Kanina kakagaling ko lang sa Fairview General Hospital para sa last consultation with Dok Joy Ateneo, buti pang 3rd ako kaya mga ilang minutes lang turn ko na, as usual nag kwento na naman si Dok habang inaalis ang bandage sa paa ko, na nung ancient times eh yung baga mula sa pugon ang pang ampat ng dugo pag may digmaan at buti na lang at hindi namin naabutan ang panahon kung saan eh walang anesthesia.
Talaga masakit at napalayo ako nang kaunti nang hinila na ni Dok ung sinulid na nilagay niya, sabi niya ayos ang pagkakatahi niya at mahigpit kaya mabilis ang paggaling, sobrang sakit talaga at nung natanggal na eh biglang *whew* at naalis na ung tahi sa akin, sinabi niya na for him mas maganda na band aid na lang raw ang ilagay ko para hindi maging masikip pag nag rubber shoes ako or any kind of shoes, pero sabi ko mas gusto ko pa na bandage na lang para just in case na accidentally na maapakan eh ung cushion or impact eh minimal lang unlik sa band aid which offers less protection, natatawa na lang ako at sabay nyang nilagyan ng bandange at band aid ung paa ko. 6weeks ang recovery time na binigay niya at alaga lang ang payo nya bukod sa pag take ng vitamins.
Kanina ka-text ko Baby koh and masaya talaga ako dahil naiintindihan niya ang situation ko kahit medyo hindi kami naguusap madalas maski sa text na nga lang eh alam naman niya ang reason at alam naman niyang loyal at sincere ako na matuloy talaga ang relation namin, natatawa na lang ako na gusto nya lagi kiss ko raw siya which is gusto ko rin naman haha! Wala lang masaya lang ako at despite sa mga pagkukulang ko eh andito pa rin kami at nalagpasan namin ang ganitong trials na pwedeng maulit pa since contrast talaga ang nature ng work namin, ayoko na masaktan pa ulit kaya i'm really really cautious on handling this relationship, medyo may kaunting selos cause wala akong idea kung anu ang ginagawa niya or kung sino mga nakakausap niya, pero may trust naman ako sa baby ko kaya kalma-kalma lang ako dito.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
hi. i saw this flick during my STS subject on the discovery of anesthesia. naku! lalo na pag bala ang kukunin sa kalamnan mo, sisigaw ka talaga sa hapdi.
good thing may baby ka to minimize the pain and maximize the recovery.
Anonymous
May 26, 2008 at 4:45 PMhaha. ganun ba, hindi ko naman siya kasama that time, all by myself ako.
Jinjiruks
May 30, 2008 at 9:21 PM