I never thought na pupunta ako sa isang hospital (and this is the last place in my mind ) at magtatagal dun up to evening. Wala naman akong magagawa mas gusto ko na dito kesa sa clinic sa tabi-tabi (mas safe at reliable pa mga personnel at services).
Around 7am maaga akong nakapunta sa hospital akala ko kasi yung nakalagay dun sa announcement na 7.30 eh sa new patient lang (iyon pala ang time sa am sched sa subspecialty, eh hapon pa ang specialy na pupunkonsulta ko) amp talaga; yung pang hapon na specialty eh 1pm ang naka sked either new or old kaya naman nagantay pa ako up to 1am at ayoko nang umalis since sayang lang sa pamasahe iyon pag umuwi or kumain pa ako (hindi ko kasi ma estimate ang gastos sa gamot kaya tipid mode ako that time), napaka init talaga kahit nasa shade na ako ng puno.
Then at 12nn eh lumapit na ako sa Out-Patient Department nila kasi baka maunahan ako sa pila kasi may quota system bawat sub-specialty sa case ko eh 50 persons lang (up to 5pm lang kasi ang OPD nila, and i know sa ibang hospital ganun din), around 1am (at bago pa man) eh mahaba na ang pila, pumila na lang ako pero hindi ko alam kung tama yung pinipilahan ko then dumating yung nurse sinabi niyang "Medicine" ang pila na pinipilahan ko, so nagmamadaling hinananap ko yung area buti naman at hindi pa masyado mahaba ang pila at pang 23 ako sa list. At 2pm nagtataka ako bakit hindi pa ako tinatawag iyon naman pala eh hindi ko nabigay ang folder sa cashier section (nakalimutan rin nya kasing hingin, buti na lang at nagtanong ako sa katabi ko at sinabi niyang bakit hindi ko pa nabibigay iyon), at ayun tinawag na nga ako. Ang haba ng pila (normal na ito sa isang public hospital), ayun habang nagaantay matawag eh nakipagusap na lang sa mga katabi ko, yung isa kwento nya ung malpractice na nangyari sa asawa niya dahil intern na doktor ang napuntahan nila (pwede pala ang ganun.. hindi ba dapat assist mode lang sila for exp kasi mahirap na baka kung anung mangyari sa patient), yung isa naman bladder problem ata parang may UTI na yung anak nya for 4 years na.
At 4pm natawag na rin ako, ayun sinabi ko yung mga nangyari bago ako nagkaroon ng sakit then present ko yung lab results, nagbigay ng reseta at alam ko namang injection ang isa dun bukod sa tablets, sinabi ko sa kanya kung pwede ba sya na mismo ang mag administer ng injection pero sabi niya OPD iyon at palagay nya eh hindi na ako aabot since marami pang pasyente ang nagaantay.. ayun pinilit ko pa rin dahil gusto ko na talaga gumaling within this week, sabi nya sa ER Dept ako pumunta at kausapin yung mga staff nurse dun.. sakto naman that time bumuhos ang ulan.. asar talaga.. ang init na nga takbo pa ako papuntang ER then sabi nila kelangan ko daw ng memo mula kay Dok.. grr balik na naman ako.. gumawa na sya ng memo then balik na naman ako.. ang arte talaga ng ER bakit daw hindi ko kinuha ang pangalan ng doktor kaya balik na naman ako, sa pagbalik ko nakita ko yung kasabay ko sa pila (alam kong pareho kami ng sakit kaya tinanung ko na rin kung bakit siya bumalik rin) ayun pareho lang kaming pabalik balik kasi maarte nga ang ER na yan.. ayun pagbalik sa ER binigay na ang letter; kinausap na kami ng staff nurse, binigay ang gamot - amp! powder sya at hahaluin pa sa water solution, test niya muna kung may allergic reactions muna kami sa gamot kaya ayun nilagay niya sa skin thru syringe.. waaa ang sakit kahit kaunti lang..
After 3o mins.. this is the time.. kinakabahan talaga ako kasi yung 1g na powder eh ihahalo na sa 10mL ng water solution puno yung syringe yellowish ang kulay ng solution.. waaaa.. habang nilalagay unti unti kong naramdaman ang sakit (ganun daw talaga pag antibiotic) ang SAKIT SAKIT TALAGA.. parang binugbog ang balikat ko ng 20 tao nang walang tigil, excruciating pain talaga.. parang hindi na nga ako makahinga sa sakit at paralisado ang kanang braso ko.. lumabas kami sandali para dun na magpahanhin.. patuloy sa pagtulo ang pawis ko sa mukha (pumapatak na nga sa ground) at nanginginig ang binti ko habang nakaupo.. pinagtitinginan na nga kami ng tao dun kasi parang dinidiliryo talaga ako sa sakit.. amp! hirap galawin ng kamay, bawat angat mo eh lalong sumasakit, hindi na nga ako makapagsalita at natahimik ako for 30mins.. ayun 6pm na nang nag decide ako na umuwi na, katatapos na rin kasi ng ulan at medyo nagagalaw ko na nang kaunti ang kamay ko, hindi ko talaga makakalimutan ang experience na ito, ang sakit, ang interaction sa mga tao, mahabang pila.. lahat.. ayoko na ma-ospital talaga!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Whatever it is, i hope you get well soon.
cvj
April 28, 2007 at 9:03 PM