Graduation Week na naman!

Panahon na naman ng graduation. Mga magsisipagtapos mula elementarya hanggang kolehiyo. Panibagong kabanata na naman ng buhay ng mga students. Bagong mundo, mga hamon, pag-asa, pakikipagsapalaran. Naaalala ko lang nung nasa elementarya pa ako; ang saya ng buhay dati. Walang problema, walang iniisip kundi mag-aral at makipaglaro sa mga ka eskwela pag recess at paguwi naman eh sa mga kapitbahay. Mura pa mga bilihin dati, walang problema sa gastos dati. Ewan ko pero hindi ko sineseryoso ang pag aaral dati.. yung tipong parang naglalaro lang ako.. pero mula grade I hanggang VI eh nasa Top 2 naman ako kahit papano.. mahilig lang talaga ako magbasa ng libro dati, salamat na lang at wala pang Internet dati kung saan eh nalululong ang mga kabataan natin ngayon. Namimiss ko na ang mga paninda ng teacher namin kung saan eh may contest pang paunahan makaubos ng paninda ang bawat row, ang pagdadamo sa oval area namin, paglalaro sa mini forest (sensya na po.. public school lang.. pero masaya naman!), ang sariwang hangin, paghiga sa damuhan pag recess, patintero at iba pa. Nag reminisce na naman ako, namimiss ko lang masyado ang buhay na wala kang iniisip kundi paglalaro at pag-aaral. Hindi ko man maibabalik ang kahapon.. andito pa rin siya sa puso ko.. inaalala tuwing malungkot at nag-iisa..


SAAN NA NAPUNTA ANG PANAHON
APO HIKING SOCIETY
I
Nagsimula ang lahat sa iskuwela. nagsama-samang' labingdalwa'.
Sa kalokohan at sa tuksuhan, hindi maawat sa isat-isa.
Madalas ang istambay sa capetirya. Isang barkada na kay' saya.
laging may hawak-hawak na gitara, konting hudyut lamang kakanta na.
(refrain)
kay simple lamang ng buhay 'non, walang mabibigat na suliranin.
prublema lamang laging kulang ang datung.
saan na napunta ang panahon.
(chorus)
Saan na nga ba, saan nanga ba?
saan na napunta ang panahon. (2x)
II
Sa unang ligaw kayo'y magkasama, magkasabwat sa pambobola.
Walang sikreto kayong tinatago, O kaysarap ng samahang barkada.
nagkawatakan na sa kolehio, kanya-kanya na ang lakaran.
kahit minsanan na lang kung magkita, pagkaka-ibiga'y hindi nawala.
(refrain)
At kung saan na napadpad ang ilan,
sa dating iskwela'y meron' ding naiwan.
Meron' pa ngang mga ilang nawala na lang, nakaka miss ang dating samahan.
(chorus)
saan na nga ba, saan na nga ba?
saan saan na nga bang' barkada ngayon.(2x)
IIII
lang taon din ang nakalipas, bawat isa sa ami'y tatay na.
nagsusumikap upang yumaman, at guminhawang kinabukasan.
Paminsan-minsan kami'y nagkikita, mga naiwan at natira.
At gaya nung araw namin sa iskwela, pag magkasama ay nagwawala.
(refrain)
Napakahirap malimutan, ang saya ng aming samahan.
Kahit lumipas na ang iilang taon, magkabarkada parin ngayon.
(chorus)
Magkaibigan, magkaibigan magkaibigan parin ngayon.Magkaibigan, magkaibigan magkabarkada parin ngayon.
(repeat till faded)

2 Reaction(s) :: Graduation Week na naman!

  1. ayaw ko gumradweyt.
    ang weird ba?
    nakakalungkot kasi e.

  2. hi Jin! kumusta na?