Pasensya na hindi talaga ako magaling na blogger, maski ang paraan ng pagsusulat ko eh ang gulo-gulo talaga, hindi organized ang mga info. at patalon-talon. Ako kasi eh kung anu ang maisip ko at that moment eh yung ang isunusulat ko sa aking blog.
Akala ko talaga eh hindi na talaga kami magpapansinan ni Tsong at ng mga kasama nya sa office, wala lang ayoko lang talaga ng may nagagalit or nagtatampo sa akin. Iniisip ko rin ang philosophy ni Ate Nat na huwag makipag kaibigan dahil magkakaroon lang ng bonding at ako rin ang masasaktan pag nagkahiwalay or pag nagkagalit man. Pero buti na lang at hindi na umabot pa sa punto na iyon. Si Tsong na mismo ang kumausap sa akin, common problem - walang kamatayang "dispute" mula sa Payroll namin. Hindi na ata mawawala ang bweset na yan.
Mamaya eh maglalakad na naman akong mag-isa, lagi naman ganun ang situation. Naglalakad habang nakatingin sa mga mag syota, sa pamilya nagkakasayahan. Natutuwa naman ako sa kanila pero may kaunting inggit siguro kasi alam mo na. Buti pa sila may kasama ako mag-isa lang na naglalakad. Nakatingin sa malayo at minsa sa bituin o buwan. Minsan eh uupo muna ako sa tabi ng ilog tapos titingin sa malayo lalo na sa ilog, sa mga sasakyang dumaraan sa tulay.
Nag senti mode siguro, ito yung pinaka peborit ko sigurong parte ng buhay, laging nagiisip ng mga ganung bagay, pati nga pag namatay o may sakit at na-ospital ako eh anu kaya ang mangyayari, sino sino ang dadalaw sa akin. Wala lang naisip lang, kasi hindi ko pa nararanasan at ewan ko kung gusto kong mangyari ba mga iyon. Basta ewan, parang wala akong pakiramdam talaga ngayon lalo na sa mga pakiramdam ng mga taong nakapaligid sa akin.
Pati na rin sa jeep, naikwento ko na naman ito sa mga previous post ko mga ilang araw lang. Anu pa kaya ang maiisip ko habang nakasakay sa jeep pauwi, bakit kaya ganito ako ka senti at nostalgic pa. Gusto ko ma isolate sa mundong ito at mag-isip ng malalim - kung anung plano ko sa buhay, saan ba ako patungo, sino mga makakasama ko sa aking paglalakbay. Mga ganung bagay, naiinis lang ako sa sarili ko bakit hindi ko ma express ng buo rito sa blog ang aking mga nasasaloob. Siguro isang malaking duwag lang ako para harapin ang consequences na maaring mangyari pag ginagawa ko na iyon. May lakas ba akong magsabi sa lahat. Wala pa siguro sa ngayon. Bahala na!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
gawain ko din yan, yung maiinggit sa mga magsyota, tumingan sa malayo, sa langit sa mga bituin...
hayaan mo, sasamahan kita minsan para tayong dalawa ang sabay magbubuntung hininga...
Happy new year!
MINK
December 30, 2007 at 5:44 PMhehe. ganun ba. senti mode ba. mink nde pa kasi kita nakikita may frienster kaba.
Jinjiruks
December 31, 2007 at 11:45 AMmeron po jin... eto ang email ko, isearch mo na lang...
mikmik_sale@yahoo.com
MINK
December 31, 2007 at 3:38 PMah ok salamat po.
Jinjiruks
January 1, 2008 at 11:42 AM