Ang init ng panahon
Sensya na at ngayon lang ako nakapag update sa aking blog. ang dami kasing problema na dumaan lalo na financially kaya hindi man lang ako makapag internet kahit na 15/hr lang ang mga shop dito. maski pamasahe ko nga eh problema ko pa. talo ko pa nga ang may pamilya eh, grabe na itong pagka breadwinner.. kinakarir na! ang init talaga ng panahon, maski sa office lalo na kapag hindi pa nakabukas ang ventilation system ng buong building eh napaka init talaga.. hindi sapat ang mga fan sa office.. hindi ka tuloy makapag concentrate sa work mo.. maski mga cpu eh bumibigay na rin sa init.. paglabas mo.. lalo nang mainit; kasi yung mga buildings dumadagdag pa sa init dahil nga sa metal nito, kaya masarap talaga bumili ng nescafe freeze o kaya mag halo-halo sa paguwi. Ilang linggo na rin akong hindi nakakapag load sa aking smart at globe na sim sana eh hindi pa mag expire iyon. Hindi ko alam kung may pasok ba kami o double pay next week. Wala naman akong ginagawa sa bahay sana meron. Final Fantasy online na nga pala ang nilalaro namin sa office.. sa simula mahirap pero medyo nakakapa ko na rin at na eenjoy.. ang problema lang eh napaka party dependent ang game, hindi mo kaya mag solo kundi mamatay ka nang di oras.. buti kung simpleng patay lang eh.. kaso experience down ang mararanasan mo at level down ang worse pa kaya bawal mag papatay talaga.. sige sa susunod na update na lang..
by
Jinjiruks
March 28, 2007
10:48 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 Reaction(s) :: Ang init ng panahon
Post a Comment