Adaptive
Adaptive behavior is a type of behavior that is used to adapt to another type of behavior or situation. This is often characterized by a kind of behavior that allows an individual to substitute an nonconstructive or disruptive behavior to something more constructive. These behaviors are most often social or personal behaviors. For example a constant repetitive action could be re-focused on something that creates or builds something. In other words the behavior can be adapted to something else.
Three weeks na ang training namin dito sa Chase and kahit papano eh nakakapag-adapt na ako sa working environment, ang buhay Makati, ang MRT, ang alay lakad papuntang Landmark to MRT pauwi. Pero in a good way naman at talagang nag-eenjoy ako dito sa workplace bukod pa sa libreng kape at iced tea eh yung iba pa naming kasama sa ibang account eh kukulit rin, may mga trivia game pa sila at lagi kaming nakikisali sa kanila.
Puro tawanan na nga lang halos at maski yung Manager namin at mga Sups eh Ok lang sa kanila at nakikisali na rin, sa ngayon eh ang mga issues pa lang eh as usual yung "latency" issues kung saan eh ang tagal buksan ng isang application na kailangan naming gamitin kasi siya ang basis sa iba pang programs na ginagamit namin, sana nga eh maayos na ang issue na iyon para malaman talaga namin kung ilan ang required quota sa work namin. Sa meeting kasi ng mga Sups/Managers about sa account namin eh around 60+/hr raw na docs pero marami at halos pa nga ang nagsasabi na imposible iyon (yung ibang account nga eh 30+/hr lang ang sa kanila sa ngayon at isang system lang gamit nila compared sa amin na multi-system talaga). Sana nga eh bago mag live kami next 2 weeks eh maayos na ang system at quota at yung hinihingi kong job aids para lalong bumilis ang production.
Next week eh pa-clearance siguro ako sa ICT kasama yung iba ko pang officemate na dun rin galing, makikibalita siguro kung anu na nangyari sa kanila, sino ang mga nasipa sa bahay ni lola at mga pinalad na maging regular. Sana nga eh 1-day process lang ito para hindi na kami pabalik-balik pa. Ayoko na magsalita pa sa sistema nila pero dapat baguhin na iyang pamamalakad na ginagawa nila, hindi na healthy sa relationship ng mga empleyado nila. Laking pasalamat ko talaga at umalis na ako dyan at lumipat sa magandang company kung saan eh naiintindihan nila ang concerns namin, satisfied ang mga tao, excellent ang pakikitungo ng mga junior officers sa amin. Ewan ko, mahirap na magsalita talaga, pero pasalamat pa rin ako sa kanila at binigyan nila ako ng work nung mga panahon na wala ako at desperado na that time.
Sige hanggang sa muli na lang, wala na talaga akong social life dito sa work ko. I mean yung usual na ginagawa ko eh minsan na lang kagaya ng Internet life ko, hehe! pero Ok lang bawi naman sa compensation at healthy relationship. Saka na iyong love life.. career muna bago iyan!
by
Jinjiruks
March 8, 2008
1:02 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 Reaction(s) :: Adaptive
Post a Comment