Malapit na naman ang bagong taon at siyempre nauuso na naman ang resolution na hindi naman natutupad. Kahit hindi matupad itong mga sana ko eh gagawin ko pa rin ang makakaya ko para ma-achieved ko mga ito.
Humaba na at kumapal ang buhok ko sa ulo - Kawawa naman ako siguro dahil sa lahi namin ang ganitong manipis ang hair kaya wala na talaga akong magagawa kahit maka ilang shampoo pa ako dyan.
Mas mahabang pasensya - Pasensya na talaga at may mga oras talaga na hindi na ako makapag timpi at tao ring nauubos ang pasensya lalo na sa mga taong makukulit magtanong nang paulit-ulit na bagay at mga bata na maiingay.
Makapagbigay pa ng malaking pera sa bahay - Para hindi talaga makapos araw-araw na lang pag-uwi ko ng haus hindi nawawala ang reklamo sa bahay - tubig, kuryente, tindahan.. parang walang katapusan talaga.
Makahanap ng high paying jobs para maging stable financially - Domino effect lang iyan, pag stable ka everything follows, sana nga eh matanggap ako sa company na malalabas ko ang potential ko at in return eh palitan rin ng high salary at good benefits. Ayoko na magsalita dito sa current company ko baka lalo pang dumagdag ang kasalanan ko sa mga bweset na iyan.
Mabawasan ang timbang at pumayat - Hay buhay.. puro flabs na lang nakikita ko sa tiyan ko pag naliligo ako at pinagmamasdan ang sarili ko. Kainggit ang mga model dyan at mga naglalaro ng basketball sa labas namin, ganda ng katawan at may 6-packs pa. Kelan kaya magiging ganyan ang katawan ko. Amp. Kelangan ng karagdagan at masusing disiplina sa sarili sa pagkain at exercise next year para kahit paunti-unti eh maging ganun ang katawan ko. Mahirap pero try kong kayanin talaga. Amen!
Mahanap at makilala ang right person for me - Ewan ko bakit ang malas ko talaga pag sa pag-ibig talaga, ibig sabihin ba eh yayaman na ako nito ika nga ni Kris Aquino.. Hmm.. Lagi na lang kasi taken for granted ako kaya ganitong kawawa talaga ako sa huli, Ok sa simula sweet tapos after na may mangyari at medyo nagkasawaan eh wala na rin. Try ko rin naman na walang sex at puro PDA lang kami pero wala rin nagkasawaan rin. Anu ba talaga ang dapat kong gawin kelangan ko ba balanse pero paano.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Try mong gumamit ng mga proxy server, para ma access mo yung blogger.
Example:
http://hidemyass.com/
Baka sakaling hindi siya naka block sa office niyo or something. :)
Euri
January 5, 2008 at 4:25 PMhehe, auko ng ganyang risk!
Jinjiruks
October 29, 2011 at 7:41 PM