Frustrations

Pag oras na naman ng sahod eh isa ata ako sa mga hindi masaya talaga, hindi dahil sa bunga ng pagpapagod ko at ilang oras na nakaharap sa PC kundi dahil sa parang hangin na naman na dadaan lang sa palad ko ang perang pinagpaguran ko.

> halos tuwing sahod na lang lagi na lang halos lahat eh napupunta sa bahay, hindi ko naman maiwasang magbigay dahil responsibility ko ito at yung tindahan ang source ng livelihood namin kaya hindi talaga pwedeng pabayaan.

>hindi ko man lang maayos ang sarili ko (literally), mukha na akong haggard na panot na naglalakad along Makati pagpasok dahil sa hindi maayos na buhok na bukod sa manipis eh pawisin pa ako kaya ewan ko hindi ako makatingin ng maayos sa iba, naiinis ako dahil wala akong ginagawang action at walang pera para ayusin ang sarili ko.

>yung kapatid ko pa na ilang taon nang umaasa at ayaw ata o walang balak maghanap ng trabahon, hindi ba niya nakikita na nakukuba na kami ni Papa kaka trabaho samantalang siya naman eh oo nga't nakakatulong nga eh pera ang kelangan namin ngayon at kaya na nina Mama yung gawain sa bahay, kasi alam niyang may makakapitan siya kaya wala man lang tiyaga at pagkukusa na maghanap ng work para kahit papano eh gumaan naman ang pasan namin sa likod, nakakainis na kasi na ilang taon na siyang tambay sa bahay at inaantay na lang ata ang pagtanda niya sa amin.

>ako ang nagyayaya minsan na pumunta sa mga events usually anime and related, kaso ako rin ang unang hindi pumupunta at indianero ika nga, nakakahiya tuloy sa iba kong mga kasama na andun na, usual reason pera, lagi na lang sila ang inuuna ko at hindi na naiisip pa ang sariling kaligayahan ko, parang alipin na ako nila na wala man lang kakayahan na sumaya kahit kaunti na sila lagi ang reason bakit hindi natutuloy ang mga lakad ko

>yung utang na loob sa kanila na sila ang nagpaaral sa akin at parang habambuhay kong babayaran, alam ko obligasyon ko iyon mula nang magtapos ako ng kolehiyo, pero bakit ganun, parang up to now kahit lagpas 25 na ako eh hindi pa rin ako makaalis sa pagkakagapos nila at lagi na lang sa kanila napupunta halos ng sinasahod ko, bakit sila ganyan, pinapakita nila na dapat akong mag-guilty kapag hindi ako nagbigay at sasabihan pang madamot kapag hindi ka nagbigay sa kanila, kaya nga gusto ko nang mag-dorm para maging independent at magkaroon ng peace of mind kahit saglit man lang then uwian na lang pag weekends, ewan ko ba.. sana nga nanalo na lang sila ng lotto para yung sinasahod ko eh sa akin lang, na ako na ang bahala kung anu ang gagawin ko, hindi talaga ako makapag-ipon dahil sa kanila.

>gusto ko bumili ng ganito nang ganyan pero wala pera or hindi aabot dahil matatamaan na ang budget ko para sa transpo, lagi na lang umuutang ako sa iba pag nagigipit ewan ko ba, kaya nakakalbo ako kakaisip sa mga problema na andyan lagi nakakapit at pasan na ata sa likod ko.

> frustrated rin ako kasi ang mga pangarap ko sa buhay eh hindi pa natutupad at ewan ko kung anu mga kelangan kong gawin para magkatotoo ang mga iyon, pati na rin sa lovelife wala rin akong swerte at nag-aantay pa siguro kung talaga bang may darating pa na para sa akin, o kathang-isip ko lang ito at masyado lang ako kumakain ng Nagaraya kaya ang utak ko eh pumutok na rin.

>gusto ko na makapag pahinga man lang kahit mga isang buwan siguro sa isang isla at pahingain ang pagod at manhid ko nang utak, ayoko na.. lagi na lang ganito ang nangyayari pag sasahod ako, kelan kaya darating ang panahon na magbibigay ako sa kanila na maluwag sa kalooban ko, yung aantayin na lang nila at hindi magde-demand na parang hold-up na lang paguwi sa bahay. Pag walang nangyari sa mga nakaraang buwan ewan ko na lang kung anu gagawin ko sa sarili ko, pagod na ako at ilang taon nang nagtratrabaho na wala man lang akong napapala sa sarili ko, puro sila na lang.. kelan kaya nila iisipin ang kaligayahan ko naman.. siguro pag wala na ako!

2 Reaction(s) :: Frustrations

  1. magdrawing ka na lang! masaya pa :)

  2. wala akong talent dun eh..