Kahapon at around 9am eh nag announce ang coach namin ng nga pangalan na mag voltunteer para magbigay ng mga goods sa Gawad Kalinga nila sa may Cainta, Rizal. As usual kaming mga proby ang tinawag mga 10 kami that time kasama na ang batch 26 (27 kasi kami!).
Mga 9.45 raw eh bumaba na kami sa reception at sasakay na papunta run. Hindi naman kami nakapag 04 (lunch activity code) kaya natanong namin kung paano iyon eh baka ma over break naman kami nun, then sabi niya eh siya na daw bahala sa Supervisor namin. Pagbaba namin eh hindi pa pala iyon at marami pa kaming kasabay na agents na nauna pang sumakay at naiwan pa kami.
Sadyang hindi pinaghandaan ang activity na ito kasi bakit magdadala ng sasakyan eh inuna pa ang mga tao kaysa sa mga bigas etc, sana dinala na lang iyon para matapos na agad at maihatid na. Buti kung malaki eh kaso ang liit at mga 3 sako lang ng bigay ang nadala, ilang balikan kaya iyon. Kaya ayun naiwan kami at nag-antay lang. Tiyempo namang dumating yung Bisor namin ar around noon at nagtaka siya kung bakit andun pa kami. Ayun sinabi namin na nagaantay kami at on the way na raw ang sasakyan.
After a couple of minutes eh pinatawag ulit kami at pinaakyat na para kausapin. Ayun nasabon nang kaunti kasi hindi nakapag 04 at malamang eh magiging dispute na naman siya at hindi mo na naman alam kung kailan na naman siya mabibigay or kung mabibigay pa nga ba. Ayun tinuro namin si Coach kasi siya raw ang bahala. Depensa naman eh hindi naman raw niya alam na andito pa raw kami (samantalang 11.30am eh umakyat pa kami at nakita niya kami at nagtanong pa nga kung bakit andito pa). Ayun imbes na akuin ang responsibility eh kami pa ang nasisi. Marami talaga ang medyo nag init ang ulo pero cool pa rin kasi professional kami at walang personalan.
Pagkatapos nang mahabang usapan eh bumaba na kami at sumakay na papuntang GK village, ayun pagdating naman run eh hindi na naman maayos kasi wala run ang organizer at ang unang batch eh nag repack na lang ng canned goods, bigas etc. Kami naman eh iyon rin ang ginawa hanggang sa nakakuha kami ng balita na bukas na lang raw itutuloy iyon. Wala lang parang nasayang lang ang oras namin dun at hindi man lang namin nakita ang village namin kasi nasa dulo pa iyon at sa DFA ang sa harapan. Maski paguwi eh naabutan pa ng rush hour (bukod pa sa gutom na wala man lang pakain eh sa amin pa ang gastos pabalik) kaya alam mo na nadaan na lang namin sa tawanan at biruan para makalimutan ang problema.
Sensya guys kung magulo mahirap magbigay ng info kasi mamaya eh makasuhan pa ako pag nabasa ito. Basta next time eh hindi na kami mag volunteer kung ganyan lang naman ang ginagawa nila sa amin. What a waste of time ika nga.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 Reaction(s) :: Gawad Perwisyo
Post a Comment