Kakapagod ang biyahe kanina, nung umaga kakagaling ko lang sa Tutuban Center Mall para bumili ng mga poloshirt kasi nakakahiya na pang one week lang talaga ang mga polo ko (hindi bale kung shirt kaso business casual ang attire eh!), nagpasama na lang ako sa friend ko (na kahit medyo late eh buti dumating na rin at salamat nga pala at sorry sa istorbo na rin hehe!), ako talaga kasi walang alam kung anung polo ang bagay sa akin, at kung papipiliin mo ako eh malamang na puro plain lang ang pipiliin ko na nakaka-antok na minsan talaga at laging generic.
Mga ilang oras rin kaming pagala-gala sa mall para maghanap ng mura at maganda talaga, kailangang may tawad sa presyo at lilipat pag wala, marami namang stall dyan at bahala sila kung ayaw nila, mga hapon na rin ako nakauwi at buti hindi traffic, nakabili ako ng pang isang linggo na. Next time eh sapatos nalang sa mall ang bilhin ko kasi medyo may sira na yung rubber shoes ko at ilang taon na rin iyon, maski nga ang sapatos na balat eh nagpapakita na rin ng signs. Hayz sa dami ng utang namin hindi ko alam paano ba schedule ang mga iyan, basta bahala na siguro.
Sana nga matawagan na ang mga referrals ko para may extra funds pa ako at budget sa susunod na mga araw. Kailangan pa ng matinding marketing strategy para lumaki ang network at contacts ko para more pot money. Lol!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
sana nagyayaya ka diba? :P
Anonymous
March 18, 2008 at 4:37 PMHaha ganynan din ako. Pang-isang linggo lang ang polo ko pero who cares kung puro problema naman ang aatupagin sa office eh di na mapapansin yun. hahaha.
Divi-boy din ako. Madalas diyan ako tumitingin ng gamit.
Johnjan
March 22, 2008 at 2:14 PMsalamat sa mga nag-comment
Jinjiruks
March 23, 2008 at 12:28 PM