Senti na naman
Tulala na naman ako at nakatingin sa kawalan habang nakasakay sa tricycle at papunta na sa shop ng ka-berks ko dito sa may highway. Iniisip na naman ang kalagayan ko ngayon kung bakit hindi ako masaya sa buhay ko ngayon. Nakakalungkot na pakiramdam ko lalo na sa office na nag-iisa lang ako, na hirap akong makihalubilo sa ibang tao, iba kasi ang interest ko sa kanila, hindi ko man lang malabas ang aking mga problema at mga hinanakit sa buhay, kaya pag naiisip ko mga iyon, napapaiyak na lang ako sa sarili at kinikimkim ko na lang sa sarili ko. Hindi ko pinapakita sa kanila ang aking kalungkutan at mga problema dahil wala naman silang pakialam at may sarili rin silang mga problema. Hirap magsabi dahil wala akong tiwala sa kanila, na hinahanapan lang nila ako ng butas para ipahamak. Pasensya na at ito ang iniisip ko pero pareho naman tayong (mga tao sa office..) walang ginagawang effort para magkalapit at magkausap tayo nang mas malalim pa. Hayz.. napapagod na po ako minsan sa buhay, kung bakit ganito ang kinahahantungan ko ngayon, kung bakit sobrang lungkot ko, kung bakit wala akong nakakasama sa buhay kung saan pwede ko i-share ang aking nasasaloob, mga achievements, frustrations.. Hanggang kelan ba akong ganito.. kelan kaya ako sasaya.. Kelan kaya ako magiging kuntento sa buhay.. Minsan naisip ko na sana namatay na lang ako para matapos na itong paghihirap na nararamdaman ko ngayon, naaawa ako sa sarili ko dahil hindi ko man lang matulungan ang aking sarili sa mga araw-araw na problema at mga obstacles na dumarating sa aking buhay.. Sana dumating na ang hinihintay ko na makakasama ko sa buhay.. puro failed relationships ang nararanasan ko.. sana nga this time.. makita ko na siya!
by
Jinjiruks
June 29, 2008
11:40 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 Reaction(s) :: Senti na naman
Post a Comment