How are you Jin?

Oo na magaling lang talaga ako magyaya pero pag actual day na eh hindi naman ako pumupunta. Iyon siguro ang naiisip ng mga ka-berks ko na nasa AnimeFest ngayon sa Megamall, balak ko naman talaga pumunta kaso as usual may mga financial constraints na naman na nangyayari na palagi na lang kaya hindi ako nakakapunta sa mga ganitong event. Ewan ko ba sa sarili ko, puro na lang ang sa bahay ang priority ko at medyo hindi ko na naayos ang social life ko ever since. Boring siguro akong kasama talaga pag yayaan ang paguusapan, halata naman sa testi na binibigay nila sa akin. Hehe! Wala naman sa akin iyon, makakabawi naman ako sa ibang paraan.

Sa work,
OK naman ako sa far sa work ko ngayon, ever since na mag-live production na kami eh medyo naging serious mode na at talagang naka-monitored ako sa daily stats and my performance so far, yesterday I was able to talked with my Supervisor regarding about the Employee feeback, since go live na kami, we should expect more of this especially the scorecards that describes in general our current performance and where do we stand from there, medyo matagal ang usapan at umabot nang halos mga 50 minutes, I'm really flattering to know na isa ako sa mga "well-balanced" employees when it comes to productivity, yung iba kasi productive nga erroneous naman while others were reversed, kaya nga natutuwa si Jason sa akin and eventually bibigyan nya raw ako ng mga admin/managerial task para masanay na raw kami and a hefty experience na rin if we would want to pursue for higher position in the coming months or years, natutuwa rin naman ako at si Boss Jason ang bisor ko ngayon, kahit bagong function lang kami eh na set aside ang pagpunta niya sa Davao for the mourn of his Dad, at inuna pa niya ang work kesa sa family; few people would do that actually sacrificing your personal matters over busines. Bow kami sa iyo Boss Jason, sana nga eh maging model ka at positive reinforcer sa amin. Amen to that! Sana nga ma meet na namin at ma modify ang productivity goal namin and makakuha ng awards/recognition sa mga efforts na ginagawa namin daily on work.

Sa lovelife,
Hmm.. kagaya ng mga artista dyan, busy sa career kesa lovelife. Kidding aside, wala pa talaga akong plano right now sa part na yan. Hindi naman mawawala yan at handa naman akong mag-antay for the right person to come in my life, nakakapagod na kasi yung hanap nang hanap tapos hindi naman pala siya ang para sa iyo, masasaktan ka lang eventually in the end pero nevertheless it gives me strength to stand and learned from my mistakes. Pero minsan talaga hindi mo maiiwasang mainggit talaga sa iba na alam mo na sweet talaga, napapa-"sigh" na lang ako at sabay tingin sa langit kung kelan ko makikita ang para sa akin, pag dumaraan ang sa MRT parang gusto ko gumawa ng MTV ng "It might be you..". Hayz ganun talaga ang buhay siguro, puro hirap muna sa simula at sinusubukan ka lang nang nasa taas kung saan ang tibay mo. Pero sa ngayon masaya naman ako at in good terms pa rin kami ng aking ex at nagkikita kami once in a while para samahan ako sa lakad ko, manood ng sine. Mahal ko pa rin siya pero hindi pa talaga siya handa talaga at sigurado na magiging kami ulit. Hihingi muna ako ng signs mula sa taas siguro.
Sa family,
Lagi naman sila ang priority ko sa ngayon, hindi na nga natuloy ang plano ko na mag-dorm na lang dahil sa kanila, kahit gusto ko na maging independent at matutunan namang magsarili sila pa rin ang naiiisip ko, kung anu na ang mangyayari sa kanila pag si Papa lang ang magtratrabaho sa haus, hindi naman sapat ang kita niya pati sa tindahan, isa pa itong kapatid ko na wala pang work sa ngayon kaya hindi pa makatulong, ang daming gastos sa bahay at hindi ko na alam kung anu ang uunahin talaga, bawat sahod na lang parang hangin lang na dumaan sa kamay ko ang sahod ko, sabi nga ng mga kasama ko na magtira naman ako para sa akin at kahit papano eh reward yourself sa hard work na ginagawa mo. Ewan ko, siguro saka na iyon, sila muna bago ako, gusto ko na nga makapag abroad itong kapatid ko para kahit papano eh mabawasan ang mga iniisip ko sa buhay, nakakalbo na talaga ako dahil diyan. Sana nga guminhawa na kami kahit hindi medyo maganda ang takbo ng ekonomiya ng bansa natin.

