Musta na.. Hindi na talaga ako nakakapag Net ngayon linggo dahil andami na ring mga trainee ang nasa pantry at nag Internet na rin, medyo naaasar lang ako sa kanila kasi dati hindi naman kami ganun nung trainee palang kami at nahihiya pa nga kami lumapit man lang sa unit, ngayon talagang kapal-muks talaga mga *%$ na yan. Hehe! Siguro hindi lang ako sanay talaga at iba na ang panahon noon at ngayon kung saan eh kaunti pa lang nag Net talaga.
Ilang araw na lang eh, aalis na ako sa ICT at lilipat na sa JP Morgan sa Makati; up to now eh naghahanap pa rin ako ng apartment/bedspace along that area. Mahirap talaga pag thru Net at text lang, hindi naman ako makapunta sa area mismo kasi tapyas na agad ang extra money ko para maghanap, ito namang classmate ko na naghahanap rin tamad masyado at ako lang pinapahanap nya. May nagsabi Ok raw sa mga condo na room for rent na bedspace na rin sa loob, ayun up to now inquiry pa rin ang ginagawa ko, sana nga eh makahanap na ako para next month makalipat na ako.
Napansin nyo na medyo bago ang layout ng template ko, pasensya na at medyo magulo pa talaga siya kasi kinalawang na ako dyan sa HTML/xHTML codes kaya hindi pa naayos yung sidebar niya at yung text eh medyo malaki, saka ko na lang aayusin next time. Ang mahalaga eh bagong look na sya na sumasabay sa pagbabago ng buhay ko ngayon.
Kahit medyo maaga pa eh nagpapasalamat na ako sa mga ka-batch ko and my coaches para sa oras, tiyaga at pagiintindi na binigay nila sa akin sa loob ng almost kalahating taon na pamamalagi ko run, kahit medyo hindi maganda ang paraan ng pagsahod dun na puro disputes na lang kada buwan, nagkaroon ng bagong meaning ang buhay ko run at nakatagpo ng iba't ibang tao na nagpaunlad sa aking pagkatao, bagong kaibigan, karanasan at pag-asa.
Salamat kay Mark (sa pagiging joker sa batch, sa mga kwento niya sa buhay, kabiruan lagi), Reeks (sabi nga niya eh parang nakikita niya sarili niya sa akin when it comes to gaming, yung eagerness at passion sa games, yung kwentong "Black Hole" na anything goes na kahit saan napupunta ang kwentuhan), Robert (pagiging maginoo, mahinahon at mga advice regarding sa buhay abroad), Luz (kahit nauna ka pa nag resign hanga ako sa iyo dahil strong willed kang babae at hindi nagpapatalo sa hamon ng buhay sa tulong ng dasal), Jaja (pagiging matured, pala-asar at diretso kung makipag-usap), Tan (kahit ayaw mo gamiting ang mahaba mong pangalan ikaw pa rin ang nag-iisang Aiza ng ICT, sa mga biro nya, kalokohan, laging naka-ngiti, iyan ang gusto ko sa iyo sweet, Bugi (sa advise, kwento at pagiging kuntento sa simpleng pamumuhay lang), Cherry (asar-talo pag nag back-fire pang-aasar niya), Garry (hindi na kailangan kasi kasama naman kita sa paglipat, sa pagkwento niya sa buhay niya at sa mundo ng musika), Jeth (pagiging koboy lagi at game sa lahat, bagay talaga kayo ni Reeks haha!),
Sina Tina/Mylene/Joy/Noemi (ang quartet sa gimikan at sila lang nagkakaintindihan talaga, salamat sa pagiging kaibigan), Marife (si Ate Fe sa mga advice at pagkwento na rin ng buhay nya at kung paano nakaka-cope sa mga everyday problems), Jonatan/Leilani/Ate Nat (mga kaibigan ko sa naunang batch, sa pagkakabigan, sa mga oras ng tawanan at lungkot, sa mga advice na rin) at sa mga Vets/Coaches/Team Leaders and Mam Tess (salamat sa pagtuturo, pagtitiyaga, pag-intindi sa kakulitan ng batch namin at sa experience na rin maka-trabaho kayo hayaan nyo at ibabaon ko ito na parang kayamanan ang mga alaala sa aking puso't isipian)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 Reaction(s) :: Bagong Liwanag
Post a Comment