Super busy last week kaya medyo hindi ako nakapag update masyado sa aking blog. Lalo na't inaasikaso ko ang mga pre-employment requirements ng JPMorgan na kelangan nang ipasa within next week. Nasa transition period ika nga kaya pre-occupied masyado.
Last Tuesday nag-text sa akin ang JPMC about the schedule of the exam and the interview, so kelangan magpaalam muna sa office for that (white lies, nag-guilty na nga ako) then nakapasa naman ako pati na sa initial then umuwi na. Next day eh nakatanggap ulit ako ng SMS para sa sched ng final interview ko, iniisip ko, naku paano na ito.. eh anu na naman kaya ang sasabihin ko nito; restday ko na nga nung Monday pang 2nd absent ko pa ito, ayun salamat at nakapasa naman ako sa madugong panel interview kung saan eh conversational English dapat, grabe kalawang na talaga ako at buti na lang eh kahit papano tama naman ang mga sagot ko sa mga questions nila. Nagbigay ng job offer after at mga requirments na kelangang ipasa this or next week.
Then at Thursday pagpasok sa ICT eh, waa.. tsismis nga naman ang bilis na parang kidlat, tinatanong ako kung kano ang offer at kelan raw ako start (may mga kasabayan kasi ako na up to now eh wala pang tawag sa kanila for final interview, I dunno anu na ang status nila - sana eh matawagan nga sila). Hindi na muna ako nagsalita at banggit ko lang yung common na base offer ng JPMC (mabuti na iyon para walang masabi sila na kung anu). Siyempre nagusisa ang aking team leader kung asan na ang Medical Cert. ko and ang sabi ko eh gawin na lang "Unplanned Leave" iyon since self-medication lang naman iyon at mahal magpagawa ng cert., pero alam ko may hunch na ang mga iyon pero hindi pa confirmed.
Last Friday naman eh kelangan ko na ipasa ang three urgent requirements nila, Ok na ako sa dalawa at ang NBI na lang ang kulang (expire na kasi iyong current ko), mabuti naman at nagtanong ako sa ka office mate ko at sa mga tao na rin na kung saan may malapit na satellite office ang NBI, buti naman at meron malapit sa may Riverbanks kaya nung breaktime ko eh nagmamadali talaga ako na pumunta dala ang mga kelangan para ma process iyon, salamat naman at mabilis ang transaction at bago mag time eh nakabalik na ako sa office.
Kahapon super umay talaga kasi maagang naaubos ang live batch at nag training batch na lang kami, kakagulat kasi may bagong post sa bulletin boards na 10,000 na raw ang required sa KS/KV at 99% accu, iniisip ko na kawawa naman ang ibang hindi pa nakakahabol kasi hirap na nga makaabot ng 9,000 eh iyon pa kaya na 10k na masyado na atang mataas, ayoko manisi ng iba pero alam mo na, dapat yung iba naming kasama eh nag stay na lang sa 9k level para hindi isipin ng superiors na kaya naman pala nila kaya tinaasan. Wala naman tayo magagawa at andyan na iyan.
Pag-uwi sa haus eh ayun nag fill up ako ulit ng additional pre-employment requirements, ang dami grabe buti na lang at may guide ako sa sinusundan, problema ko that time yung BIR Form 2316 yung sa tax refund na binibigay, ang alam ko kasi nawala ko iyon at hindi naitabi kaya kahit sino na lang ang na-text ko para makuha lang ang current number at address ng former employer ko kung saan may spare record ako, ayun kaninang umaga sa pagka-kalkal sa baul eh nakita ko rin, napa Thank you talaga ako, yung pag update na lang ng Form 1905/2305 ang aasikasuhin ko at medical then at Friday next week papasa ko na ang lahat na kelangan nila.
Sa loob ng ilang araw eh parang nawalan ako ng social life talaga, maski yung usual na Internet babad ko sa pantry area pagkatapos ng work hindi ko na nagawa, maski ang pamimili sa tindahan, panonood ng TV hindi ko na nagawa kasi, pagkauwi sa bahay at kain eh tulog ako para maagang magising ulit sa work. Next week magpapasa na ako ng resignation letter at sana eh maging smooth naman ang transfer of duties and responsibilities sa office. Pagbubutihan ko talaga at gagawin ang aking makakaya para maging productive at maging best sa new work ko. Amen!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
good luck po sa new job!!!!
Anonymous
January 15, 2008 at 11:40 AM