Sa barkada,
Actually wala naman talaga akong problema sa kanila at andyan naman sila lagi when I needed them and vice versa. Nagtatampo lang talaga ako sa ibang hindi man lang nagrereply sa text message mo kahit naka ilang SMS ka na sa kanila eh wala pa ring dating, tapos pag nakapagyaya akala mo eh hindi nakasakit ng ibang tao sa hindi nila pagtugon sa message mo. Hindi na ako magbabanggit ng pangalan, siguro hindi na lang muna ako pupunta pag nagyaya sila para mapag-isip isip nila kung san sila nagkamali. Mga classmates ko naman nung elementary at high school eh miss ko na rin ilang taon, dekada na nga na hindi ko nakakausap o nakikita man lang ang iba, anu na kaya ang nangyari sa kanilang buhay, san na sila ngayon?, may anak na ba sila? nag-abroad na ba ang iba? sa totoo lang mahirap mag organize talaga lalo na't in spite of your effort eh wala namang darating kahit mag haus to haus ka na sa kanila, kusang loob na lang siguro ang aantayin ko, pero sana within this year or next year eh may maglakas loob at magkusa na mag organize kasi ako ayoko na, mahirap na.. lagi na lang kasi ako nasisisi kapag palpak ang get together, siguro it's time na ako naman mang bulyaw sa inyo, joke!

Hobby right now,
Sa ngayon wala naman ako masyado ginagawa sa bahay since paguwi sa bahay eh pagod at medyo watch lang ng TV tapos tulog na then gising na naman (monotonous ba?), ganun lang naman ang daily routine ko sa amin, sana nga eh may bagong adventures naman para hindi nakakasawa ang buhay, pera lang talaga ang hadlang minsan kaya hindi ko nagagawa mga bagay na gusto ko kagaya ng mountain hiking/trekking, bakasyon sa province. Kung bakit pa kasi na-imbento ang pera na siya nagpapahirap sa mga tao at cause ng evil sa mundo. Yung book na pinahiram ni Jason sa akin eh nababasa ko naman nang paunti-unti, mga 2 weeks na siya sa akin at dapat matapos ko na siya para makahiram pa ako ng mga books sa kanya, nasa third book na ako sa 5-part series niya, kaya kahit medyo common na ang story pero tumataas na ang climax niya at may bagong mga place to explore yung hero ng story na si Cadderly. Mamaya eh marathon reading ang gagawin ko at sana makadami ng pages. Hehe! Sana makapag bakasyon sa Sagada pag may time ang buong team, i would prefer nature tripping kesa sa beach na lang palagi ang nasa isip nila. One more thing nakaka -miss minsan yung paglalaro ng Playstation, nostalgic na naman ako during those days na andun kami sa tambayan at ilang oras na bonding thru PS RPG games na nilalaro namin, sana nga maulit ulit iyon this time sa ibang platform naman. Nakaka-miss ang barkadahang PS Boys ng Omega. Hehe!


Directions?
Hindi ko pa alam kung saan patungo ang buhay ko ngayon, pero sa ngayon eh kuntento naman ako sa outcome ng mga events na nangyayari at sana eh maganda naman ang employment ko sa Chase this coming year kahit medyo may US recession na mangyayari lalo na't direktang tatamaan ang line of business ng bank namin which is the mortgage sector, iniisip ko pa rin ang pag aabroad kasi hindi talaga ako nakakaipon kahit medyo malaki na ang sahod ko kesa sa mga former companies na pinag-trabahuan ko, kasi yung classmate ko nga kahit malaki na ang sahod eh hindi pa rin sapat eh anu pa kaya ako? Hindi pa ako makapag decide pero just in case maipit na ako sa situation eh wala na talaga akong choice but to find work at greener pastures. Medyo senti pa rin akong tao pag medyo nakaka-relate ako sa situations eh hindi ko mapigilang umiyak sa sarili ko at malumbay sa mga pangyayari sa wala sa aking kontrol. Basta gagawin ko na lang lahat ng makakaya ko para mapabuti ang buhay ko at ng mga tao na nakapaligid sa akin. Sailing through turbulent waters, testing the courage, faith and hope of my body and soul.

3 Reaction(s) :: How are you Jin?

  1. ang galing mong artist you know!
    pareho tayo sa love life...hehehe

    daan ka naman minsan sa blog ko...

  2. thanks for visitng my blog.s popoy kasi lagi tumatambaysa blog ko.kaya puro popoy.yun!

    pare,parang ikw ung kausap ko dati sa forum ng 1vs100 s mukamo?

    add kita sa links ko ha.thanks!

  3. @yarnhoj
    dumaan na ata ako sa blog mo. musta ka naman dyan.

    @kurisujae
    sumali ka ba dun? wala na kasi ata yung show na iyon.. sayang nga at hindi ako nakasali ulit. si popoy madaldal talaga iyon at siya lagi ang laman na lang ng mga tags sa blogs. wahaha!!