For the past 3 days since Monday eh yung iba sa amin (kasama na ako dun) eh wala nang nilalarong client account for WoW (World of Warcraft not WoW Philippines and alike.. lol!). Inuubos na lang ang mga natitira sa ibang pc; kaya naman sinabi na lang ng aming team leader na pansamantala eh (pampalubag loob sa mababang sahod) gumawa ng personal account (trial accounts lang good for 10 days, up to lv.20 lang) syempre sa server ng mga pinoy (not necessarily pero dominant mga pinoy gamers) - Bonechewer (amp! PVP server pa!); wala lang tuwang-tuwa lang mga mokong na newbie nag nagpapa level.. pero trial lang nga eh sayang lang pag hindi mo lalagyan ng load (amp! mahal 800/month.. hindi me rich kid!), unless may milking cow ka na taga sustento sa iyo.. nyahaha! nanghihinayang nga ako eh.. gusto kong ituloy kaso wala naman akong pera.. naho-holdup kasi ako pag sweldo time.. kaya nga ayoko na magasawa kasi parang may pamilya na rin ako sa kaso ko.. hay buhay nga naman!
Hindi pa rin ako nagpapasa ng resume for forum spammer position sa company.. inaantay ko pa kasi yung Final Fantasy Online.. titingnan ko muna ang itsura at gameplay.. wala lang.. medyo unstable ang company.. at ang CS area lang ang safe kaya umaandar ang oras eh dapat na ako mag desisyon kung anu ba talaga ang gagawin ko for this month.. Nakakapagod minsan ang shift na ito.. hindi ka pwede magpaabot ng 11pm sa pagtulog kundi tatanghaliin ka ng gising.. kelangan 4am eh nakaalis kna ng bahay.. nakakapagod talaga.. wala pa ring reply ang Navitaire na pinasahan ko ng resume personally at online.. sana tumawag na sila para makapag exam na ako.. pag umabot pa ng April eh wala pa.. sasamahan ko si Miko sa paghanap ng work abroad.. me contact na kasi siya at sabihan na lang daw siya kung desidido na siya.. Iyon lang po.. saka na ako mag uupdate ulit..
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 Reaction(s) :: Wow na Wow
Post a Comment