Medyo nakakapagod ang week na ito sa work kasi ilang araw na lang eh go-live na kami sa job namin sa Home Lending, medyo nakakatakot pero excited na rin, kahit papano eh bago yung makikita ko, hindi yung ilang araw na training batch ang ginagawa namin. Iba kasi pag live na at iba rin ang process na gagawin. Kailangan eh quality muna over quantity, madali na namang mahabol ang quantity pag medyo Ok na ang production quality.
Kahit Thurs/Fri eh may pasok pa rin kami, as usual double pay at pagkakataon na naman ng ibang company na magkaroon ng oras para sa maintenance ng buildings or transport vehicles. Nakakainis lang talaga na walang MRT that time, MRT kasi lagi ako sumasakay at matagal ko nang hindi nasusubukan ang bus to Ayala, kaya naman hindi ko alam alin ang dadaan sa loob ng Makati CBD, iniisip ko na Ayala ibabaw ang sasakyan kasi pag ilalim eh medyo malayo ka na ibaba. Kaya ayun no choice na nag bus na lang ako nung Thur/Fri, inagahan ko na lang na umalis sa amin +1 hour from the usual (mga 3 hours), kaya madaling araw pa lang eh umalis na ako, sa may ilalim ng MRT-Ayala ako binaba ng bus at naglakad na lang ako, muntik na nga ako ma-late kaya naman tumakbo na ako nung Thur at nung Fri eh napaaga naman kaya naglakad na lang ako.
Kahapon eh umakyat kami ng bundok kasama mga ka-berks ko dito sa amin, mga sampu kami kasama na ang 2 babae na pinsan at asawa ng kasama namin, kagaya pa rin ng dati, kung bakit pa kasi naging sementado pa ang daan; napakadali na tuloy umakyat at wala pang isang oras eh nasa taas na kami, medyo eroded na ang area kaya pag umuulan eh ang lalim na ng trace ng erosion na nangyayari. Tapos yung mga station run eh nawala na at less than 8 ata ang count ko, nakakainis nga at medyo iba na ang purpose ng mga tao sa pagakyat, parang ginawang baksyunan na nila compared dati na religious talaga ang reason, kulang na lang maglagay sila ng banda dun na ala-Woodstock, kaya nga hindi na ako lumapit sa grotto sa taas at tiningnan ko na lang mga taong dumadaan. Naghanap kami ng pwesto tapos ayun idlip nang kaunti, kumain then mga ilang oras bumaba na para mag agahan sa bahay ng kasama namin. Annual naming ginagawa ito at sana next time eh sumama naman ang hindi nakisama at nag-reply man lang sa amin.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 Reaction(s) :: Akyat
Post a Comment