Day 3 - Sa bahay ni Jinjiruks
Holy Wednesday na.. as usual habang ang iba eh last or half day sa office nila at naghahanda na sa mahabang bakasyon eh andito ako tambay sa bahay nagaantay sa paglipas ng oras.. nakakabaliw talaga pag wala kang ginagawa or should i say "tambay" ewan ko paano nagagawa nilang maglibang sa ganitong propesyon.. yung pa yosi yosi laro ng basketball tapos uwi kain then yosi ulit.. tsk tsk.. sa mga tambay.. magbanat naman kayo ng buto.. mahiya kayo sa magulang niyo.. sa sobrang bored ko eh napilitan tuloy akong mag unlimited text sa Globe for two days.. paano kasi mababaliw na ako kakabilang ng mga dahong nalalaglag sa puno malapit sa amin.. ayun buti naman kahit papano eh may nakakausap ako thru text.. si Dan, si Irene (aka Chun-Li at Princess Jannelle daw) pati na rin sina Ronald, Jhayr at iba pang sumusulpot na texters.. ngayon lang ako ulit nakapag text nang matagal.. nakatulog na ako kanina nang alas-2 ng madaling araw at nagising naman ngayong alas-6 ng umaga.. mamaya nga pala punta ako sa isa kong ex-employer para kunin tax refund kung meron man.. mini reunion lang ng mga umalis sa DES.. plano ko nga sana sa Sagada kami mag outing kasama manager naming si Tina.. sige sa next update na lang ulit.. sana next week matawagan na ako at makapag apply na rin sa ibang company.. have a great weekend!!
by
Jinjiruks
April 4, 2007
9:24 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
sagada ba? layo nun ah! kakayanin kaya ng budget natin yon pardz? kung nd ako nagkakamali mas malayo pa yon sa baguio eh! L)
monovirus
April 4, 2007 at 11:39 AMmahirap gumawa ng wala.
mahirap maging tambay.
kaya mo yan.
Anonymous
April 4, 2007 at 12:33 PM