Kahapon eh nagpunta ako sa Ortigas sa former employer.. para sa tax refund kasama na ang form dun.. ayun mini reunion lang ng mga nde ko na nakikita for almost 6 months na rin.. lalo na si Ryan sa Office Tiger na ata at regular na.. si Guia bebe sa Maersk, si Madam She.. ayun pinoproblema kung paano mauubos ang kayamanan niya hehe; amp talaga.. dahil sa overtime at night shift ko eh mababa lang ang refund.. 175 pesos at naka cheque pa.. anu ba yan.. kulang pa sa pamasahe at pang kwek-kwek ko yan ah.. bakit hindi na lang pinera, nakakahiya naman lumapit sa teller nito.. lumagpas na ng alas-3 bago naibigay iyon kaya naman next Tuesday pa malamang pwede mapa-encash iyon.. sabi nga sa akin.. ipa-laminate ko na lang yan at pa-frame para remembrance.. lol.. tawa tawa ang mga loko.. kasi sila around 600+ ang nakuha nila.. hay buhay nga naman..
Kanina hanggang ngayon eh maulan pa rin, well ambon to be exact pero sana ibuhos na nya lahat ngayon kasi aakyat pa kami ng bundok bukas.. sana nga hindi maputik ang daan.. naasar lang ako kasi bakit sinimento ang daan doon.. para saan pa ang pag akyat nun kung walang hirap na pagdadaanan.. me nalak atang gawing parke ang area ng Grotto.. sobra naman..
Meanwhile.. nung nasa office ako kahapon eh nag kwento ako sa termination ko at tinanong ko sila kung may iba pa akong mukukuha aside from last salary ko.. ayun sabi nila since terminated ka at may papel eh.. dapat daw may separation, termination at 13th month ako dahil since Dec.15 last year ako nag start at its been 4 months na.. eh minimum requirements eh 1 month lang.. hindi ko pa nakakausap ang mahal na management ng GamePal bout this gusto ko muna i consult ito sa tito ko na me alam sa mga labor laws, ayoko kasi ung padalos dalos.. pag pupunta sa giyera eh dapat fully packed ka ng ammunitions mo.. good luck na lang sa kasong ito.. pag alam ko naman nasa katwiran ako eh paglalaban ko yan..
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 Reaction(s) :: Maulang Maundy Thursday
Post a Comment