Treatment
Kakauwi ko lang sa amin mga bandang 3pm, matagal-tagal rin akong nag-antay kay Dok (may emergency operation kaya naantala ang consultation namin), kasabay ko pa rin si ate na nagpatanggal ng cyst last Saturday. Inayos niya at tinuran lang ako maglagay ng bandage para within this week eh ako na ang maglalagay nun daily. Then next week eh aalisin na niya ang sinulid na tinahi sa aking sugat. Salamat na lang talaga sa health card kung hindi eh katakot-takot na gastos ang haharapin ko. Pero sana alam ko kung magkano na ang nagagastos ko mula sa operation hanggang sa treatment period. Salamat na lang at natapos na ang ilang taong paghihirap ko sa infection na ito. Hindi na talaga ako magbabasa ng paa pag nagpalinis ng kuko. Marami akong natutunan sa bagay na ito, naging aware at health conscious ako at nagre-research kung anung mga dapat gawin parang maging healthy at physically fit.
by
Jinjiruks
May 13, 2008
4:32 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
had an operation too last month.. okay nga may medicard..hehe.. pero syempre, we realy need to find ways to live a more healthier life everyday.. :P
ardee sean
May 13, 2008 at 5:01 PMhonga eh salamat nlang sa HMO card.
Jinjiruks
May 14, 2008 at 9:21 PMhuwaw,,,lesson learned yan. salamat sa pagshashare. mahilig pa man din ako magpa pedicure...
wanderingcommuter
May 15, 2008 at 2:23 PMwag lang kasi babasain agad pagka pedicure at sigurado ka dapat na magaling at hindi kung sino sino lang.
Jinjiruks
May 17, 2008 at 3:18 PM