Bedspace
Kahapon eh as usual wala na namang magawa sa bahay kaya puro text na lang ginagawa ko, nag-email sa akin kahapon yung isa pang naghahanap ng apartment sa Makati, iniwan niya yung number niya kaya ayun nag-usap lang kami kaunti, nakita na niya yung bahay at nakapag deposit na siya at sa Sunday na siya lilipat, naghahanap lang siya ng makaka-hati sa upa. Ako kasi hindi pa ako sure talaga lalo na't baka meron pa dyan na less than 2,000 yung rental na malapit sa Makati, pero sa ngayon mas Ok ang offer na ito unlike sa condo type na marami kayo sa unit eh dito kaming 2 lang ang nasa room at ka share yung 2 girls sa kabilang side.
Ewan ko anung magic ang ginawa niya bakit napapayag niya na makapag bedspace ang mga guys at girls without knowing kung ano ang pwede mangyari at hindi pa niya ganun kakilala ang mga tenant sa apartment niya. Hayz hindi ko alam, kagabi eh nag compute ako kung makakatipid ba talaga ako compare sa isa pang offer na bedspace ng friend ko na taga Las Pinas lang. Hindi ko pa masyado kilala itong magiging room mate ko at sa text lang kami naguusap kaya wala akong idea kung anu ugali niya aty personality kaya naman sinabi ko sa kanya na tingnan ko muna ang bahay at kilalanin pa siya mabuti. Basta bahala na muna siguro pag Ok lahat ng conditions siguro next week eh makakalipat na rin ako.
Nakaka-depressed lang talaga yung napanood kong movie kagabi sa Ch.23 yugn "Million Dollar Baby", yes simple lang ang story, typical American dream of fortune and fame, pero ends with a tragic ending kung saan eh para matapos na ang paghihirap ni Maggie Fitzgerald eh nag administer na ng euthanasia yung coach niyang si Frank Dunn. Ewan ko ang bigat ng scene na iyon yung remaining days niya sa hospital, walang pag-asa, iniwan ng mga mahal sa buhay -- Dying Away from Home. Talaga naging senti ako pagkatapos ng movie at nag-isip lang nang sandali nakatingin sa kisame ng bahay, inisiip yung mga pwedeng mangyari at consequences ng mga actions na ginagawa ko sa buhay.
Bukas training na naman, ang daming nasa isip ko kanina kung anu mga kailangan kong gawin para maging Ok ang performance ko sa account namin, kung anu ang mangyayari sa department namin na baby pa lang kung tutuusin at ilang months pa lang in operation, sana nga there would be room for growth and promotions kugn pagbubutihin ko maigi, improved accuracy and productivity, focus dapat lagi sa work. Promising ang batch namin kaya motivated talaga ako na gawin ang makakaya ko, think out of the box, innovate and adapt to the environment.
Lovelife, hayz wala pa rin, puro porn pa rin ginagawa ko, joke! Wala pa sa isip ko iyon, pero kahit single ulit, happy naman ako kahit papano kasi andyan naman ang friends ko for me, pero minsan talaga lalo na pag senti mode eh hindi maiiwasan mainggit talaga sa ibang nag-PDA dyan lalo na pag naglalakad lang ako sa labas. Divert ko na lang nga attention ko through Internet at sa work, marami pang mga importanteng bagay ang iisipin at dapat unahin kesa dyan.
Sana nga eh makabili na ako ng Digicam within this month para magamit na sa graduation ng mga kapatid ko, kahit siguro yung mga around 6,000 eh Ok na, hindi naman pang professional ang habol ko eh, to capture lang mga moments haha! Korni, sige hanggang sa muli, next week na naman ako makakapag update nito. Sana nga this week high spirit lagi ako sa pagharap ng mga daily problems.
by
Jinjiruks
March 9, 2008
12:46 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Just be careful.
Hindi masama magtiwala pero mas lalong hindi masamang magingat.
Un lang.
TL
March 14, 2008 at 8:39 AMsalamat po tito TL sa paalala.
Jinjiruks
March 15, 2008 at 12:46 PM