Clear

Kanina kakatapos ko lang ipasa ang mga requirements sa JP Morgan,at fresh pa iyon mula sa mausok at maalikabok na BIR-Pasig branch malapit sa Pasig City Hall. Kakapagod kasi akala ko malapit lang siya kung mula Ligaya sa may Marcos Highway iyon pala eh mas malayo pa talaga siya at halos isang oras din bago ako makarating sa office nila. Pagdating sa lugar eh pinasa ko agad ang Form 1905 para tatakan nila at nang makauwi na. Mag aaply sana ako ng TIN Card kaso tuwing Monday and Tuesday ng umaga lang sila pwede. Kaya malamang eh babalik na lang ako next week tutal eh rest day ko naman pag Monday.

Pagpunta sa JP Morgan eh napasa ko na nga lahat ng requirements at finally sa loob ng ilang araw. Clear na status ko at antay na lang next month sa paglipat ko sa Makati. Up to now eh hindi pa ako nakakahanap ng apartment na malilipatan kaya browse rin sa Net minsan so far wala pa rin akong mahanap at sky rocket ang mga price talaga. Kainis nga eh, sana nga eh may kakilala na lang ako dun para madali na ang lahat. Kanina lang din eh nag text mga ka officemate ko na bagong sked na naman amp! Isa pa yan sa mga ayaw ko rito eh 2 weeks rotation ng shift.. Nakakasira ng biorhytm tlaga, kung san sanay na nga ang katawan mo sa oras na iyon saka naman ang paglipat ulit.

Kahapon eh nakapagpaalam na naman ako kay Mam Tess (bisor namin), ayun so far naging smooth naman ang usapan at medyo biruan pa at kaunting chit-chat lang sa new work. Then nabigay na ang quarteryly performance namin, as expected sa mga baguhan nasa 75+ ang grade at that time eh hindi pa naman namin na-reach ang daily quota and accuracy kaya Ok lang. Pero marami na naman an humahataw sa batch namin at makikita naman sa Rookie of the Week na mga 8 persons na ang naka-quota at pwede nang isabak sa ibang giyera. Haha! Pero kahit papano eh mami-miss ko ang ICT kahit puro disputes eh maluwag naman sila at hindi gaano strict sa pagpasok, paggamit ng mga facilities sa office etc. Pero kelangan na talaga mag move on sa mas malaking opportunity. Sana nga tuloy-tuloy na ito, gagawin ko aking makakaya! Aja!

4 Reaction(s) :: Clear

  1. good luck. sana makahanap ka na kaagad ng matirahan

  2. ooooh. nag-change job ka na pala. sensya na at ngayon lang ulit ako nakadalaw dito. gud lak n lang sa bagong career. hehe.

  3. salamat sa inyong mga komento.

  4. anong meron sa jp morgan?