nga tayo nang hindi pero nakakalimutan lang natin magpasalamat.. malapit na naman ang Mahal na Araw; magtika at magnilay nilay.. hindi lang dahil malapit na ito dapat araw araw ginagawa natin ito.. (teka nasa homilya ba tayo.. baka magpapari na lang kaya ako?!)

He says..
my primary reason for blogging is to have someone who will listen to me, ease my burdens, and who will laugh at me when i am happy. and i found it in a blog. not someone. blog alone. here, it's not like a diary where i have to keep my stories in life. i also don't have to ask and please people that, "hey, listen to me i am going to talk now". i am not a very important person who needs attention. it's enough that i have one with me.
Why Do I Blog, Aaron James

3 Reaction(s) :: Repleksyon

  1. we should not just seek to do no evil... we should make our life count...

  2. aba. aba. at ano naman kinalaman nng phrase sa ibaba? haha. wala lang. natutuwa naman ako. hehe. anyways, siguro, nagiging praktikal lang si nanay. di naman kasi tayo mabubusog ng pagmamahalan lang sa panahon ngayon. syempre gusto nya na nakikita na maayos ang lahat. kung ikaw man ung napagbabalingan, siguro, mas approachable ka kasi. ung gusto nya, kaw magsabi sa kapatid mo and/or sa dad mo. sa second paragraph, no comment na lang muna siguro ako sa ngayon. :)

  3. basahin mo iyong book of Job Jin. Maganda iyong kwento niya. Kwento naman iyon eh at hindi epistle so may nangyayari sa kwento. Mapapareflect ka talaga..Wag mo munang basahin iyong summary or any other interpretations whatsoever. Ikaw mismo iyong magbasa. Nung binasa ko yan, hindi ko tinigilan eh..hehe..at hanggang ngayon, binabasa ko pa rin. Napakayaman nung book na iyon..Especially sa climax niya sa chapter 38..napa-wow na lang ako..