Ayos

Musta ulit. Yung week na ito napunta lahat sa pagbabayad ng mga utang sa loob ng nakaraang mga linggo kung saan eh wala pong pera ang inyong lingkod at nangutang sa pang araw-araw na gastos niya sa work. Kaya't nung sweldo time eh biglang napa-sigh nalang ako pero Ok lang naka schedule at budgeted na naman ang pera ko up to next payroll, at ung ibang critical na kailangan nang bayaran eh inuna ko na.

Musta naman ang work? Ayun Ok naman siya at medyo nakakahabol na kami sa required/theoretical quota na binigay nila pero hindi pa naman final iyon at nung isang araw lang eh nag-update na naman ng bagong process na naka-apekto talaga sa productivity namin, well ganun siguro pag bago palang ang function/account nyo, maraming trial and error na ginagawa at testing period eh pwede pa magtagal up to 6mts siguro pero Ok lang pagbubutihan ko na lang lalo na sa attendance at performance.

Kahit papano eh dumarami na ang network ko sa work at mga kakilala, asar nga eh up to now wala pa rin ang jacket na gusto ko dun. Out of stock pa raw at kung darating eh kasama na sa mga pending na kits na dapat nabigay sa amin sa start pa lang kagaya ng mugs, lace etc. Malapit na ang Holy Week kaya marami na naman ang magbabakasyon pero dapat mag self-reflect rin sila hindi lang dahil sa Holy Week kundi sa buong taon. Ewan ko ayoko pagusapan much yung religion kasi maraming hindi nagkakasundo pag iyan ang topic. Sige hanggang sa muli, baka bukas or next week na ako mag updates ulit.

0 Reaction(s) :: Ayos