Supposedly eh last day ko ngayon sa work pero medyo nakakatamad na rin kasi pumasok at isa pa eh wala na talaga ako pera kaya antay ko na lang talaga yung ATM na magkalaman ngayon at syempre san pa ba mapupunta ang sahod ko kundi dun sa gastos sa bahay at kailangan na rin kasi bayaran yung real property tax namin at mapping ng lugar namin para maayos na ng father ko yung Pag-ibig housing loan namin baka kasi next month eh magbigay na ng closure order pag wala pa kaming ginagawa.
Hayz ang hirap talaga ng buhay, kagaya ng classmate kong si Beth, na lahat halos ng sweldo eh napupunta na sa gastos sa bahay at wala man lang tira para sa sarili mo, may gusto kang bilhin o kainin hindi mo pwedeng magawa dahil yung pera na iyon eh pang-gastos sa bahay.
Isa pang iniisip ko eh yung pag-work abroad, kagabi eh nag-text sa akin si Miko (officemate ko sa Intel), ayun sa Mar.8 na ang alis niya s Dubai, last day na ng final interview ngayon ng employer sa may agency sa Malate, buti pa siya kamo at makakaalis na at makakapag-ipon na talaga, ako kasi nagdadalawang-isip pa rin, 1] gusto ko makapag-ipon ng pera kaya gusto ko mag-abroad, kasi dun libre lahat at talaga yung sweldo mo eh walang bawas hindi kagaya dito sa Pinas na lahat na lang may bawas hanggang mamatay ka na lang may babayaran ka pa rin; samantalang 2] gusto ko naman mag create ng career at stable job dito sa Pinas para hindi na ako palipat-lipat pa ng company, I wanna try JP Morgan first kung magkakaroon ba ng direction ang career ko rito. Pag walang nangyari eh di syempre back to option 1 ako.
Isa pa itong problema eh yung kapatid ko na ilang buwan o taon nang walang job, masyado kasing mahiyain at laging kailangan pa ng kasama kapag mag-aaply sa ibang company, kaya ako na mismo ang nag-aaply sa kanya through Internet at mag-tetext na lang sa kanya yung employer kung pasado siya initially sa mga requirements nila. Gusto ko rin na siya na lang ang pumalit sa slot ko sa pag-aabroad dahil nga gusto ko muna try itong new company ko, habang siya naman eh andun at kumikita na, para kahit papano eh guminhawa naman ang buhay namin, ilang taon na rin na ganun pa rin ang takbo ng buhay namin, parang tubig sa kanal dyan sa labas - '"stagnant", gusto ko naman ng pagbabago kahit papano at umikot ang gulong ng kapalaran sa amin.
Iyon na lang muna sa ngayon, guys pasensya na at hindi ako nakapasok sa last day ko sa work dyan sa ICT, magkikita pa naman tayo eh, sana nga swertehin tayo sa buhay natin ngayong taon kagaya ng ibang mga kasama ko. Tatahakin ang mga landas na hindi pa napupuntahan, susubukan ang tapang at lakas ng loob. Hehe! Korni ba! Wala lang ganun talaga ang buhay minsan. Hanggang sa muli!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
hay naku
hirap tlaga ng buhay
Turismoboi
February 15, 2008 at 6:03 PMHi Jeff,
Natawa naman ako sa sinabe mo. Hayy nakuuh sobrang wala akong ginagawa s current support ko now kung ndi mag open at makibasa ng account ng may account. Anyways, ok lang yun atleast nakakatulong ka namn khit papaano. Isipin mo na lang maraming taong walang trabaho now. And besides, pag ndi ka na single mahirap na din namang tumulong sa pamilya syempre me iba ka ng prioretized. Kaya ngaun ang priority ko talaga is parents ko. At pag me family na ako, syempre family ko naman....Don't worry I believe that God has the best plans para sa mga mabubuting taong kagaya natin..hehehe. God bless (Beth)
Anonymous
February 16, 2008 at 4:12 AM@turismo
hehe ganun talaga ang buhay maraming twist
@beth
salamat sa oras at pagtiyaga sa pagbasa sa aking blog. sana nga may magandang plano ang nasa Taas para sa atin.
Jinjiruks
February 16, 2008 at 12:09 PM