Kahapon eh ginanap ang 3rd Annual get together ng block section nung college. Balak ko sana hindi pumunta pero wala naman akong gagawin sa bahay kaya napagpasyahan ko nang sumama na lang. Maski si Dhez eh hindi rin sure pero nadaan ko rin sa pilitan.
Mga 10am kami magkikita at 11am raw usapan, unti-unti naman silang dumating. Alam mo na Pinoy Time up to 1pm eh andun pa kami. Yung iba KJ talaga like Lester, Aryeh at Tatay Jeyps. Minsan lang nga ito mangyari hindi pa sila pupunta, 30 mins after kami nakaalis. Nakakasa na ang lahat at nilagay na sa car ni Bro Arnold.
Muntik pa kaming maligaw kasi itong si Arnold hindi naman pala kabisado ang Bagong Silang sa Caloocan kaya nagtanong-tanong pa kami. Hindi naman kasi malinaw na sinabi ni Angelo kung saan mismo kasi bukod sa Lot at Block eh may Package at Phase pa ang haus nila Charlene. Pagdating run eh sabay sabay nang hinanda ang mga kakainin pati na rin ang inumin sa mesa.
May Crispy Pata, Spaghetti, Tacos, Lumpia at mga fruits kasama na ang San Mig lights pero hindi ako umiinom talaga kaya nag Sarsi at RC na lang ako. May videoke na nirentahan kaya buong maghapon eh kainan at kantahan lang ang nangyari kasama na ang picture syempre pang Friendster at exchange gift. Mga past 8pm na kami umalis kina Charlene. Sa kabuuan eh naging Ok naman at maayos na nadaos ang event. Nakausap pa namin si Cha-cha mula Dubai at namigay pa siya ng choco na pinaghatian. Naging masaya naman ako at nakita ko ulit sila.
Angelo - still a gentle giant at uber sa bait, sana magtago kayo
Dhez - makulit pa rin, walang nagbago; buti at nakasama sa reunion
Raniel - kumag pa rin, pero sobrang yaman na talaga niya
Mark - yung kamanyakan at pagka-green eh nabawasan na
Joseph - pareho pa rin kami ng ugali kaya tahimik na lang ako
Nerissa - wala naman - sobrang seryoso ngayon
Tere - aba girl na talaga siya ngayon at hindi na tomboy
Charlene - ganun pa rin ugali since college
Joselle - good girl na siya ngayon kasi may asawa na
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
maligayang pasko pare!
Ronnie
December 24, 2007 at 11:23 PMsa iyo rin happy Pasko!
Jinjiruks
December 25, 2007 at 11:17 AMei sobrang serious ba ako??? sobrang pagod lang siguro tsaka so many responsibilities di ko alam kung ano uunahin. sorry and pasensiya na!!!
nerizaizai
December 26, 2007 at 1:36 PMpareho lang tayo na maraming iniisip kaya siguro.
Jinjiruks
December 31, 2007 at 11:47 AM