Naranasan ko ang mala-impiyernong paghihirap sa paghahahanap ng masasakyang dyip o kahit anung sasakyan na lang, nagsimula ang aking kalbaryo mula sa pagbaba ko sa MRT-Quezon Ave. Ang alam ko kasi eh Piston lang ang may transport strike at hindi nakilahok ang ibang grupo kaya by nighttime and uwian time eh Ok na ang lahat at maraming masasakyan. Pero reverse ang nangyari, ang daming tao sa mga terminal ng fx, dyip;maski ang mga bus eh puno ng mga pasahero. Iniisip ko kung magaantay ako kasabay ng mga tumpok ng tao dito eh anung oras pa kaya ako makakauwi nito.
Then naisip ko na maglakad na lang, sa kabila na naka sandals lang ako at iniingatan na hindi mabasa ang aking benda sa paa eh hindi pa rin maiiwasan na mabasa at maputikan sya lalo na't kakatapos lang ng malakas na ulan na sanhi ng pagiging basa at putik ng mga kalsada at rason na rin sa buhol-buhol na daloy ng trapik sa may Commonwealth avenue na lalong nagpalala ng sitwasyon kung kaya naman maraming na-stranded hindi dahil sa strike kundi sa hindi gumagalaw na daloy ng sasakyan dahil sa malawakang pagbaha ng ilang kalye (parang reporter na ako nito), naglakad ako mula sa MRT to PhilCoa, past 9pm na that time, at lalong maraming nagaabang na pasahero sa area na iyon kaya naman nagisip ako kung san pwede makasakay.
Habang palakas lakad eh napalakad na lang ako bigla sa isang eskinita malapit sa PhilCoa (Malinis Street ata iyon), nakaisabay na lang ako sa iilang tao na nagbabakasali na may dyip na hindi puno, mga ilang minuto na paghihintay eh wala ring nangyari sa akin hanggang sa makasabay ko sa pagaantay ang 3 taong nagaantay rin ng masasakyan, isang kolektor ng Meralco, saleslady sa Ever at isang binibini. Napansin ko na may balak silang sumakay na lang ng taxi kaya kinausap ko na rin sila kung magkano ang singil sa kanila, as usual nananaga na naman ang mga madudupang na mga driver, mabuti na lang at isang driver na pinasakay kami at nag pretend na lang kami na magkakasama para lang makasakay, actually eh taga Sandiganbayan lang ang 2 at kami lang 2 ang sa Litex talaga.
Sa wakas eh nakarating na rin ako sa Litex at nakapagbayad na rin (85 lang nabayaran namin at hindi nabawasan ang aking pera salamat kina ate at koya!), pero hindi pa dun natatapos dahil ayun, stranded ulit at kaunti lang ang dyip na biyahe pauwi sa amin, pila as usual, mga 3 layer na nga ang tao sa loob kaya ung isang dispatcher eh kinontrata na ang ibang kolorum na sasakyan para isakay ang mga tao, yung isang dyip muntik nang matamaan ang mga nakapila kaya naman pinagmumura siya. Pagkasakay sa dyip eh nakaidlip agad ako dahil sa sobrang pagod na rin kakalakad at antay ng masasakyan, halos hatinggabi na rin bago ako nakauwi sa amin, kumain lang ako sandali then pahinga, at around 1am eh nakatulog na ako. Sana hindi na maulit pa ang hindi magandang karanasan na iyon.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 Reaction(s) :: Stranded
Post a Comment