Mainit

Kahapon sobrang busy talaga ako sa pag-alis dito at doon, wala lang parang nagkasabay-sabay kasi ang mga lakad ko kahapon at hindi na nga ako nakapag pahinga man lang, after kasi mag-net eh mga tanghali na iyon eh kikitain ko si Kuya June at samahan niya ako sa officemate ko sa may Sports Center habang siya naman eh naghahanap ng swimming gears para sa anak niya mga 3pm pa naman ang usapan namin ng kasama ko pero nakarating ako run mga 2.30pm kaya na-text ko na siya na magkita na lang kami sa McDo sa tapat lang then ilang minutes lang eh andun na siya.

Then usap muna at bili na kami ni Kuya June then at around 4.30pm eh umuwi na ako dahil nga makikipag-kita naman ako sa isa ko pang friend sa may MegaMall yun na nga medyo hindi na ata ako aabot kasi nanood pa ako ng Naruto (ang sama ko talaga!), 6.30pm ang usapan pero what time na ako naalis sa haus mga 6pm at sumabay pa ang trapik; ang malas ko nga naman that time talaga oh, nakakahiya tuloy kina Mark kasi may kasama pala siya at na-delay ang lakad nila dahil sa akin kaya naman eh todo ang sorry ko sa kanya, buti na lang at mabait siya at mga kasama niya, wala lang kaunting kwento lang sa mga nangyari sa ibang kasama namin, plan nga eh kung nalalayuan sila sa meeting place sa Mega eh sa may Southmall na lang tutal halos lahat naman sila eh sa Cavite nakatira medyo dehado sa akin pero Ok lang sana nga this March eh matuloy na.

Pati na rin nga sa real property tax sa bahay namin eh nabayaran na ni Mama at nakuha na rin niya ang Voter's ID namin dyan sa munisipyo buti na lang kamo at naibigay pa kasi hindi na kami umaasa pa dahil sa tagal ng pag process nun, isa pa yan sa mga nagpaabala sa kanila sa pagkuha ng pera sa Western Union, amp tlaga.. kulang na lang eh yung mapping ng haus mula sa isang surveyor at makakapag re-structure nas kami ng loan sa Pag-ibig ulit.

Kanina eh medyo nag-init lang ng kaunti ang ulo ko sa mga text messages nila Luz at Jeth sa akin regarding sa process ng clearance, para kamong bumalik ako sa kolehiyo ulit sa dami ng department na pipirma para lang sa clearance, at kailangan pang sunod sunod siya at may araw kung kelan lang sila pipirma and one more thing eh may "bayad" pa kamo ang locker na kung saan eh halos hindi ko naman nagamit talaga, kapal talaga ng mukha ng mga yan; naaawa lang tuloy ako kay Luz (isa sa mga unang nag resign sa batch namin), kasi pabalik-balik siya at kung minsan eh wala namang pipirma kahit pa kamo andyan na sila at umaabot pa siya ng 1am ng madaling araw para pirma.

0 Reaction(s) :: Mainit