I dunno bakit ngayon hindi ko maramdaman ang Pasko talaga, kagaya ng sabi ko dati parang maykakaiba sa panahon ngayon kaysa mga nagdaang mga taon. Parang malapit nang magunaw ang mundo talaga.
Ewan ko sa sarili ko uber lungkot ako ngayon, siguro dahil kahit may mga friends and family ka pa, there is still something missing that makes you incomplete. I dunno anu iyon. Eto na naman tayo nagpapaka-senti mode na naman, medyo napapadalas ata ito.
Everytime na lang siguro while riding a jeepney and when i stare outside, parang bumabalik ako sa memory lane yung mga happy moments when i was young and a student back then. Parang ang sarap mabuhay at wala kang iniisip na problema whatsoever. When i try to look at the Friendster pics of my friends, naiingit ako sa kanila kasi sobrang saya nila na parang kuntento na sila sa buhay nila at walang iniisip na problema.
Siguro i need to unwind more, pero saan naman, kailan at paano. Hindi ko na kilala minsan sarili baka may multiple personalities na ako nito. Hindi ko makita sa salamin ang dating ako, yung ako na nakangiti palagi, yung kinakaya lahat ng problema, yung kahit mahirap lang eh kuntento naman sa buhay. Hindi naman ako materialistic talaga at minsan eh pagkain lang talaga ang libangan ko. Anu bang kailangan kong gawin para maging masaya at kumpleto. Mag Centrum kaya ako.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
ngayon lang ulit ako nakadalaw. merry christmas! ! ! :)
arjay
December 25, 2007 at 3:02 PMnerizaizai
December 26, 2007 at 1:40 PMhindi lang ikaw ang nakakaramdam niyan same with me. hindi ko na nga makita sa salamin yung ako na palaging nakangiti at binansagan pa akong miss smile nung college. haaaaayyyyyyyyy ganyan talaga ang buhay. kaya wag kang magpakasenti just think positive na lang ang go with the flow.
nerizaizai
December 26, 2007 at 1:41 PMarjay
merry xmas arjay
neri
honga neri eh stay positive lang
Jinjiruks
December 27, 2007 at 4:26 PM