Kahapon mga 10am eh nagpunta ako sa SM Fairview para bumili ng sapatos at dahil mid-year clearance sale pa kaya na engganyo akong pumunta. Grabe ang mahal na talaga ng pamasahe lahat halos Php2 na ang taas sa pasahe, sabi nga ni manong driver eh bakit hindi na lang itaas nila sa Php70/liter para todo na ito at hindi iyong suspense lagi ang ginagawa nila. Nakakainis nga lang SM Loob ang nakalagay pero sa may entrance lang kami binababa. Asar ka talaga manong.
Supposedly eh magkikita rin kami ni Raniel dun for the 2nd time para pakita yung car niya at ilibre ako ng lunch/dinner pero mga 5pm pa daw siya makakarating, iniisip ko tuloy anu ang gagawin ko para malibang at kumain ng oras. Kaya ayun gumala gala muna ako sa mall, talagang bawat part at shop eh nilibot ko. Sa Booksale tumingin lang nga mga books unfortunately eh walan g fantasy at puro sci-fi ang theme ng mga books nila, hinanap ko ang Bioresearch pero hindi ko mahanap, saang pwesto na kaya sila. The tumingin muna ako ng mga damit papasok sa Department Store nila and ayun, bumili ako ng striped ones para naman magmukha akong payat. As usual black and blue na combi, sayang yung green stripes kasi wala nang Large na size at yung Medium eh alanganin naman sa akin.
Mga 1pm, dumaan na ako sa shoe section nila para tumingin, ayoko manira ng ibang product pero yung Rusty Lopez na iyan, wag kayo bumili diyan.. hehe! kasi once na mabasa yung suwelas ng inyong sapatos eh karton lang pala at hindi leather talaga ang laman nito, kaya parang lupa na na-eerode hanggang sa maging manipis na siya at kagaya nung nangyari sa akin last week eh napasukan ng tubig at nabasa ang aking medyas, buti na lang at hindi kamo nangamoy ito kundi nakakahiya talaga sa office. Asar talaga ako that time, buti na lang at bigay lang iyon at hindi bili. Nag text ako sa friend ko kung anung magandang brand ng sapatos sabi niya yung tito niya Jarman ang gamit pero sobrang mahal naman nito (around Php2,500++) and yung budget ko talaga eh Php1,500-2,000 lang. Sabi niya Ok rin daw ang Swatch (dunno kung related ba siya sa watch ah pero iba ang icon eh, ship siya), yung mga 30% discounted shoes nila eh wala nang size 8-9 puro mga 7 na lang at masikip sa paa ko. Then tumingin ako sa 10% and sabi ng salesman eh marami pa daw stock yung sa area na iyon, kaya ayun kasya sa akin ang size 8, binili ko na rin at umalis na.
Sa loob ng ilang oras eh pagala-gala lang ako, kumain sandali sa foodcourt, gala ulit, daan sa Quantum. Uuwi na sana ako nang bandang 3pm kaso biglang bumuhos ang malakas na ulan, nagpatila lang ako sandali then by around 4pm eh naglakad na ako palabas, at naasar ako dahil baha pa at traffic at mainit pa rin kahit kakatapos pa ng ulan. Mga 5pm na ako nakauwi sa amin, pahinga lang.. kain.. nood TV then tulog na. Langya ka Raniel pag sa 3rd time wala ka pa rin, bahala ka sa buhay mo, sisirain ko yung kotse mo.. har har! Maganda rin pala na mag unwind ka nang kaunti, maglibot at nakakawala talaga ng stress pag nalilibang ka. Siguro next week baka mag mall ulit ako.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
haha, napaka mobile naman ng araw mo. ako karaniwan sa bahay lang naka harap sa computer.
makakalabas lang ako pag mag ggym, twice a week, or bibili ng supplies once a week. haha
Maganda bumili ng sapatos kapag mga formal type eh sa Hush Puppies
Anonymous
July 21, 2008 at 6:04 AMngayon lang kaya ako lumalabas labas, ilang taon na kaya akong nakakulong lang sa haus at wala man lang libangan hehe.. talaga ok mga shoes dun? as in formal sa Hush Puppies?
Jinjiruks
July 21, 2008 at 9:03 AMAba! Naextra pala ako dito. sana man lang binanggit mo ang name ko. Saka hindi tito ko ung may Jarman, si dad un. Ung swatch ung tito ko. anyway, drop by ka rin sa blog ko sa multiply. ;)
Anonymous
August 3, 2008 at 7:58 PM