Kagabi after work as scheduled for our team building, nagpunta ang team sa Bonnie's BBQ Grill near Greenhills Shopping Mall at Greenhills, San Juan (san pa ba?), medyo nauna lang kaming mga boys na makapunta dun samantalang ang iba eh nag-MRT/bus/jeep kaya humabol na lang sila. Well Ok naman ang place, hindi lang siguro ako sanay na magpupunta sa ganitong mga lugar (mas prefer ko pa nature tripping) kaya medyo naiilang talaga ako, hindi naman ako gimikero at homebud lang most of the time.
Malaki ang space niya unlike dun sa isang videoke bar along Emerald, Ortigas Center sa may Strata ata iyon na sobrang sikip talaga, wooden ang chair na cube shape pa, 21' screen TV, 2 microphones and yung videoke machine siyempre. Gutom na kasi kami kaya kumain muna ang lahat, BBQ as expected, sisig, liempo; minsan lang ito kaya sumugod na ako sa giyera para kumain. After that eh nagsimula lang nagkantahan ang mga stand up comedians sa grupo at nagsisigawan pa ang mga loko kaya nakakabingi. Wala talaga akong balak kumanta at makikinig na lang ako pero ang kukulit ng mga kasama ko.
Maraming nakakagulat na mga pangyayari ang naranasan ko, parang Big Brother hehe, lumabas rin ang tunay na kulay ng mga housemates hehe! May mga talent pala itong mga kasama ko, yung ibang tahimik eh nagwawala at yung iba eh hindi ko akalain na may bisyo pala. Wala lang nagulat lang ako sa mga nakita ko, kasi sa office hindi naman ganun ang personality nila. Back to pagkanta, hehe.. wala lang, napakanta tuloy ako ng "YMCA/In the Navy" para maging lively ang atmosphere and ganun na nga ang nangyari lahat eh kumanta at nag build up na ang momentum hanggang halos lahat eh nagsikanta with emote pa. Hindi talaga ako umiinom kaya pasensya na po talaga sa mga nagyayaya sa akin na ilang beses na, maski yung bisor namin ilang beses akong niyaya pero tinanggihan ko.
Natapos at around 12midnight yung pag-videoke namin na ang iba eh mukhang lasing pa ata pero carry pa naman nila. Nagulat lang ako na napasobra pa pala ang gastos at kelangan pang mag contribute ng tig-100, sa tantiya ko naman eh hindi naman dapat lumagpas iyon, yung mga nagsiinom lang na ilang bucket pa ata iyon ang nakadagdag lang, wala naman akong sama ng loob whatsoever, iyon nga lang eh dapat hindi na kasama sa pagbabayad yung mga hindi uminom, sila ang nag order tapos madadamay kami (wala daw sama ng loob!), pero Ok lang iyon minsan lang naman mangyari iyon eh at hindi na mauulit kasi sana next time eh nature trip na ang team building para naman fresh at sariwa ang atmosphere and away from urban life sana.
Mahirap sumakay pag ganung mga oras lalo na sa terminal na inuuwian ko, mga 1am na ako nakarating sa may Litex and as expected eh alam mo na, nag-antay ako ng ilang minutes para lang makasakay ng jeep, plus andun pa ung mga tricycle driver na mahilig managa sa mga pasahero na mag-ooffer ng mataas na pasahe para lamang na makauwi ka lang, pero hindi ko kinagat ang offer nila at nag-antay na lang ako sa jeep, tumawag pa nga si Papa nung nasa bus at tinanong kung san na ako, ayun sinabi ko nga na sana eh makasakay na ako at sinabi ko na antayin nila at ako bago sila matulog, mga 2am na ako nakauwi sa bahay at nakita ko pa sila na nanonood ng late shows then saka na lang sila umakyat para matulog. Hindi na rin ako nakapag ayos, nagpalit lang ng damit punas ng mukha then ayun bagsak na sa higaan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 Reaction(s) :: 1st Team Building
Post a Comment