Friday. Dumaan muna ako sa Sm Fairview para tumingin na rin ng sapatos at damit. As usual naabutan ko na naman si Raniel sa may Quantum naglalaro ng Tekken, kulang na lang siguro gawaan siya ng characters dun sa kaadikan, wala ka hindi mo pinakita ang bagong car mo, asensado ka na talaga, kaya lang wrong timing kasi mahal ang gas ngayon, pa convert mo na lang iyan sa LPG haha. Bago umuwi eh nagkita rin kami ni Semaj sa may FCM, usap-usap lang -- hindi pa ako handa sa suggestion mo, wala pa akong lakas ng loob para gawin ang mga bagay na iyon. Inggit nga ako sa iyo at nasabi mo iyon, ako ewan ko kung kelan. Bahala na siguro. Kelangan ng matinding pag-iisip sa bagay na iyan.
Saturday. Tanghali na ako nakarating sa office for overtime work, paano ba naman kasi, inaantay ko ang tawag ng BPI nung umaga (7am) hanggang sa umabot na lang ng 8.30am eh wala pa akong natatanggap na tawag. Bahala nga sila, ayoko talaga nang pinapaantay ako sa wala, ang daming oras na nasayang nung araw na iyon. Kung ayaw nila approve ang application ko, bahala sila. May cellphone naman ako para mag-text or tumawag sila or even i can go personally sa main office nila (which is malapit lang sa workplace), na confirm na naman nila yung lanline ko, hindi pa ba sapat iyon. Asar sila!
Sunday. Dahil sa ulan, hindi man lang ako nakapag lakwatsa man lang kahit sadali, kaya basa lang sa haus, pagdating ng mga 10am eh nagpunta sa Net Cafe para mag update sa mga social networking sites, message boards and even sa job application ng kapatid ko.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Nakalimutan ko e. haha next time pagbalik mo... suplado ka nga hnd ka namamansin agad. haha busy ako sa kaadikan e
Raniel L
July 15, 2008 at 9:19 AMHonga eh busy kaka tekken hindi mo na napakita yung car mo. Basta sa next year yung reunion ma-sample yung car na yan mainit yung kay Arlnold. Buti active na yung blog mo.
Jinjiruks
July 15, 2008 at 4:38 PM