Idle

Buong araw walang ginawa ang team kundi magdaldalan at tsismisan na lang tungkol sa team building namin sa Dagupan City. Sige kayo pag puro kayo plano hindi talaga matutuloy iyan kagaya na lang ng katabi naming team, halos araw-araw na lang nila pinaguusapan ang Puerto Galera, look what happened - hindi natuloy, in the end frustration lang napala nila.

Kakainis nga puro meeting hindi na ako nakapag-browse sa Net dahil nakakahiya naman na naguusap sila tapos iba ginagawa ko. Halos 2 oras ding pinagusapan mga bagay-bagay mula sa pag-alis to pagkain, games and pag-uwi. Bahala sila pero ako gusto ko lang makapunta ng ibang lugar and I'm not excited for the sake of so-called "bonds" tutal pag-uwi plastikan na naman din ang mangyayari. Human nature talaga. tsk. tsk.

Kahit hindi maganda ang araw ko (wala ako sa mood makipag-gaguhan sa kanila - ang araw-araw na panlalait sa akin na hindi kumpleto ang araw pag wala iyon), salamat na lang kay Titser Yol ang napatawa niya ako sa blog niya. Lalo na ang transformation thru Enerva energy drink. Kaya naman marami siyang follower sa blog niya, iba ang talent niya sa pagsulat ng entry - yung tipong mapapangiti ang nagbabasa. Sana marami pang kagaya mo Titser Yol.

4 Reaction(s) :: Idle

  1. Ooh. Kilala mo si Sir Yol? Amazing!

  2. hindi ko kilala - sa iyo ko siya nakilala sa bloglist mo. nakakatuwa ang mga entries niya kasi.

  3. Ah. Hahaha. Outdated na yung bloglist na yun ano.

    Pero isa sa mga paborito kong manunulat si Sir Yol. :)

  4. bumalik nba sya sa Ateneo as part-time o hindi na?