Pirmi
Sa loob ng 2 araw (Sabado at Linggo) eh walang nangyari sa buhay ko at isa sa mga walang kwentang araw, dahil hindi man lang ako lumabas ng bahay at nakapag Net kagaya ng regular na routine na ginagawa ko pag mga ganung araw. The usual stuff na pinaguusapan sa family, problema na naman sa pera. Lalo na't pinagiisipan naming wag muna magpatuloy sa pag-aaral itong bunsong kapatid ko dahil hindi ko talaga kaya ang mga gastos lalo na't sa kuryente at tubig pa lang malaki na ang nakakain at kelangang tapalan ang tindahan namin dahil isa ito sa mga ikinabubuhay naming pamilya. Nakakaawa tingnan na butas butas ang tindahan namin dahil nga sa walang pera na pambili ng mga paninda. Kaya ayoko rin pumirmi sa amin dahil hindi ko maiwasang kumain nang kumain kaya ang laki-laki ko na ngayon at kailangan nang magbawas. Sana hindi na maulit na buong araw eh nakatambay lang ako sa haus. Wala rin kasi akong makakasama sa labas kaya nakakatamad din pati na rin sa panahon natin na sobrang init.
by
Jinjiruks
June 9, 2008
4:37 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
semaj
nakakalungkot naman ang case mo kuya, di malayong ganyan din ang mangyari sa akin two years from now
:(
Anonymous
June 9, 2008 at 8:01 PMsus. nde naman tayo magkapareho ng katayuan talaga. kaya mo yan.
Jinjiruks
June 11, 2008 at 11:52 AMhi!!!
Nakakatamad bro pero you have an option to change the situation...yun lang.
sara ysabelle
Anonymous
June 11, 2008 at 7:49 PMhonga po eh. salamat sa pagdaan ms. lala
Jinjiruks
June 12, 2008 at 9:51 PM