Naaawa talaga ako sa sarili ko ngayon kasi pati pamasahe eh wala ako, buti na lang eh cash ang natanggap kahapon sa Mini Christmas party ng Department namin ayun solve na ang ilang araw na ito. Uber tipid na naman siguro ako nito hanggang sa puntong hindi na ako kakain pa at inom na lang ng tubig. Buti na lang eh nakahiram ako sa ka office mate ko na kinausap ko dati pa, nakuha na niya kasi yugn 13th month niya sa dati nyang employer.
Kagaya ng nasabi ko eh nagkaroon ng maliit sa salo-salo yung Department namin halos hindi nga tumagal ng isang oras iyon kasi yung ibang shift eh may pending work pa sa itaas. Wala na namang thrill kasi kilala ko na iyong nabunot ko. Yung nakabunot sa akin ang problema ko. Akala ko pa naman eh si Djoanna talaga kasi magaling talaga siyang manloko. Amp! Umaasa pa naman ako na polo shirt talaga ang ibibigay sa akin. Eh iyon pala eh ibang tao nakabunot sa akin.
After nun eh may kaunting raffle pa pero mukhang malas talaga ako kahit kaunti na lang kami eh wala pa rin akong napanalunan talaga. Ayun lamon time na, Ok naman yung carbonara kahit medyo tuyo pero ok lang naman mabuti nang meron kesa wala. Tapos yung kaldereta naman eh uber sa mantika at anghang kaya hindi ko na naubos.
Parang hangin lang na dumaan ang party at ilang saglit lang eh nawala na parang bula ang mga tao, kaya kami na lang nina Mark ang natira, ayun usap-usap nang kaunti. Basta kami na lang ang nakakaalam dun. Mga alas 7 na ako nakaalis at mga 9pm naman nakarating sa amin. Sobrang pagod eh nakatulog rin ako agad after kumain at maligo.
Kakagulat talaga itong nalaman ko sa friendster, hindi ko kasi akalain na ganun iyong former office mate ko.. wala lang. Mahirap na magsalita, pero sayang talaga. Haha! Kung matagal ko lang na nalaman eh basta iyon na. Wahaha! Ang kulit!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 Reaction(s) :: Butas Bulsa
Post a Comment