Sa wari ko
Nakakatamad minsan sa office lalo na't walang ginagawa kami ngayon. Pero mas ok na ito kesa mag undertime kami. Marami tuloy akong naiisip ngayon. Maraming mga pangyayari ang hindi ko mailagay sa blog ko because of personal reasons. Mabuti pa nga ang iba at nasasabi nila sa blog nila ang mga bagay na sensitive. Kanina nag miskol pa si ***, nakakainis naiisip ko na naman kung sana maging kami na lang, wala lang ang bait niya kasi at talagang pinapakita niya na mahal niya ang syota niya ngayon. Ako naman kasi medyo mababaw lang ako minsan, sabihan lang ako na "Mahal kita", biglang bumibilis tibok ng puso ko. Ewan, siguro isa iyon sa mga hinahanap kong traits sa isang partner, kasi kadalasan ako na lang ang gumagawa ng paraan or moves; sana this time naman siya naman ang gagawa at ipadama sa akin na mahal niya talaga ako. Naka ilang failed relationships na rin ako for a couple of years, parang ayoko na minsan at mamundok na lang ako hanggang sa pagtanda. Wala naman kasi akong nahahanap or nagpapakita ng motibo, hindi naman siguro ako ganun kapangit para hindi nila pansinin. hehe! Ewan ko ba siguro dahil suplado ako minsan kaya nakaka-intimidate. Kaya pag-uwi sa work mas prefer ko ang mag-isang maglakad, para magisip-isip, maging sentimental. Sana'y na naman akong mag-isa, kakayanin ko naman siguro at state of mind lang itong nararamdaman ko. Halo-halo pumapasok sa isip ko ngayon, parang gusto ko pumunta sa isang isolated na lugar, mag self-reflect. Ayoko ng buhay ko ngayon, hindi ako makakilos, walang kalayaan, parang wala akong pagpipilian. Hayz.. mahirap kausapin naman ibang tao, wala siguro akong kwenta talagang tao. Thoughts ko lang naman iyon, baka mamaya mawawala na rin ito. Pasensya na sa lahat at eto na naman ako.
by
Jinjiruks
June 6, 2008
4:35 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 Reaction(s) :: Sa wari ko
Post a Comment