Black Saturday

sigh.. nakaka frustrating ang araw kahapon.. tama lang ang title.. its a gloomy and black Saturday for us gamers.. pero hindi naman talaga ako nagulat kasi 2 weeks ago pa lang eh sinabi na sa akin ng isa kong friend na teal leader ang mga mangyayari within this month.. at nagkatotoo nga.. MASS TERMINATION ng mga gamers sa GamePal.. and yup kasama po ako doon sa 160 na taong inalis nila.. matatanggap ko sana kung valid ang mga reasons nila sa pagtanggal sa amin.. kaso alam mo na.. just like out bulok na government; maraming hocus-pocus na nangyayari..

points:
1) wala man lang a day or week/s notice sa aming termination, kahit man lang contractual kami eh we deserve that right to be informed.. well since gulatan naman ang nangyayari wala na akong magagawa doon.. puro kasi mga isip-bata..

2) ang dahilan nang pagkakatanggal sa akin eh hindi ko daw na reach ang standard nila or yung performance metrics na binigay nila.. hello.. sa mga Final Fantasy Online gamers diyan.. makakaabot ba kayo ng 20 levels sa loob ng 8 hours na work niyo.. maski ang FF manager namin dito inaming napakataas naman ng quota na iyan at maski ang hardcore na player eh hindi makaabot nang ganyan sa given time na binigay nila.. halatang naka plano na ang mangyayari sa mga gamers since imposible talagang maabot iyon.. nanghihinayang talaga ako since napamahal na rin sa akin ang FF kesa sa WOW.. ilang weeks ko lang na enjoy ang game.. nakakabitin talaga..

3)maraming nagrereklamo sa amin na nagpaalam naman sa mga team leader pero AWOL ang nilagay na reason nang pagkakaterminate.. eh wala naman palang kwenta mga TL niyo eh bakit hindi nyo rin sinama na ma terminate.. ARE YOU SURE NA QUALIFIED LAHAT NG TL'S NA NILAGAY NIYO? karamihan kasi diyan hatak lang or may boyfriend or ka buddy kaya nagiging TL.. tingnan na lang natin kung makakaya nila ang work ngayon kaunti na lang sila.. ang siste kasi ikaw pa ang dapat magtanong sa pag absent mo eh.. parang ganito.. sir bakit ba ako absent kahapon.. hindi ba parang katangahan iyon.. ako pa amguusisa kung bakit absent ako.. sa simula pa lang naman hindi na fair ang system nila..

4)isa pa sa mga dinahilan nila eh "kulang daw sa requirements" wow.. ngayon ko lang narinig yan ah.. na terminate dahil kulang samantalang next week pa ang deadline nang pagpasa ng mga iyon sabi nila.. sabagay notorius naman sila sa hindi pagtupad ng mga sinasabi nila.. kagaya na lang ng ATM.. pinamamadali pero asan na.. cash pa rin ang sahod.. mga araw ng pasahod.. pasabi sabi na bukas.. pero may mga nakatanggap ng sahod nung gabing iyon.. marami pang mga "magic" ang nangyayari pero wag na nating banggitin.. para saan pa.. wala naman mangyayari. Sana nga lang eh makatulog sila nang maayos sa mga ginagawa nila sa ibang gamers.. ang unfair treatment.. buddy system.. incompetent management..

sensya na binuhos ko na dito sa blog mga hinaing ko sa company since.. inutil naman ang mga TL namin at wala man lang nagawa sa desisyon ng management.. at mga gulatan na nangyayari.. ah ewan.. its not worth it na isipin pa yan.. ang mahalaga ngayon eh makahanap ng new work na hindi kagaya ng GamePal.

3 Reaction(s) :: Black Saturday

  1. there are two sides in every story.

    still, neither i can say that i know how you feel nor i can say that i will ever know how you feel. it's just that life sucks but you gotta live with it.

    ironically, you're just living to die.

  2. Mahirap sa mga pribadong kumpanya, restrained ka sa patakaran. Ngunit kung kaya mo namang ipaglaban ang tama at handa ka nang harapin ang consequences afterwards, mas maigi. At least hindi ka mabibilang sa mga 'nasupil ng mapanirang kultura' nila po.

  3. thanks sa comments guys. its not worth it na manghinayang pa ako. its their lost not mine anyway.