Mula kagabi eh mukhang sira ang system ng Smart, hindi man lang ako makapag pasa, all-text man lang. Pero swerte yung may natirang load that time kagaya ng kapatid ko kasi text-to-sawa na naman ang kumag. Kaya ayun kahit sino eh nag-tetext ako maski sa ibang bansa. Minsan lang ito kaya naman dapat sulitin talaga. Buti nakapag text ako sa friend kong nasa Al-Khobar, Saudi Arabia, pag may time at free sya eh kelangan naming magusap tungkol nga sa work nya run, medyo nauna lang siya sa akin nang kaunti at hindi ako nakahabol last year sa kanya sa pagpunta dun. Nag text siya kasi last month na baka this or next month pumunta ang employer ng Nesma dito sa Pinas at kukuha na naman ng job order.
Iyon na nga pinagiisipan ko, lagi na lang sumasabay ang mga jobs na dumarating, sa ngayon yung JP Morgan tapos baka magtawag na naman yung agency sa akin, hindi ko nga alam anu ang uunahin, kapag sa Nesma kasi free lahat at makakapagipon ka pa, sabi nga niya hataw raw sa overtime kaya malaki na siguro naipon ng mokong kahit ilang buwan pa lang siya dun. Pero itong JP Morgan rin napagisip-isip ko na sayang rin kasi iba ang pag build up nila sa mga employees nila at kahit papano eh Ok naman ang sweldo at kapag nagtagal ka run eh mas malaking compensation ang makukuha mo at sasamantalahin ko muna yung instant medical assistance nila once nakapag start na ng work. Kaya ayun inisiip ko muna na yung kapatid ko na lang ang mag-apply dun since wala pa naman siyang work ngayon.
Kaninang umaga naman eh super busy ang araw namin na parang family day talaga kasi lahat eh may work, may naglilinis, nagluluto, nagaayos ng sirang tubo sa banyo, nagbabantay sa tindahan,, in the end sabay rin kami kumain ng tanghalian which is very rare na mangyari kasi either may nauuna sa amin or late nang kumain. Masarap talaga pag kasalo ang pamilya. Waaa.. Mushy na naman amp! tama na nga yan.
Ilang araw na lang eh aalis na ako sa ICT wala lang nakaka-miss naman yung pag Internet ko sa pantry area kapag tapos na ang shift, pati na sina Mayora kung saan eh babad rin sa Internet at walang pakialam talaga sa ibang tao kung magaantay ba sila o hindi, yung unlimited na tawagan dyan sa pantry area rin. Libreng tubig at hindi kape, ang sobrang mahal na pagkain sa may vending machine, ang mga CCTV na kahit saan eh meron, yung mga coaches na iba't iba ang personality at mood swings, nakakatawa lang talaga sila na kung saan matanda na eh saka pa nagiisip-bata ngayon. Yung mga guard na mahigpit talaga sa paglalagay ng ID pagpasok mo sa work. Yung Riverbanks mismo kung saan dumadaan ako tuwing umuuwi ako, titigil run panandalian, senti mode, uupo sa may upuan na nakaharap sa puting kalabaw sa tapat ng ginagawang SM Marikina kung saan eh hindi pa tapos hanggang sa ngayon.
Miss ko na yung by ko pero ayoko na talaga siya isipin siya ngayon at parte na lang siya ng nakaraan pero andyan pa rin siya patuloy na nag tetext sa akin, laging may pahiwatig ewan ko ba sa kanya, anu ba talaga ang gusto nya, past is past na nga at wag na balikan pa ang nakaraan, hindi lang ako makapag move dahil sa mga ginagawa niyang pagtetext sa akin. Up to now still looking for an apartment/room/bedspace around Makati city, nakausap ko si Aryeh at sio Tito Al Ok sa kanila pag around 3k ang rate at 2 maghahati. Ayun sa may Cityland sa Dela Rosa ang inisiip ko, sana nga eh may bakante pang mga room para sa March eh makapalipat na ako at makatipid talaga sa pamasahe. Natatawa na lang ako kay Joseph sa laki ng gastos nya sa Makati paano ba naman kasi yung mga luho niya idagdag pa almost 5k raw ang nagagastos niya run.. waaa! anu ba yan, mukhang nde na ata siya makakaipon.
Sige hanggang sa muli, sana eh maayos ko na ang aking blog nang paunti-unti.. Ok sana ang theme kaso gusto ko mas gloomy or senti pa rito, wala lang yung sailing boat, inspired sa mga adventures na gusto ko maranasan na parang ala Indiana Jones talaga, sana nga bago man lang ako mamatay eh matupad ko ang aking mga pangarap nung bata pa ako, wala pa kasing natutupad kasi sobrang taas kasi, basta sa akin na lang iyon.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
i like this new layout, calming kase. badtrip talaga yung smart nung isang gabi, halos mapudpud mga paa ko sa kakahanap ng pwedeng magload. hay. it's one of those days. at least di kagaya sa globe, hehe. :)
arjay
February 11, 2008 at 11:03 AMhonga eh pero nde pa final yugn layout na ito marami pa kasi na pede pagpilian eh pero medyo ok na rin itong ship wala lang parang medieval ung sense na parang makaluma. basta iyon na iyon. abuso naman ako sa smart nung oras na iyon at nagtetext ako sa ibang bansa.
Jinjiruks
February 11, 2008 at 3:40 PMpaano po ipasa ang alltext?
Anonymous
February 12, 2009 at 7:02 PM